PAGKATAPOS nang nakakahiyang eksena nina France at Gian sa banyo ay bumalik na si France sa sinehan, pero wala roon si Ren, "Nasaan iyon?"
Lumabas uli si France para hanapin si Ren. Nakita niya naman itong nakatayo malapit sa entrance ng sinehan.
"Dumaan ako doon kanina, pero hindi ko siya napansin. Hay, nevermind na nga lang."
"Ren!" tawag ni France. "Anong ginagawa mo rito?"
"Ah, wala, bumalik na tayo sa loob."
"S-Sige."
Habang naglalakad sila pabalik sa loob ng sinehan, biglang kinapitan ni Ren ang kanang kamay ni France.
"Ang lambot talaga ng kamay mo." Napangiti si Ren, "Ibang klase na talaga ang technology."
Kinabahan si France, napabitaw siya sa kamay ni Ren.
"Anong problema?" takang-taka na tanong ni Ren.
Napayuko na lang si France, "S-Sorry."
MATAPOS manuod ng sine, sunod na nagpunta sina France at Ren sa food court. Naroon ang mga Mokong. Hindi naman nagulat si Ren nang makita ang mga kaibigan, tila inasahan na niya ito.
"Nasaan na?" Iyon agad ang tanong ni Ren kay Chris.
Kunot noo namang sumagot si Chris, "Ngayon na? Pa'no yung hinanda namin sa resort?"
Ang tinutukoy ni Chris ay ang surprise party na ipinahanda ni Ren sa isang resort. Nakaprepare iyon mamayang 12 midnight para sumakto sa birthday ni France. Pero mukhang wala ng celebration na magaganap.
"Kalimutan n'yo na 'yon!" sabi ni Ren.
"D*mn man!" bulong ni Dave.
Halata naman sa mukha ni France na hindi nito maintindihan ang usapan. Pabalik-balik siya ng tingin kina Ren, Chris, at Dave.
May inabot si Chris kay Ren, isang paper bag. Humarap naman si Ren para ibigay iyon kay France.
"A-Ano 'to?"
"Buksan mo," utos ni Ren.
Sinunod naman siya ni France.
"S-Scrapbook?"
Sa unang page pa lang ng libro ay makikita na ang iba't ibang masasayang larawan nina France at Ren.
Natuwa si France at napayakap kay Ren. Pero agad din siyang kumalas sa yakap nang makita ang seryosong titig ni Gian.
"S-Salamat, Ren." Iyon na lang ang nasabi ni France.
Hindi niya maintindihan pero... bigla na lang niya nakalimutan ang plano sanang pakikipaghiwalay kay Ren. Naiinis din siya sa kanyang sarili dahil pinagdudahan niya ang pagmamahal ng kasintahan.
"M-Maraming salamat talaga Ren," ulit ni France.
Bigla naman napangisi si Ren, "Unli ka ah, ayos lang." Tinap nito ang ulo ni France, "Actually, kulang pa 'yan sa mga nagawa mo."
"Nagawa ko?"
Dahan-dahan lumapit sa kanya si Ren at saka nagsalita. "Thanks France, kami na ulit," tumingin ito sa likod nito.
Clueless pa rin si France kaya lumingon siya at doon niya na nakita ang nakangiti ring mukha ni Marj. Nang makita ito ay muling ibinalik ni France ang tingin kay Ren.
Nakita niya na nilingon ni Ren si Gian. "Mission accomplished, bro," anito.
"Ano ba'ng nangyayari? Naguguluhan na 'ko," tanong ni France sa isipan.
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...