CHAPTER 8
Parang secret agent na ni-lock ni Mr. Lee ang kwarto sa second floor.
"Sigurado ka ba Hon na walang duplicate key si Gian?" parang bubuyog naman na tanong ni Mrs. Lee.
Ngumiti si Mr. Lee. "Oo, siguradong sigurado honey," tugon nito.
"Okay, excited na kong magkaapo." Kumapit si Mrs. Lee sa bisig ng asawa. "Tara na honey baka mahuli pa tayo ng mga bata."
"Bakit naka-lock?" magkasabay na tanong nina France at Gian. Parehong naka-lock ang mga kwarto nila.
Nag-unahan sila ni Gian sa pagpunta sa dalawang guest room dito sa second floor, pero panay naka lock.
Kinakausap ni France ang sarili.
Ahh, tama! Sa guest room na lang sa baba ako matutulog.
P-Pero teka, isa nga lang pala ang guest room sa baba. Naku, kailangan kong maunahan si tsonggo.
Sandali silang nagkatitigan ni Gian bago nag-unahan pababa sa guest room.
"Aray," natalapid si France sa may hagdan. Pinuntahan naman ito ni Gian.
"B-Bakit, anong nangyari?"
Aba, may pakialam din pala 'tong tsonggo na 'to. Ayos!
Naging pagkakataon 'yon ni France para maunahan ito sa kwarto. Agad na tumayo si France at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Yehey, nauna ko!"
Galit na sumunod si Gian, pero sorry na lang ito dahil nauna ng makahiga si France sa kama.
"Hoy bakla, madaya ka! Dun ka sa sofa, tabi diyan!" utos ni Gian.
Nagtaklob si France ng kumot at hindi ito pinansin,
Napaka ungentleman niya, siya ang matulog don! Bahala siya!
"Hoy France, bakla, bading, bekimon! Aba't nagtutulog-tulugan pa ata 'to."
Inalis ni Gian ang kumot na nakabalot sa kanya.
"Mukhang tulog na nga talaga siya. Pano na 'ko ngayon? Asar!"
Pinagmasdan niya si France.
"Ang ganda niya—Anak ng tokwa! Ano bang pinagsasasabi ko?"
Umiling-iling si Gian.
"Ang pangit mo bakla, nakanganga ka pang matulog. Pasukan sana ng bangaw 'yang bunganga mo!"
Maya-maya pa'y nakaramdam na rin si Gian ng pagkabanas.
"Aist! Sira nga pala ang aircon dito. Tulog naman si bakla kaya okay lang siguro kung maghubad muna ko."
Inalis ni Gian ang damit pang itaas niya at tinabihan si France sa kama.
NANG IMULAT ni France ang mga mata niya, nakita niya ang walang damit na si Gian sa tabi niya. Napanganga siya. Pamilyar sa kanya ang ganitong eksena. "A-Anong--Ahhhhh!" sigaw niya.
Biglang dating naman nina Mr. at Mrs. Lee, "Bakit, anong nangya--
Nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita sina France at Gian.
"Ahhhh!" sabay na sigaw ng mag-asawa.
"Ang ingay!" Unti-unting minulat ni Gian ang mga mata niya. Agad naman itong napabangon sa kama nang makita ang mga magulang.
"M-Ma,P-Pa," anito.
"Ilang beses niyo na ginawa 'to?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Mrs. Lee habang pinapaypayan ni Mr. Lee.
Mistula naging kamatis sa pula ang mga mukha nina France at Gian.
"Ilang beses na?" ulit na tanong ni Mrs. Lee.
Tinatanong ba nila kung ilang beses na kaming nagtabi ni Gian sa kama? –tanong ni France sa isipan.
"Ano? Sabihin n'yo!" sigaw ni Mr. Lee.
Sa takot ng dalawa, agad silang napasagot, "D-Dalawa po."
"ANO?" gulat na sigaw ng mag-asawang Lee.
"P-Panong?" Tumingin si Mr. Lee kay Gian, "Matagal mo na bang alam na babae si France?"
Napakunot ng noo si Gian, "Anong ibig ninyong sabihin?"
DAHIL sa maling akala, nagpasya sina Mr. at Mrs. Lee na ipakasal sina France at Gian. Hindi makapaniwala si France dahil sa TV niya lang nakikita ang ganoon.
Kasalukuyan silang nasa sala ng Mansiyon Lee.
"Masyado pa po kaming bata para magpakasal," pagtanggi ni France habang si Gian naman ay tulala pa rin dahil sa nalaman. Inamin na kasi ni Mr. Lee sa kanya ang tunay na gender ni France.
"Since both of you are 18, puwede na kayong ikasal with our consent" explain ni Mr. Lee.
"P-Pero Tito," angal ni France.
"No buts, hindi namin kukunsintihin ang ginawa nyo," sabi naman ni Mrs. Lee.
Nang umalis na ang mag-asawa sa sala ay saka lang bumalik si Gian sa sarili. Masama nitong tiningnan si France, "Kahit na tunay na babae ka pa, ayoko pa rin magpakasal sayo!"
"Bakit, sino bang may gusto ikasal sa masungit, walang puso, at manyak na tulad mo?"
"Anong sabi mo!"
"Ang sabi ko manyak ka! Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin dati?" Pinandilatan niya ng mata si Gian.
"Nirape mo ko!" Itinuro niya pa ito.
Mas lalo naman itong nanggalaiti sa galit. "Ang ganda mo eh, 'no?" inis na sabi nito bago nag walk out.
HINDI alam ni Gian kung bakit naiinis siya kay France. Naiinis ba siya dahil pinaniwala nito ang lahat na bakla ito o naiinis siya dahil ayaw niya na maikasal dito? Sa palagay niya ay pareho.
Biglang naalala ni Gian ang paratang sa kanya ni France, "Teka, anong nirape ba ang sinasabi niya e wala naman nangyari samin nang gabing 'yon ng birthday ko."
WALANG IDEYA si Gian kung paano napunta si France sa tabi niya noong gabing iyon. Hindi niya rin alam kung bakit nakatapis lamang ito at kalat-kalat ang damit sa kanyang kuwarto. Basta ang natatandaan niya lang ay kasama niyang umiinom noon ang Mokong, maliban kay Ren dahil nakikipag-date ito kay France. Naunang malasing sina Jed at Chris kaya pinatulog niya muna ang mga ito sa guest room. Pagkatapos ng isang oras ay si Dave naman ang tinamaan ng alak. Susuray-suray itong nagpaalam sandali sa kanya na may susunduing babae sa labas ng subdivision---si Cheska, one of his flings. Pagkaalis ni Dave ay dating naman ni France. Niyaya niya ito na makipag-inuman sa kanya. Nang agawin ni France ang bote ng alak na iinumin niya sana ay umalis na siya para pumunta sa kuwarto niya. Inalis niya ang pangitaas na damit bago dumapa sa kama. Wala na ang mga Mokong sa guest room nang magising siya kinaumagahan.
NAKAHIGA si Gian sa kanyang kama nang biglang tumunog ang cellphone niya, tumatawag si Ren.
"Oh, bakit?" wala sa mood na sagot niya.
Babae ang sumagot sa kabilang linya-- "Ah, hello, nakita ko ang number mo sa call log, kilala mo ba ang may ari ng number na 'to?"
Napabangon si Gian sa narinig, "Bakit, anong nangyari kay Ren?"
"Lasing na lasing kasi siya. Puntahan mo na lang siya dito sa Infinity bar."
BINABASA MO ANG
Better Than Sex
ChickLitIsang pangyayari sa nakaraan ang magtutulak kay France Gem Sandoval na magpanggap na transgender at pumasok sa Minhye University---isang all boys school na pinamumugaran ng mga delikwenteng estudyante. Makikilala niya rito ang limang lalaki na gagaw...