Let me set the setting of the story.Isang napaka-duming kwarto ng isang babaeng umiiyak habang may hawak siyang kutsilyo na nakatutok sa dibdib niya. Habang paulit-ulit na sumisigaw ng "Gusto ko ng mamatay! Bakit mo ako iniwan Kyle Vincent Cruz! Bakit!?"
Kyle Vincent ang pangalan ng ex boyfriend niya, hindi siya namatay ,kung hindi nakipag-break yun sa kanya isang minuto palang ang nakakalipas.
"Kung hindi ka ba naman shunga, di sana matagal mo ng alam na pinaglalaruan ka lang niyang ex mo!? Kahapon may kayakap siya doon sa Blumentritt, he saw me and he just smiled like 'Tell your bestfriend that I'm flirting with someone else'. Antagal ko ng sinabi sayo na may iba yun, hindi mo kami pinapaniwalaan, lagi kang 'Baka sister niya! Baka yung girl bestfriend niya! Baka yung schoolmate niya! Baka nanay niya! Gosh Samantha, what's wrong with you!? Ganyan ka na ba kadesperada sa lalaking yun! Wake up, hindi lang siya ang lalaki sa mundong ito! Hindi lang yung Kyle na yun, hindi mo pa nga alam kung tuli ba yung lalaking yun! Kung gusto mong magpakamatay, antagal ha? Gusto mo bang tulungan na kita?!" Siya naman si Yumi my bestfriend forever! Ang galing niyang magpayo di ba? Napaka-supportive niya na pati yung plano kong pagpapakamatay sinusuportahan niya!
"H-Hindi ko naman kasi alam na tunay pala kasi sabi niya kaibigan niya lang daw yun, ate daw niya, nanay daw niya. Sabi niya kasi mahal niya ako!" Patuloy pa ring tumutulo ang luha ko, sino ba namang tatawa na lang kapag nalaman niyang niloloko siya ng boyfriend niya?
"Kasi nga shunga ka! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Tumahimik ka na lang, kung pwede ha?! May pasok pa ako bukas at ayokong mag ka eyebags dahil sa hindi ako nakatulog dahil sa pesteng kaingayan mo! Shut up okay!?" Bumalik na siya sa pagkakahiga niya habang hininaan ko na lang ang pag-iyak ko, sobrang sakit talaga kaya hindi ko 'to mapigilan.
"Y-Yumi last na! Paano ba mag move on?" Handa na akong makarinig muli ng sermon pero nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, naging seryoso at parang may konting concern.
"Rule #1!"
Then I wrote everything! Sana mag work 'tong lahat! Ang mga rules and tips ni Yumi kung paano mag move on!
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...