Samantha's POV
Rule # 13: Date with the guy you kissed
Ano pa nga bang gagawin ko? Ibinaba ko na ang tawag at iniabot kay Vince ang cellphone niya. Tumawag lang si Yumi para sabihin sa akin ang Rule # 13!
"Gusto mo bang umuwi na tayo?" Tumingin ako kay Vince at nginitian siya.
"Salamat sa treat, nabusog ako. Ayoko pang umuwi. Gusto kong maglaro ng basketball! May tokens pa ako sa bulsa" Napagkasunduan naming maglarong dalawa kaya hinatak niya ako habang tumatawa.
"Ito ang rules, padamihan tayo ng nai-shoshoot, kapag natalo kita Sam, may dare ako na ipapagawa sayo at kapag natalo mo naman ako may dare ka na ipapagawa sa akin?" Hinahamon ata ako ng loko? Magaling ako diyan!
"Sige ba! Akala mo diyan!" Nag-hulog na kami parehas ng token at nagsimula ng maglaro, andami ko ng nai-sho-shoot pero siya wala pa din kahit isa. Syempre competetive ako kaya hindi ako magpapatalo!
"Ang bulok mo naman Vince! Kalalaki mong tao!" Napakamot siya sa ulo at tiningnan ang score 52 ako 21 siya.
"Sira ata ito! Ulitin natin! Hindi ako makapaniwala!" Kumakamot sa ulong sabi niya.
"Bawal yan! Ito ang dare ko, maglaro ka ng dance revolution!" Namula siya at napatingin sa tinuturo ko. Nakita niya yung bata kung paano gayahin ang steps sa monitor.
Tingnan lang natin Vince ang galing mo!
"Ang daya mo! Ayoko na! Uuwi na ako!" Tiningnan ko siya ng masama.
"Okay. Gagawin ko na" Pumunta siya sa dance revo at naghulog ng token.
"Guys you must watch this guy! He's so cute! Look!" Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa dumami ang tao. Namumula na ng sobra si Vince pero nagsimula siyang magsayaw.
Akala ko hindi siya marunong. Napaka cool niyang sumayaw grabe. Saglit lang sa kanya ang isang kanta parang hindi nga pinagpawisan.
"Madaya ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na marunong kang magsayaw?!" Tumingin siya sa akin habang nakangiti.
"Hindi ka naman nagtatanong. Hindi mo naman ako binibigyan ng chance para makilala natin ang isa't isa" Iniabot ko sa kanya ang tubig at umupo sa bench.
"Wait, akala ko ba gaamitin mo ako para pagselosin yang ex mo? Mahal mo pa ba yun?" Tumingin siya sa akin ng may lungkot sa mga mata. Ang amo ng mukha niya parang anghel, gusto ko sanang mag sorry kaso nauna siyang magsalita.
"Nasa America na siya. Hindi ko na siya mahal. Gusto ko lang talagang gumawa ng paraan para mapalapit sayo, ikaw mahal mo pa ba ang ex mo?" Gusto ko siyang sapakin sa mukha dahil pinaalala na naman niya ang ex ko. Nakaramdam na naman ako ng sakit. Ewan parang nawala na agad ako sa mood.
"Oo mahal ko pa siya. Sa totoo lang gusto kong maiyak kapag nababanggit siya. Akala ko kasi kami na talaga hanggang huli. Sorry" Hindi ko na nacontrol ang sarili ko. Napaiyak na lang ako. Iniabot niya sa akin ang panyo niya at ipinunas ko kaagad iyon sa mukha ko
"Ex mo na siya. Hindi mo siya kailangang iyakan. Andito pa naman ako, hindi kita sasaktan, gagawin kong happy lagi ang araw mo. Sam, I like you" Tumayo siya at naglakad papuntang supermarket.
"Wait pasama ako!" Tumigil siya sa paglalakad at ngumiti sa akin.
"Piggy backride gusto mo?" Umupo siya at tinap ang likod niya.
Kahit nahihiya, sumakay ako sa likod niya. Ambango niya, amoy lalaking-lalaki. Ang buhok niya amoy prutas at ang batok niya puro taling, kaya pala napaka-attractive niya.
"Sumakay ka sa push cart. Mag lalaro tayo" Sumakay ako sa cart at itinulak niya iyon. Kapag kumukuha siya ng pagkain binubuksan niya tapos kinakalat lang naming dalawa. Kung anu-ano ang ginagawa naming dalawa kaya pagdating namin sa counter para kaming mga batang naglaro sa putikan. Natapunan kasi ako ng chocolate drink.
"Ang lagkit ko na" Pinagtitinginan kami ng mga tao habang nagbabayad, puro basura na lang kasi ang dala naming dalawa.
"Uuwi na tayo pagkatapos nito" Bulong sa akin ni Vince.
Lumabas na kami ng mall at mabilis na umuwi ng bahay. Hindi na rin naman siya nagtagal kaya mabilis akong nakapunta sa kwarto.
"Woah! Anyare sayo!? Andumi dumi mo!? Galing ka ba sa giyera?" Tumatawang nang aasar si Yumi.
"Nag enjoy ako kasama si Vince. Pinaglaruan lang namin ang supermarket. Yung mga isda pinag soccer namin, yung mga prutas ginawa naming bola ng basketball, yung mga chocolate drinks ginawa naming target, nag enjoy ako" Pinalo niya ako sa likod at itinulak papuntang cr.
"Ambabaliw niyo. Ngayon tayo naman ang maglalaro!" Ngumiti siya at kumuha ng tubig para buhusan ako. Nagbasaan kaming dalawa hanggang sa mapagod kami.
Ang sarap pa lang mabuhay. Sobrang saya pala talaga.
"Buti hindi kayo hinuli ng guard? Bawal kaya yung ginawa niyo?" Tumawa ako at sinabi sa kanya ang iba pang nangyari.
"Kung nakita mo lang kung paano kami hinabol ng guard dalawa dahil sa pinag gagagawa namin. Buti nga hindi kami dinala sa office nila o kinulong. Binayaran naman kasi lahat ni Vince amg lahat ng damages naming dalawa" Humiga ako sa kama at patuloy na tumatawa.
"Gawain lang yun ng mga takas sa mental Sam!" Binato ko siya ng unan at tumatawa pa rin ako.
"Hindi ko yun gagawin kung wala akong kasama. Ang cool pa lang kasama ni Vince" Ibinato niya pabalik ang unan sa mukha ko.
"Inlove ka na pala kay Vince!" Namula ako dahil ata sa sobrang init sa kwarto.
"Shut up! Hindi ako inlove! Hindi ko siya gusto at hindi niya rin ako gusto!" Lalo akong namula ng naalala ko ang sinabi kanina ni Vince. Sam, I like you.
"Namumula ka, pinagpapawisan! OMG! Alam na this!" Pinalo ko siya ng unan para tumahimik siya.
"Hindi ko nga siya gusto! Masaya siyang kasama! Sobrang saya ko kanina! Cool siyang sumayaw! At good kisser siya!" Napahawak ako sa labi ko at nagsisisi sa mga sinabi ko. Lalo lang akong inasar ni Yumi!
"Ang isda nahuhuli sa bibig! Seriously ambilis mo namang maka move on! Tamang tama lang sa rules!" Tumawa siya nang tumawa at inirapan ko siya.
"Yumi! Hindi ko alam kung bakit pero tumitibok ang puso ko ng mabilis kapag nakangiti siya. Hindi ko pa ito nararamdaman dati!" Naging seryoso ang mukha niya at lumapit sa akin.
"Congratulations! Inlove ka na sa kanya!"
Inlove? Hindi yun totoo! Hindi ako inlove. Gusto ko lang naman na makita ko siya araw araw! Gusto ko lang naman na ngumiti siya sa akin. Gusto ko yung atensyon niya! Inlove na ba yun?
•••
Tutuloy ko pa ba?
Patalastas nga pala, may another story ako:) I wanna know what love is? Ang title true story siya ng mga wattpad readers at yung iba writer din:) Kung gusto niyong isama yung story niyo, DM niyo lang ako sa twitter, @Carlmarqueses yung account or sa @WalaPoreber. Lahat ng interesado pwedeng magmessage sa akin and let's see kung sino sino ang maiinspire mo:) Godbless
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...