Samantha's POV
Rule # 8: Realize that you did something horrible on Rule #3
"What!? Anong koneksyon noon sa pagmo-move on ko!?" Kinuha ni Yumi ang cellphone niya at ibinigay sa akin.
"Ayan! Kinontact ako ng anak ng may-ari ng bar. Gusto ka daw niyang makausap. Oo nga nabayaran na ng Dad mo yung damages pero yung ginawa mo kay Vince hindi pa" Tumawa siya ng malakas na ikinayamot ko.
"Lasing ako that time! Hindi niya ba yun nauunawaan?!" Patuloy pa rin sa pagtawa si Yumi.
"Sa kanya ka magpaliwanag, wag sa akin. Baka nakakalimutan mo, hinalikan mo lang naman siya at sinukahan" Inirapan ko si Yumi at binasa ang convo nila.
"Pupunta siya dito? As in now na!?" Tumango si Yumi at kasabay noon biglang may nagdoor bell.
"Yumi wag mong bubuksan ang pinto!" Tumayo si Yumi habang tumatawa.
"Hindi ako rude na kagaya mo Sam. Ginawa mo yan, panindigan mo" Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya lara pigilan siya.
"Pag binuksan mo ang pinto, kalimutan mo na kaibigan mo ako!" Tumawa siya at pinitik ako sa noo.
"Bahay ko 'to kaya hindi mo ako pwedeng takutin! Tsaka pag kinalimutan mo na kaibigan mo ako, siguradong magpapakamatay ka na lang diyan dahil hindi ka pa tuluyang nakakamove on" Binitawan ko siya at inirapan.
"Hindi ako lalabas ng kwarto!" Tumawa si Yumi ng malakas.
"May susi ako kaya wala kang takas Sam!" Wala na akong magagawa kaya humarap na lang ako sa salamin para mag-ayos.
Nag-suklay ako ng buhok at naglagay ng konting make-up. Nagpabango na din ako kasi nakakahiya naman kung haharap akong mukhang nagahasa.
"Sam nandito na si Vince!" Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nag sign of the cross muna ako bago bumaba sa hagdan.
Isang gwapong lalaki ang nakaupa sa sofa. Nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at fitted na pants. Ambango ng pabango niya, amoy na amoy ko.
"H-Hi V-Vince" Kumaway ako sa kanya pero hindi niya iyon pinansin.
"Pwede bang iwan mo muna kami?" Sabi niya kay Yumi. Tumango naman si Yumi at nang-aasar na umakyat ng hagdan.
"U-upo ka muna" Nahihiyang alok ko sa kanya.
"Hindi na ako magtatagal. Gusto ko lang malaman mo na napaka iresponsable mong babae. At higit sa lahat masaya ka na ba? Nag break kami ng girlfriend ko. Umamin ka nga? Kelan pa kita naging stalker?" Kung kanina nahihiya ako ngayon sasabog na ako sa galit.
"Wait lang Mr. Hambog! Ako iresponsable! Sorry ha!? Hindi ko naman sinasadya na guluhin ang bar mo! Nabayaran na yun ng magaling kong ama kaya tapos na yun! Wait break na kayo ng gf mo?! Una sa lahat wala akong pakialam, bakit pinaalam ko ba sayo na break na din kami ng boyfriend ko!? Ang lakas naman ng loob mo sumugod ka dito sa bahay para sabihin yan sa akin! Atsaka sa ganda kong to!? Stalker mo ako! Hindi nga kita kilala stalker mo mukha mo! Hindi ka kagwapuhan kaya hindi ikaw ang type ko! Abnormal! Hambog! Mahangin ang katawan!" Inis na inis na sigaw ko sa kanya.
"Teka lang Miss ha!? Wala kang pakialam na nagbreak kami ng girlfriend ko!? Alam mo ba kung bakit!? Nakita lang niya naman na hinalikan mo ako at inakala niya na niloloko ko siya!? Masaya ka na ba!? Andito ako para makipagkasunduan sayo!" Tinalikuran ko siya dahil walang kwenta ang pag-uusap naming dalawa. Kasalanan ko ba namang maging maganda para kainggitan ako ng girlfiend niyang panot!
"Saan ka pupunta!? Hindi mo ako pwedeng takasan! Kailangan mong magpanggap na girlfriend ko para balikan niya ako!" Itinulak ko ang kamay niya na nakahawak sa akin.
"Wow! Yun pala ang solusyon!? Ligawan mo yang syota mong inggetera para bumalik sayo! Para-paraan ka din ano!? Ano ka sinuswerte!? Instant girlfriend!? Pasalamat ka nga nahalikan ka ng magandang kagaya ko!?" Natahimik ako bigla dahil niyakap niya ako at nag face to face kami. As in 1 inch na lang ang pagitan naming dalawa!
"Gusto kong makita mo na hindi ako swerte na magiging girlfriend kita. Ikaw ang swerte! Dahil kahit hindi ko gusto magiging girlfriend kita! Alam ko naman na gusto mo din kaya pumayag ka na!" Itinulak ko siya dahil awkward na ako.
"Nagba-blush ka. Babe, wag ka ng pakipot!" Binitawan niya ako at inirapan ko na lang siya. Naupo ako sa sofa at ganun din siya.
Bumaba si Yumi at umupo sa tabi ko.
"Mukhang hindi kayo magkasundo a! Ganito na lang, ito yung contract, may mga rules yan and tips, kailangan wala kayong labagin diyan, kapag may lumabag tatapusin niyo na ang fake relationship niyo, okay ba yun?" Kinuha ko ang printed na contract na sinasabi niya.
"Wait, printed na agad ito, may pangalan niya at may pangalan ko. Tell me! Planado ba ito!?" Tiningnan ko si Yumi at seryoso ang mukha niya habang umiiling.
"Kapi-print ko lang niyan" Kumuha si Vince ng isang contract at pinirmahan yun.
"Teka walang pirmahan na mangyayari. Hindi ako pumapayag sa fake relationship na ito!" Tatayo na sana ako pero trip talaga akong asarin ng lalaking ito!
"Bakit gusto mo bang seryosong relasyon na lang ang gawin natin? Payag naman ako. Alam ko naman na gusto mo ay totoo kaya okay lang. Walang contract" Kung pwede nga lang manampal ng lalaki nagawa ko na.
"Oo gusto ko ng totoong relasyon! Pero hindi sayo! Mayabang ka at hindi kita type!" Nag-umpisa na akong maglakad at umakyat sa hagdan.
"May utang pa ang Dad mo na P 500, 000, kalahating milyon lang ang naibayad niya at nangako siya na babayaran niya ang kalahati pang milyon. Pumayag ako at ang kapalit noon ay ikaw, dahil ikaw ang may kasalanan. Wala ka bang kunsensiya? Gusto mo bang ipakulong ko ang tatay mo para lang sa ginawa mo?" Natahimik ako at bumaba sa hagdan.
"Payag na ako! Pero isang buwan lang!" Tumawa silang dalawa.
"Okay payag ako diyan Babe" Pumirma ako ng hindi binabasa ang rules na yun. Wala ako sa mood!
"Masaya ka na? Okay umuwi ka na!" Tumayo na siya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi.
"What the!? Bakit mo ginawa yun!?" Tumawa lang siya at lumabas na ng pinto.
"I'll pick you up later babe!" Napasampal na lang ako sa mukha ko at nagsisigaw!
May boyfriend na ulit ako! My fake boyfriend!
••••
Vote. Share. Comment.Chache0981
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...