Rule # 12: Have time for yourself

33 0 0
                                    

Samantha's POV

Rule # 12: Have time for yourself!

"Uuwi na ako Sam! Wag kang gagawa ng kahit ano! Okay? Behave ka lang, enjoy the moment! Bye" Humalik siya sa pisngi ko bago sumakay ng sasakyan.

Pumasok na ulit ako sa mall at inumpisahan ng mag-saya. Pumasok ako sa world of tokens at bumili ako ng tokens para maglaro.

Pumunta ako sa basketball area at nagpa-shoot na nang nagpa-shoot.

"Sira ba 'to!? Andami kong nai-shoot ang score lang zero!?" Sinipa ko yun at umalis na. Nabu-bwisit ako. Talo na nga ako sa puso niya pati ba naman sa basketball!?

"Wala ka naman kasing nai-shoot" Tumibok ng mabilis ang puso ko, kilala ko yung boses na yun. Humarap ako at nakita ko na naman ang ngiti niyang nakaka-adik este nakakabaliw? nakakaloko? Mali ayoko ng ngiti niya! (Kapag hindi para sa akin)

"Vince kitang-kita ko na andami kong nai-shoot" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, holding hands ang nangyari.

"Babe, wala kang nai-shoot, sa puso ko oo, three points, 100% ka dito sa puso ko, kaya tara na sa sinehan at manunuod tayo ng horror movie" Pinipilit kong tanggalin ang kamay ko dahil aatakihin na ang puso ko sa sobrang bilis, ang mukha ko hindi ko pinapakita sa kanya kasi namumula ako.

"Vince ayoko ng horror movies! Please, ayoko, takot ako" Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin,

"Hindi mo kailangang matakot, andito ako para sayo. Pwede mo akong yakapin kapag natatakot ka na, pwede mo akong tawagin kapag ayaw mo na. Kasi kahit kailan andito ako para sayo at hinding-hindi kita iiwan" Boom! Sumabog na ang puso ko dahil kanina pa akong hindi mapakali. Date ko para sa sarili ang araw na ito, bakit kasi andito si Vince?

"Pinapunta ka ba dito ni Yumi?!" Umiling siya at naglakad na ulit.

"Vince gusto kong mapag-isa ngayon?" Tumigil ulit siya.

"Dahil ba kinakabahan ka kapag nakikita mo ako? Dahil ba lagi ka na lang namumula pag nakikita mo ako? Alam ko naman na gusto mo ako, oo nga pala, ang ganda mo ngayon" Gusto ko siyang sigawan dahil ang yabang niya! Gusto ko siyang sigawan dahil hindi ako kinakabahan pag nakikita ko siya! Naeexcite ako! Mali pala! Nayayamot ata ako! Pero bakit ako namumula? Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit kumokontra ang puso ko sa utak ko!?

"Okay, ayoko munang pag-usapan yung pagkagusto mo sa akin! Okay lang na mahalin mo ako Sam, hindi ka magsisisi" Bumili na siya ng ticket at nagpatuloy ako sa pagiging tahimik (noong nasa labas lang pala)

Nag-umpisa na ang palabas at gusto ko ng umuwi. Ayoko na! Takot na takot ako sa tuwing lumalabas yung multo! Grabe bakit kasi okay lang na ipalabas ito sa sinehan!?

"Yumi takot ka na ba? Pwede mo naman akong yakapin kesa nakatakip yang kamay mo sa mukha mo" Tumingin ako sa kanya at inirapan siya.

"Ang yabang mo. Hindi ako yayakap sa lalaking kagaya mo! Gwapo ka! Pero hindi kita type!" Matapang akong humarap sa screen at biglang nagpakita yung multo. Hindi ko na kinaya at dahil sa multong iyon nagawa ko ang mga bagay na hindi ko dapat gagawin.

"Okay lang Sam. Kahit higpitan mo pa yang yakap mo, okay lang sa akin. Wag ka lang maiinlove agad dahil hindi pa ako handa" Mabilis kong tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Akala mo siya yung babae sa aming dalawa! Ang yabang-yabang talaga ng lalaking ito!

"Sorry ha!? Hindi ka pa pala handa, ikaw nga pala yung babae sa ating dalawa! Nakakahiya naman sayo, tigilan mo nga ako ng kayabangan mo! Hindi kita type! Ang type ko ay yung kamukha ng ex ko! Gwapo! Gentleman! Good boy!" Nalungkot siya dahil sinisigawan ko na siya at ang mas nakakalungkot pa, pinalabas kami sa sinehan.

"Ang ingay-ingay mo kasi" Paninisi niya sa akin

"Ang yabang-yabang mo kasi! Kung hindi dahil sayo hindi tayo mapapalabas!" Lumakad ako ng mabilis at kinuha ang cellphone ko. ANG CELLPHONE KO!? Hinanap ko ang bag ko, wala! Inisip ko kung saan ko inilagay yun.

"May hinahanap ka ba?" Tumingin ako kay Vince, nakangiti na naman siya.

"Please wag kang ngumiti. May hinahanap nga ako yung bag ko baka nakita mo?" Nawala ang ngiti niya sa mukha.

"Wala kang dalang bag atsaka anong problema sa ngiti ko? Naiinlove ka ba?" Ngumiti siya ulit at napatalikod na lang ako sa kanya. Napasampal ako sa mukha ko dahil kumakabog na naman ng mabilis ang dibdib ko. Kinakabahan ata ako dahil wala yung bag ko? Haist.

"Gusto mo bang magpasundo kay Yumi?" Humarap ako at tumango.

Iniabot niya ang cellphone niya sa akin at diniall ko na ang number ni Yumi.

"Vince---" Hindi ko pinagsalita si Yumi at ako na ang nagsalita.

"Yung bag ko nawawala. Kaunin mo na ako ngayon Yumi! Sira na ang rule # 12!? Uuwi na ako" Tumawa sa kabilang linya si Yumi.

"Sorry nasa bahay na pala yung bag mo, iniabot mo rin sa akin noong pinadala yung gamit mo. Mamaya kita susunduin dahil kasama ko pa si Boyfriend. Bye" Pinatay niya ang tawag ko at naiinis kong ibinalik ang cellphone ni Vince.

"Tara muna kumain. Nagugutom na kasi ako?" Sisigawan ko pa sana siya ng ayaw ko kaso biglang tumunog ang tiyan ko, tunog na nagsasabing gutom na ako.

"It's a yes sign. Let's go babe" Hinila niya ako at dinala sa isang fast food chain na may mahabang pila.

"Ang tagal naman! Gutom na gutom na ako Vince" Ngumiti si Vince at pakiramdam ko matatae ako ng wala sa oras.

"Maghintay ka lang babe " Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at I assure you, ready na talaga akong mag-collapse anytime.

"Yan tayo na ang oorder ano bang gusto mo?" Tumingin ako sa babae sa counter at tiningnan siya ng masama. Kung makatingin kay Vince parang hinuhubadan na!

"Miss pwede ba ang asikasuhin mo ay ang trabaho mo!?" Hinigpitan ni Vince ang hawak sa akin at umorder na.

Naalala ko na naman si Kyle, ganitong ganito ako noong una ko siyang makita.

"Okay sir" Inirapan ko siya at naghanap na lang ng upuan.

"Pati ba naman crew dito inaaway mo" Inirapan ko si Vince.

"Gustong-gusto mo namang nilalandi ka!? Ewan ko sayong lalaki ka. Nagugutom lalo ako sayo!" Tumabi siya sa akin at kinurot ang cheeks ko.

"Wag ka ng mag selos babe. Sayo lang naman ako!" Pinalo ko siya sa kamay bago siya bumalik sa dati niyang upuan.

"Hindi ako nagseselos! Malandi ka lang talaga! Buset!" Inirapan ko siya habang tawa lang siya nang tawa.

Nagseselos nga ba ako? Hay! Ewan! Bahala na!

•••
Sorry. Comment. Vote. Share

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon