Samantha's POV
Rule # 10: Go to the places you've been with your Ex
"Yumi naman! Bakit kasi kasali pa yan sa rules!?" Tumigil sa paghuhugas ng plato si Yumi at lumapit sa akin.
"Sorry po Ma'am, mas maganda po kasi yun na last mo ng pupuntahan lahat ng lugar na pinuntahan niyong dalawa. Kasi kailangan mag hilom po ang sugat ng puso niyo" Tumawa na lang ako sa kanya.
"Malalayo yun. Paano ako makakapunta doon? Sasamahan mo ba ako?" Ngumiti siya ng nakakaloko at parang nang aasar ang mga mata.
"Wait! Don't tell me?!" Tumango siya at tumawa ng parang nagtagumpay.
"No! Ayoko! Hindi ako pupunta kung siya ang kasama ko! Ayoko!" Natigil ako sa pagsasalita ng may nagbukas ng pintuan.
Nakangiti siyang pumasok at mabilis na lumapit sa akin.
"Babe ipagluluto kita ngayon ng masarap na pagkain bago tayo umalis okay?" Humalik siya sa pisngi ko kaya nahampas ko siya sa braso.
"Teka nga! Pinagloloko niyo ba akong dalawa! Hindi na ako natutuwa! Ito yung kwento, nagbreak kami ng ex ko, mahal ko pa siya tapos gusto kong maka move on, yung kaibigan ko may mga rules na nalalaman at sinunod kong lahat yun, tapos ngayon may isang lalaki na papasok sa loob ng bahay ng hindi man lamang kumakatok tapos humalik pa sa akin na akala mo tunay ko siyang boyfriend! The heck! Please, I'm not playing with you guys!" Mabilis akong tumakbo ng kwarto at humiga sa kama ko.
Alam ko namang may susunod sa akin pero hindi ko ini-expect na siya.
"I'm sorry babe. Hindi ko naman sinasadya. Kung ano man ang ginawa ko, please patawarin mo ako" Sincere? na sabi niya.
"Please ayoko ng makipaglaro sa inyo. Isa lang ang gusto ko, makalimot lang ang gusto ko" Umupo siya sa kama ko na parang matagal ko na siyang kilala. Feeling close!?
"Kaya nga ako nandito di ba? Gusto kong makalimot ka. Kaya nga sasamahan kita sa gusto mong puntahan ngayong araw na ito. May business trip pa naman sana ako ngayon, hindi ko itinuloy kasi kailangan mo daw ng kasama. Mas pinili kita kaya makonsensiya ka naman, gusto kasi kitang samahan kasi mas makakasigurado ako na safe ka" Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Hindi ko alam ngayon kung dapat ba akong mahiya dahil naabala ko pa siya o panindigan na ayoko siyang kasama.
Ilang minuto lang ang tinagal ko sa kwarto. Mabilis akong nag-ayos ng sarili at bumaba na ng hagdan. Nakita ko silang may nilalagay sa tupperware at mabilis na itinago ng makita ako.
"Tara na Vince! Malayo pa ang pupuntahan natin. Dalian mo bago pa mag iba ang isip ko!" Mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan ni Vince. Medyo natagalan siya dahil siguro sa may pinag-usapan pa sila ni Yumi.
"Saan tayo unang pupunta?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
"Sa Sta. Ana, sa Blue farm" Tumango siya at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Ilang oras pa ang byahe bago kami makarating sa Sta. Ana kaya pumunta muna kami sa nadaanan naming SM.
"Ako na lang kaya ang bababa. Sabihin mo na lang kung anong mga gusto mo." Tumingin ako sa kanya at inirapan siya.
"Naiihi ako. Kung pwede ko nga lang ipasa 'to sayo ginawa ko na!" Natatawa siyang bumaba ng sasakyan at nagulat ako dahil pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Himala gentle dog ka rin pala!" Tumawa siya at nag-umpisa na kaming maglakad.
Nasa entrance na kami ng mall ng bigla niya akong iback hug. Hindi ako nakagalaw kasi bigla na lang akong natuliro?
"U-umalis ka nga!!" Pero hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa akin.
"Bibilang ako pag hindi mo inalis yang pagkakayakap mo tatapakan ko ang paa mo!" Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Pag hindi kita niyayakap, makikita ng lahat na may tagos ka sa likod. Kaya kung ako sayo maglalakad na lang ako hanggang CR at ayusin mo ang sarili mo okay?" Tumango na lang ako at mabilis kaming naglakad. Alam kong pinagbubulungan kami ng nakakakita sa amin lalo na yung mga matatandang nadaanan namin.
"Iba na talaga ang mga bata ngayon. Kababaeng tao nagpapayakap sa mga pampublikong lugar" Patuloy pa rin silang nagbubulungan ng malakas. Hindi ata bulong yun rinig na rinig ko kasi.
Nang makapasok ako sa CR mabilis akong nag-ayos ng sarili. Buti mabilis kumilos si Vince, binilhan niya ako ng panty, napkin at shorts.
"Thank you" Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya. Hindi ko na nga naiintindihan ang sarili ko. Hindi na ako galit kay Vince. Iba na ata ang nararamdaman ko.
"Basta ikaw. Kahit ano. Mahal kita babe!" Kumindat pa siya bago niya pinatakbo ang sasakyan niya.
Awkward ang buong byahe. Pag titingin siya sa akin iiwas ako at pag napapatingin ako sa kanya ngingiti na lang siya bigla. At pag ngumingiti na siya, bumibilis ang tibok ng puso ko at nag iinit ang mukha ko. Naku naman Vince! Bakit kasi ang gwapo mong ngumiti!?
"Andito na tayo" Bumaba ako ng sasakyan at hinila ko si Vince.
"Saan ba tayo pupunta?" Tumigil ako sa pagtakbo at ipinakita ko sa kanya ang isang puno na may pangalan ko at ng ex ko.
"Lumang farm na itong Sta. Ana kaya naging galaan na namin ito ng ex ko. Nakikita mo naman itong puno na ito" Lumapit siya sa puno at hinawakan ang nakasulat doon.
Nakikita ko ang sarili ko noong una kong hinawakan ang pangalan ko at pangalan niya, nakangiti ako habang hinahaplos ang punong ito.
"Mukhang madami na kayong memories na ginawang dalawa" Kumuha ako ng kahoy at handa ng burahin ang mga pangalan namin.
"Oops, wag mong gagawin yan" Kinuha niya ang kahoy at binura ang pangalan ni Kyle. Nang mabura niya nag umpisa na siyang umukit ng letra. V.I.N.C.E
"Ito ang mas bagay, Samantha Love Vince" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Kahit pa sampung taon akong maghintay para lamang mawala siya diyan sa buhay mo okay lang, kahit sampung taon ko patunayan na seryoso na ako sayo, okay lang. Hindi ko papantayan ang lahat ng ginawa ng ex mo. Promise hihigitan ko pa"
Namula ang mukha ko. Ngumiti siya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
••••••
Vote. Comment. ShareChache0981
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...