Samantha's POV
Rule # 5: Play the 'Do you still love him?' Game.
6:30 PM. Lalo akong kinakabahan isang oras na lang at magkikita na ulit kami. Isa lang ang balak ko sa ngayon, gusto ko lang siyang makita at tatakbo na ako, iiwan ko siya doon at paghihintayin ko para makabawi man lang ako.
"Wow! Bestfriend para saan yang ayos mo? Naka-dress ka pa at red lipstick! May date?" Napatingin ako sa kanya habang tumatawa siya ng malakas.
"Makikipagkita ako sa kanya" Mahinang sabi ko. Tiningnan niya ako ng masama at nginitian ko lang siya.
"Wag mong sabihin na nandito siya kanina!? Niloko lang kita dahil gusto kong magalit ka sa kanya para yun na lamang ang laman ng puso mo! Puro galit! Wag mong sabihin na ikaw pa yung nag-insist na makipagkita sa kanya!?" Sinenyasan ko siya ng 'tama na please'. Kaya tumahimik siya.
"Una at hindi sa huli, hindi ko siya tinatawagan, siya ang tumawag at sinagot ko lang yung cellphone ko dahil akala ko ikaw yung tumatawag, sabi niya mahal niya pa daw ako" Handa na ako sa sasabihin niya sa akin.
"Wala akong magagawa kung babalikan mo siya pero bago ka umalis kailangan muna nating gawin ang rule # 6: Play the 'Do you still love him?' Game" Umupo siya sa kama niya at kumuha siya ng isang notebook at ballpen. Humanda na kaming dalawa at nag-umpisa na siyang magtanong.
"Describe him now!" Walang ekspresyon sa mukha na sabi niya.
"He's handsome, kind, lovable, and adorable person I've ever met" Mabilis na sagot ko.
"Sa paanong paraan mo siya naaalala?"
"Sa lahat ng paraan. Sa pagpikit ko mga ngiti niya ang nakikita ko. Sa isip ko umiikot ang boses niya at sa puso ko siya lang ang laman"
"Sa paanong paraan siya nakipag break sayo?"
"Itinext niya ako at sinabi niya na ayaw na niya, noong tinext ko siya ng sobrang haba, sabi ko hindi ko pa kayang mawala siya, mahal na mahal ko siya pero ang sagot lang niya 'sorry pero ayoko na'" Malungkot na sabi ko sa kanya
"Anong nararamdaman mo sa ngayon?"
"Galit, sakit at panghihinayang"
"Sa lahat ng ginawa niya, ano ang pinagsisihan mo?"
"Ang maniwala sa mga sinabi niya. Pero kahit kailan hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko para sa kanya"
"Ano naman yung mga bagay na ginawa mo para sa kanya?"
"Yung paniwalaan siya kahit medyo parang kasinungalingan, yung intayin lahat ng text messages niya, yung mahalin siya"
"Last question, Mahal mo pa ba siya kahit alam mong niloko ka lang niya? Mahal mo pa ba siya kahit may mahal na siyang iba?"
"Oo mahal ko pa rin siya. Kahit niloko niya ako, kahit may mahal pa siyang iba ang mahalaga naman diyan yung mahal ko pa rin siya. Marami kasing possibility, hindi natin alam kung lasing siya noong nakipaghalikan siya, hindi pa natin alam yung side niya. Pero pag nalaman ko na, tsaka lang natin malalaman lahat" Tumayo na ako dahil saktong ala syete na.
Pumara ako ng taxi at hindi ko na hinintay pa ang pagtatanong ni Yumi kung saan ako pupunta. Kailangan ko muna pa lang makinig kay Kyle. Last chance for him.
Dumating ako doon ng bago mag 7:30, in-expect ko na may malaking sorpresa ang naghihintay sa akin. Yung pagpasok ko pa lang sa gate ng park may sasalubong sa akin at sasabihin na sumunod ako sa kanya, pero wala.
Hindi nagbabago ang klima sa park na ito, malamig pa rin, marami pa ring puno ng mangga, dati kasi itong farm pero dahil sa nalugi na, ginawa na lang itong park ng dating may-ari.
Naglakad ako papunta sa paborito naming spot, yung puno na malapit sa isang lake. Nakita ko siyang nakaupo sa damuhan, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi niya at para akong nabuhusan ng yelo ng ngitian niya ako, the same smile, the same lips and same eyes.
"I just want you to know that I'm so sorry. I love you so much. Hinding-hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko--" Pinutol ko muna lahat ng sasabihin niya.
"Ako muna ang magsasalita, kilala mo na ako simula pa noong una, sasabihin ko lahat ng gusto, gagawin ko lahat ng gusto ko basta alam ko na wala akong natatapakang tao, mahal kita totoo yun, walang salitang makakatumbas ng pagmamahal ko sayo. Iniiyakan ko araw-araw ang pakikipag-break mo sa akin, lagi kitang naiisip at naaalala, pero naisip ko, sapat na ba yun para makalimutan kita? Ano pa bang dapat kong gawin para makalimutan ko na mahal siya? Mahal kita kaya kita pinuntahan ngayon pero hindi ibig sabihin noon na makikipagbalikan ako. Tama na siguro yung minahal kita ng sobra noon, kung hindi mo ako kayang seryosohin, hindi ko na kailangan pang bumalik. Ang hinahanap ko sa buhay ko ay isang lalaki na mahal ako at isa lang ang kinakatakutan yun ay ang mawala ako sa kanya. I love you Kyle and goodbye!" Tumayo na ako at tumakbo palayo sa kanya. Ito na siguro yung pinaka-desisyon ng buhay ko na hindi ko kailangang pagsisihan. Masaya ako sa desisyon ko kahit umiiyak ako. Atleast nakahinga na ako.
8:00 PM na ako bago nakauwi sa bahay. Nakatingin sa akin si Yumi at parang naghihintay sa mga sasabihin ko.
"Tinapos ko na lahat. Ayoko na" Mabilis siyang ngumiti at niyakap ako.
"I'm so proud of you! Mabilis ka ng makaka-move on! Tama lang ang desisyon mo at promise ko sayo hinding-hindi mo yan pagsisihan" Ngumiti na lang ako sa kanya at humiga sa kama ko. Nakakapagod ang araw na ito, hindi ko alam na kaya ko pala siyang mawala sa buhay ko, kayang kaya ko na pala.
"Mabilis mo ng magagawa ang Rule #6! Bukas ko na lang ipapaliwanag sayo ang lahat, mukhang kailangan mo ng pahinga. Mukha ka ng manang sa hitsura mo!" Tumayo ako saglit at lumapit sa salamin.
Eyebags. Magulong buhok. Maputlang labi. Hindi naman ako manang! Mukha lang akong mamamatay sa ngayon.
"Hindi ako ito! Hindi si Samantha anag nakikita ko sa salamin, ibang babae naman 'to" Tumawa siya at lumapit sa akin.
"Ganyan talaga pag heart broken! Wag kang mag-alala, babalik din ang dati mong ganda!"
Buti na lang may bestfriend akong kagaya niya. Kung mahinang Sam ang nasa harap ni Kyle kanina baka iba ang sinabi ko. Baka nakipagbalikan na naman ako at naniwala sa mga sinasabi niya.
Minsan hindi maling magsabi na mahal mo siya kahit hindi mo na babalikan pa siya. Yun ang totoo mahal mo pa siya pero darating din naman sa point na mawawala lahat ng yun, kasi nga Move on ka na!
••••
Wala pang edit. Kaya lahat po ng errors sorry.
Vote po. Share. Comment.Property of Chache0981
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...