Samantha's POV
Rule # 18: Realize that you are falling inlove with him
"Vince thank you kasi hinatid mo ako" Tinalikuran ko na siya bago pa siya magbukas ng panibagong topic. Pumasok na ako sa bahay at humiga sa kama ko.
"Natatawa talaga ako sayo! Hindi mo ba alam na mga parent niya ang aalis? Babalik din sila next week" Gusto ko siyang saksakin para tigilan niya ako sa pang-aasar.
"Bakit kasi hindi mo agad sinabi!? Akala ko si Vince ang aalis! Yung mga magulang niya pala!" Pinandilatan niya ako ng mga mata niya habang tumatawa siya.
"Hindi ako makapaniwala sayo! Bakit mo naman siya pinuntahan doon?" Para siya detective ngayon. Namula ako at pinagpawisan dahil sa tanong niya.
"Kasi gusto ko lang mag sorry. Magkaibigan pa rin naman kami. Nahihiya pati ako sa sinabi ko sa kanya" Tinaasan niya ako ng kilay habang umiiling. Hindi siya naniniwala sa mga paliwanag ko.
"Siguro kung hindi kita kaibigan baka napaniwala mo ako sa kasinungalingan mo!" Inirapan niya ako.
"Kung akala mo inlove ako sa kanya nagkakamali ka diyan, oo cute siyang tumawa, ansarap ng labi niya, yung mata niya ang sarap titigan, para siyang adonis sa kagwapuhan pero hindi niya ako magugustuhan!" Hindi ko alam kung may mali ba akong sinabi na dapat niyang tawanan.
"Inlove ka nga! Ang sabi mo baka hindi ka niya magustuhan? Nagpapatawa ka ba! Inlove ka at wala ng ibang paliwanag pa doon!" Gusto ko siyang sakalin dahil pakiramdam ko tama siya! Gusto kong bumaon sa lupa dahil nahihiya ako sa sarili ko!
"Si Kyle pa rin ang gusto at mahal ko" Napahawak ako sa dibdib ko at nagtataka dahil hindi ako nakakaramdam ng kahit anong bilis ng tibok ng puso, sakit o kahit saya. Anong nangyayari sa akin?
"Seryoso ka ba? Wala akong nararamdaman sa sinabi mo" Totoo ang sabi niya, wala din naman akong narramdaman. Siguro pagod lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko kaya ganun.
"Wag na nga natin yan pag-usapan! Kung magkakagusto man ako kay Vince, e di congrats sa akin because finally I'm free! Itulog na lang natin ito!" Humiga na ako sa kama at pinilit kong ipikit ang mata ako.
"Ano bang meron si Kyle na wala si Vince?" Hindi ko alam kung anong dapat kung isagot. Ano bang meron si Kyle na wala si Vince? Wala.
"Aamin na ako. Talo na ako. Nakakaramdam na ako ng kakaiba kapag kasama ko si Vince, wala akong personal background sa kanya, favorite color niya hindi ko alam, yung mga gusto niyang pagkain wala akong alam pero pag nagustuhan mo pala ang isang tao hindi mahalaga kung ano ang paborito niyang kainin, kung anong kulay ang gusto niya, kung may kotse ba siya o kung anuman, tumitibok ng mabilis ang puso ko pag kasama ko siya. Mahal ko na yata si Vince" Ano pa bang ineexpect ko? Sa mga story na ganito ang bestfriend mo lang ang sisigaw at aasarin ka dahil madalas yun lang ang role nila.
"Nakakakilig yung speech mo! Saan mo hinugot yun? So, sinasabi mo ba talaga na gusto mo siya?! No! Mahal mo na ba siya ang dapat kung itanong!?" Ngiting tagumpay si Yumi. Napangiti ako at tumatango sa kanya.
"Sabihin mo wag kang tumango! Di ko maintindihan" Nae-excite na sabi niya.
"Mahal ko na nga si Vince! Ayoko na din ng kontrata. Yun din naman ang gusto niya. Mahal ko na siya kapag ngumingiti siya, mahal ko na siya kahit hindi mala-fairytale ang story namin, mahal ko na siya dahil hindi mala-wattpad ang panliligaw niya. Mahal ko na siya mula ulo hanggang paa!" Tumawa kami parehas. Mali pala! Tumatawa sila parehas!? Paano!?
"Yun naman pala Sam! Wag kang mag-alala mahal din kita dati pa. Sa una nating pagkikita alam ko na magugustuhan kita. Oo, marami ka pang hindi alam sa akin pero promise, pupunuin ko lahat ng sa tingin mo ay kulang sayo. Mamahalin kita araw-araw, gagawin nating normal ang bawat araw mg buhay natin, ikaw at ako ang laging magkasama" Kahit nasa kabilang linya lang siya alam ko na nakangiti siya. Oo, kanina pa palang nagtatawagan ang dalawa at pinabayaan lang nila akong magdrama. Hindi ko alam kung paano ako sasagot pakiramdam ko kasi nasa harapan ko si Vince ngayon habang nagsasalita siya.
"Sam anong sagot mo!?" Nakangiting sabi ni Yumi.
"N-narinig niya na naman lahat!" Nagtakip na lang ako ng kumot kasi nahihiya na talaga ako.
"Sam, I love you" Namula ako lalo dahil hindi na choppy ang boses. Don't tell me!
"T-teka bakit nandito ka!?" Tumingin ako kay Yumi habang kinikilig sa kama niya. Nakatingin ako kay Vince habang nakatayo sa harapan ko, dala dala niya ang contract naming dalawa.
"Gusto ko kasing marinig ng live ang mga sasabihin mo atsaka paano ko malalaman na tunay ang sinasabi mo? Di ba dapat nakikita ko ang pagba-blush ng mukha mo?" Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa akin.
"Bumibilis na naman ba ang tibok ng puso mo?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Veteran ata to sa pagpapakilig kaya kinuha ang isang kamay ko at itinapat sa puso niya.
"Ambilis din ng tibok ng puso ko. Hindi man ang puso ang totoong nagsasabi kung mahal talaga kita pero alam ko na pinaparamdam naman nito sayo na mahal talaga kita, action is better than words di ba?" Tumingin ako sa kanya at hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Nilapit ko ang mukha ko at gusto ko siyang halikan.
"Cut!" Napatingin kaming dalawa kay Yumi habang hawak ang camera niya. Gusto ko siyang sakalin! Basagin ba naman ang kilig moments namin!
"Oo nga pala Sam. Itong kontrata natin, tapos na. Simula ngayon totoo na lahat ng gagawin natin. Wala ng kontrata na magsasabi kung ano ba ang mga dapat nating gawin. Liligawan kita araw-araw. Hindi ko pinapangako na mamahalin kita araw-araw pero ipaparamdam ko sayo" Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.
"Kung pwede nga lang halikan ka at maghubad ako ngayon para lang iparamdam ko sayo na mahal kita ay gagawin ko talaga. Kaso may nanunuod" Parehas nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Tumawa ako kaya nagbago parehas ang ekspresyon ng mga mukha nila.
"Joke lang yun! Hindi ko yun gagawin. Alam ko ang limitasyon ng relasyon natin!" Ngumiti si Vince pati na din si Yumi na naka thumbs up pa.
"Relasyon? Tayo na ba?"
•••
Hello! The wait is over haha:)
Vote share and comment
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...