Rule # 16: Accept everything he offers

18 2 2
                                    

Samantha's POV

Rule # 16: Accept everything he offers

Nag-usap kami ng maayos ni Yumi, nag sorry kami sa isa't isa kaya sinabi niya kung ano ang rule na gagawin ko naman ngayon. Nakakatawa nga kasi parang ang imposible naman at sunod sunod na nangyayari ang bawat rules. Parang nakatadhana na magagawa talaga lahat.

"Banana boat tayo!" Second day ng vacation namin. Nakaupo lang ako sa kama habang nanunuod ng tv.

"Pagod pa ako Yumi! Mamaya na lang?" Humiga ako sa kama, lumapit naman siya sa akin at tumabi sa akin.

"Si Vince amg may gusto hindi ako" Hinawakan niya ako sa paa at hinila. Sumisigaw ako dahil malapit na akong malaglag sa kama.

"Yumi! Sasama na ako! Bitawan mo lang ako!" Bumitaw siya at naiinis na tumayo ako. Nakakatamad kasi ngayon, sobrang init ng araw.

"Magbihis ka na. Hihintayin kita sa baba!" Mabilis lang akong nagbihis at bumaba agad. May hawak na shake si Vince at ganun din si Yumi.

"Papayagan kita sa suot mong yan. Pero ngayon lang okay!?" Inirapan ko si Vince.

"Magulang ba kita? Daddy opo, last na po itong suot ko. Ano bang gusto mo pajama? Summer ngayon di ba!? Mainit kaya dapat maiikli ang suot ko!" Nilampasan ko siya at pumunta ako sa tabing dagat.

"Sam! Huwag ka ng sumama!" Galit na galit na lumapit siya sa akin. Para siyang may kaaway sa hitsura niya ngayon. Nakakatakot.

"Hindi na nga ako sasama! Kung ganyan ka ng ganyan hindi na nakakatuwa ang pagiging istrikto mo! Ilugar mo! Ano ka ba sa buhay ko? Tanungin mo nga yang sarili mo! Hindi kita kaibigan, hindi kita boyfriend! You're just a total stranger for me!" Nagulat ako sa lahat ng sinabi ko. I don't know if it hurts him, basta ang alam ko nawala lahat ng galit sa mukha niya. Lungkot na ang meron sa mga mata niya.

"I-I'm sorry" Lumayo siya sa akin at naglakad pabalik sa pavilion.

Lumpit sa akin si Yumi ng may malungkot na mukha. Hindi ko alam kung panghihinayang ba, kalungkutan o kung anuman. Nahihiya ako sa lahat ng sinabi ko. Galit lang ako dahil ang babaw niya! Shorts lang 'to!

"Sam, why did you say that? Nasaktan siya, wala ka kasing alam Sam pero kung alam mo lang lahat-lahat, kung alam mo lang ang katotohanan for sure malaki ang mawawala diyan sa buhay mo" Iniwan niya ako at ang nakakainis pa hinabol niya si Vince, sila ata yung magkaibigan at hindi kami!

After an hour bumalik na ako sa pavilion. Nag pack up na pala sila. Hinahanap ko kung nasaan si Vince pero sinabi sa akin ni Yumi na hindi daw uuwi, pinahiram niya sa amin ang kotse niya at kami lang dalawa ang magta-travel pabalik. Hindi ko na nagawang humingi ng sorry sa kanya.

"Punasan mo ang luha mo dahil kasalanan mo naman!" Tumingin ako sa salamin at nakita ko na tumutulo nga ang luha ko.


"H-Hindi to dahil ni Vince naalala ko si Kyle! Yong loko na yun! Baka masaya na yun sa ibang babae!" Tinigil ni Yumi ang kotse at humarap sa mga mata ko.

"Wag kang magsinungaling, si Vince ang dahilan kung bakit ka naiyak. Gusto mong malaman ang totoo? Si Vince ay matagal ng may gusto sayo, siya ang naghatid sa atin pagkatapos mong manggulo sa bar, hindi nag-piyansa ang Dad mo dahil kinausap ni Vince ang Dad niya na iatras ang kaso mo, si Vince ang nagsabi na tutulungan ka niyang mag move on, sinapak niya si Kyle dahil sinabihan ka niya ng whore, siya ang naghatid sayo ng araw na yun at nasaksak pa siya dahil muntik ka ng ma-rape! Masaya ka na ba dahil nalaman mo na ang totoo?" Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung kailangan kong maawa, magalit sa sarili ko, malungkot o hampasin ang sarili ko dahil antanga-tanga ko!

"May bonus ka pa Sam, ayaw na niyang ituloy ang contract!" Boom! Kumirot bigla ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon basta nasasaktan ako.

"Sam, wala mg magagawa ang pag-iyak mo! Tumahan ka na lang kasi kasalanan mo!" Tumingin ako sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko.

"Yumi! Ang babaw niya, shorts lang yun! Napaka tanga namang iisipin na umayaw siya sa kontrata dahil lang sa simpleng bagay!" Tinigil niya ulit ang sasakyan at lumabas siya ng sasakyan. Pinababa niya ako at dinala sa unahan ng sasakyan.

"Look! Hindi lang shorts o kung anuman ang pinag awayan niyo! Sinabihan mo siya ng masasakit na salita after lahat ng ginawa niya para sayo! Bakit ang ex mo ba nag-effort sayo ng ganyan!? Sam, wake up! Nakatulog ka na ata diyan sa panaginip mo na magkakabalikan pa kayo ng ex mo na maraming mahal!" Nabigla ako sa lahat, hindi ko nakontrol ang sarili ko at nasampal ko siya. Natulala siya sa ginawa ko at ng lalapit ako sa kanya pumasok siya sa sasakyan.

Napasigaw na lang ako sa sobrang katangahan ko! Ilang minuto din ang itinagal ko sa ganung posisyon, umiiyak, sumisigaw at ramdam na ramdam ko kung gaano ako katanga. Ang hirap ng ganitong pakiramdam.  Ambigat sa dibdib!

"S-sorry" Pagkapasok ko pa lang ng sasakyan iyan na agad ang unang sinabi ko sa kanya.

"Wag mo muna akong kausapin" Cold na din si Yumi sa akin. Wala na akong kakampi kundi ang sarili ko na lamang. Kung magpapakamatay ako ako pa rin ang talo at sobrang unfair ko. Hindi man lang ako nakapag explain sa mga taong maiiwan ko. Mas maigi pang magtiis, parte naman ng pagmamahal ang umiyak pero kahit kailan hindi magiging parte ng pagmamahal ang mang iwan at manakit ng tao.

Nakarating kami sa bahay ng hapon, wala kaming imikan. At pagdating ng gabi, sa sofa natulog si Yumi at ako ay iniwan niya sa kwarto. Nabanggit ko bang takot akong matulog mag-isa sa kwarto? At ang nakakainis, pinipilit kong matakot pero luha pa rin ang unang pumapasok sa isip ko. Masyado kasing masakit. Sobrang sakit.

Iniisip ko kung anong gagawin ko bukas, kung gagawin ko na ba ulit ang rule #1. Kung hahanapin ko ba si Vince at mag so sorry. Pupuntahan ko ba si Yumi para magsorry at humingi ng tulong o umiyak na lang ako hanggang sa mapatawad nila ako.

Ganito ba talaga kasakit ang magmahal? Kailangan ba talagang lumuluha para malaman mo na nagmamahal ka na?
•••

Hello:) Comment ka naman

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon