Samantha's POV
Rule # 2: Drink until you die!
Kahit ayokong lumabas ng kwarto pinagpilitan pa rin ni Yumi na sumama ako sa kanya, nakasuot ako ng simpleng plain white shirt at skinny jeans na matagal ko ng hindi isinusuot.
"Kailangan mong lumabas ng bahay para mahanginan ka! Puro ka pagmo-move on! Hindi ka pa kumakain kailangan mong magpalakas! Lagi mong tatandaan, you need to stay alive for your vengeance!" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napangiti ng marinig ko ang salitan yun. Kailang ko bang gumanti? Yun ba ang rule number 2? Gumanti agad kahit alam ko naman na hindi ko pa siya kayang saktan!
Ganito naman lagi, okay lang na tayo ang masaktan, para lamang sa taong mahal natin.
"Nababaliw ka na ba? Kanina ka pang nakangiti diyan! Baka mamaya niyan kinakausap mo ng yang statue ni Jollibee!" Pagkatapos niyang manermon pumasok na siya sa loob at umorder na ng pagkain.
Tahimik kaming kumakain hanggang sa maalala ko na naman siya.
"Bawal kang kumain ng balat ng manok, ma-cholesterol, at higit sa lahat mas maganda na tubig na lang ang inumin natin kesa sa coke" Para siyang tatay ko kung sermunan, bawal ang ganito, bawal ang ganyan. Lahat na lang bawal pero naiintindihan ko naman siya kasi concern lang siya.
"Juice na lang kaya para kahit papaano may kulay 'tong tubig" Masama ang tingin niya sa akin pagkatapos kong sabihin iyon.
"Mas sigurado ang tubig at kailangan na kailangan yan ng katawan mo. Alam mo ba na pinapadumi lang ng juice at softdrinks ang ihi ng tao?" Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain.
"Babe, mahal na mahal kita kaya inaalagaan kita. Ikaw lang ang pinaka iisang babaeng minamahal ko sa buong buhay ko" Hinalikan niya ako sa pisngi habang kinikilig ako sa sinabi niya.
Pero ngayon, I realize that I'm not the only one.
"Natulo na naman yang luha mo, Sam! Nakakahiya ka! Ang alat na sigura niyang kanin mo! Para kang may pelikula! Puro ka drama, rule #2 ka na! Move on okay?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.
"S-sorry, mahirap kasing makalimot" Natapos kaming kumain at umalis na kami.
"Let's go to our next destination!" Hinila niya ako at sumakay kami sa taxi. One hour din kaming nag-travel, akala ko kung saan kami pupunta yun pala sa isang bar.
"Rule # 2: Drink until you Die!" Napangiti ako sa idea niya, ito nga siguro ang pinaka-kailangan ko sa ngayon, kailangan ko ng pampalakas ng loob.
Pumasok na kami sa loob at hindi ko napigilan ang ngiti sa labi ko ng makita ang mga taong nagsasayaw, para silang mga walang problema, para silang may mga sariling mundo, para silang hindi nasasaktan.
"Let's go and have fun!" Lumapit kami sa bartender at kumuha ng whiskey, para kaming hindi mga babae! Well ito ang modernong panahon ngayon, nagpapakatotoo lang.
"Salamat Yumi! Ansaya saya ko ngayon! Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kahit saglit lamang! Ganito na ba ang modernong pagmo-move on? Hindi na yung may music tas iiyak ka habang inaalala mo siya?" Hindi ko alam kung may tama na kami o masyado lang akong nadadala sa saya ng loob ng bar na ito.
"Modern Era na tayo! Move on na okay? Ito na ang bagong paraan para mapadali ang nararamdaman mong sakit! Pagkainom mo niyan wala na yan lahat! Hindi mo na siya maiisip!" Tumawa kami parehas at sa sobrang saya namin hindi ko na naman napigilan ang pagluha.
"Mahina ako Yumi! Akala ko makakalimutan ko na siya pag nawala na siya! Akala ko pag sinaktan niya ako galit lang at poot ang meron sa puso ko, pero hindi! Mahal ko pa rin siya kahit manloloko siya! Mahal ko pa rin siya kahit sinaktan niya ako! Andaya ni Cupid pinana yung puso ko tapos ano?! Pinabayaang ma-stuck yung arrow at pinabayaan na lang akong ma-inlove sa maling tao! Kyle manloloko ka! Kyle babaero ka! Cheers Yumi!" Nag-cheers kami at pinagpatuloy na lang ang pag-inom ng whiskey! Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko! Parang sinasapian na ako ng espiritu ng mga alak.
"Handa ka na sa Rule # 3?" Kahit nahihilo na ako alam ko kung ano ang tinutuloy niya, ang rule no. 4 ata?
"Handang-handa na ako! Ano ba yan magbasag ng shot glass? Magwala dito okay game ako diyan!" Tumayo ako at itinulak ang bar stool palayo sa akin, inihagis ko sa sahig ang isang shot glass at noong mabasag ito, tumingin ako kay Yumi na nanlalaki ang mga mata.
"What? Masaya 'to best! Tumulong ka sa akin!" Kumuha ulit ako at inihagis naman iyon sa bartender na nakatayo sa harapan ko.
Hindi ko na alam ang sunod kong ginagawa, basta ang alam ko may lumapit sa akin at bigla ko na lang siyang hinalikan at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Nagising na lang ako ng biglang may parang gate na nagbubukas.
"Ms. Enriquez, laya ka na!" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at hinimas ang ulo ko.
Nakita ko ang nakakairitang mukha ng tatay ko at inumpisahan na niya akong sumbatan.
"Anong naiisipan mo Samantha at ginawa lahat ng mga bagay na yun? Ganyan ka ba namin pinalaki? Ganyan ba talaga katigas ang ulo mo!?" Humarap ako sa kanya at tinaasan ng kilay.
"Wow! Let me remind you, hindi mo ako pinalaki dahil hindi mo ako inalagaan kahit isang beses, wala kong ginagawang masama, for your information! Tsaka sino bang may sabi sayong tulungan mo akong makawala sa kulungan? Hindi ko kailangan ng tulong mo at lalo't higit ng mga pangaral mo!" Hindi ko na kailangan pang pahabain ang istorya kung bakit ako ganyan sa magaling kong ama, he left us dahil may kabit siya, 14 years ko na siyang hindi nakikita dahil wala na akong balak pa siyang makita.
"Sam! Stop this okay! Come with me!" Pumara na ako ng taxi at mabilis na sumakay doon. Wala na akong ama. Wala na talaga!
Hindi ko alam kung dapat ko bang pasalamatan itong si Yumi sa idea niya, yung bar, yung rules siya ang may pakana at sure ako na siya din ang tumawag kay Dad.
I don't know why but I'm happy doing these how to move on rules and tips!
•••
Vote. Share. Comment.Chache0981
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...