Samantha's POV
Rule # 15: Flirt with him
"Yumi! Ano na naman bang rule yan!?" Nagsusuklay ako habang sinasabi ni Yumi kung ano ang rule number 15!
"Sam, kasama talaga yun sa mga rules! Umamin ka sa akin, naiisip mo pa ba si Kyle ngayon?"
Naiisip ko pa rin ba siya?
"Hindi na" Ito ang katotohanan sa mundo, mabilis mawala ang nararamdaman mo sa isang tao kapag may bago ng nagpapasaya sayo.
"Yun naman pala! Gawin mo na lang yung next rule, siguro mga 68% na nakalimutan mo na siya" Lumapit siya sa akin at nagshake hands kami.
"Ano na naman ito?" Binitawan niya ako at pinalo sa balikat.
"Huwag mong sabihin na hindi ka kinikilig kay Vince! Kitang-kita sa mga mata mo, sa mukha mo. Kanina alam ko na parang tinamaan ka na sa kanya. Iba na yung tingin mo sa kanya" Sinamaan ko siya ng tingin at itinulak sa kama.
"Kailangan ko pa rin ng three months rule! Hindi na ako magpapaka-plastik, magpapakatotoo na ako! Oo may nararamdaman na nga ata ako sa lalaking yun pero hindi naman siguro tama na sabihin ko yun sa kanya. Baka isipin niya rebound o kung anuman" Naka-Indian sit si Yumi sa kama habang nakatingin sa akin ng may seryosong mukha.
"Halata naman na nagustuhan mo na siya. Natural lang sa ating mga babae ang magmahal agad kapag pinapakilig tayo ng mga lalaki. Pero ano yun? Hihintayin mo ang three months para lamang maging kayo? Hindi kaya mag sawa ka. Siguro crush mo lang siya ngayon pero paano kapag minahal mo na siya? Sasabihin mo na ba?" Umiling ako at ipinagpatuloy na lang ang pagsusuklay.
"Mahal ko pa rin si Kyle. Kahit alam ko sa sarili ko na masaya ako kay Vince, umaasa pa rin naman ako na babalikan ako ni Kyle" Mabilis na lumapit sa akin si Yumi at binatukan ako.
"Ganyan ka ba katanga sa kanya? Nag break na kayo. Ex mo na siya. Hindi mo na siya pwede pang mahalin. Sabi mo okay ka na di ba?" Tumingin ako kay Yumi ng may luha sa mga mata.
"Okay lang ako, sinabi ko yan sayo. Pero hindi ko naman sinabi sayo na hindi na ako nasasaktan di ba? Masama bang umasa pa ako? Andami niyang pangako e! Umaasa pa rin ako na matutulad niya yun" Galit ang nakita ko sa mga mata niya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ano sa tingin mo? Biro lahat ng ginagawa namin ni Vince! Dinadala ka niya kahit saan, nag eeffort yung tao tapos wala naman palang nangyayari!? Sam wake up! He's gone! He left you! He broke you! Your life is a mess and now you're telling me that you still love him!? What the!" Umiyak na ako sa kinakaupuan ko. Tanga naman talaga ako.
"Hindi mo naman ako mauunawan Yumi kasi hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!" Tumakbo ako palabas at nagpunta sa tabing dagat. Masarap sa pakiramdam ang hangin kapag umiiyak ka, nae enjoy ko din ang araw. Yung alon sumasabay sa mga luha ko ang pag sayaw na akala mo naman kumakanta ang luha ko habang pumapatak sa white sand.
"Rizza, you'll enjoy my resort if you'll choose for your family vacation" Boses ni Vince yun. Nagpunas ako ng mga luha at tumingin kay Vince habang naglalakad siya kasama ang isang babae na nakangiti at mukhang nilalandi siya.
Tuwang tuwa din naman si Vince habang pinapalo siya sa braso niya ng haliparot na babaeng yun.
"Vince!" Tinawag ko siya pero hindi siya lumingon sa akin. Nakakainit ng ulo ang lalaking ito!
Tumayo ako at lumakad papuntang direksyon niya.
"Babe! Kanina pa kitang hinahanap saan ka ba galing!?" Tumigil sila sa paglalakad at humarap sa akin.
"Ipapakita ko lang kay Rizza yung mga rooms. May balak kasi siyang magbakasyon dito." Ngumiti sa akin si Vince at hinawakan ang kamay ko ng makalapit ako sa kanya.
"By the way, Rizza this is Samantha my girlfriend" Nawala ang ngiti ni Rizza at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"She's beautiful. By the way, I need to go now because I have a dinner date" Ngumiti siya sa akin at ginantihan ko din siya ng plastik na ngiti.
"Babe, ihahatid ko lang si Rizza" Bumitiaw siya sa kamay ko pero hinawakan ko ulit siya.
"Kaya na niya yan babe. Di ba Rizza? Bye!" Nag wave ako sa kanya habang nakangiti.
"She's right. Baka maistorbo ko pa kayo. So, see you tomorrow" Nagbeso siya sa akin at umalis na.
"Bitawan mo na ako. Aalis na ako babalik na ako sa kwarto" Ngumiti sa akin si Vince at hinila ako palakad sa kung saan.
"Ikaw! Nagseselos ka pala. Ayaw mo pang aminin, ikaw lang naman ang babe ko" Inirapan ko siya habang tinatawanan niya ako.
"Ako nagseselos? Mas maganda ako sa babaeng yun atsaka gusto ko lang naman kasing gumala kaya nilambing kita, joke lang lahat yung kanina. Hindi ko kailangang magselos kasi una sa lahat hindi naman talaga tayo. Hindi ako nagseselos promise! Kapag nagselos ako baka sabihin mo ang kapal naman ng mukha ko, hindi talaga ako nagseselos" Tumawa siya at pinisil ang cheeks ko na ikinainis ko sa kanya.
"Andami mong sinasabi. Hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba, kahit hindi mo ako tinuturing na boyfriend mo ikaw talaga ang girlfriend ko. Magiging loyal ako sayo. Promise yan" Hindi ko alam kung dapat akong kiligin o mainis sa kanya. Pinapaasa niya na naman ako.
"Huwag kang mangako kung hindi mo kayang tuparin. Hindi ka naman nanliligaw at hindi ako papayag na manligaw ka kasi nga KAIBIGAN mo lang naman ako di ba?" Nag-pout siya at ako naman ang tumawa. Nagpapacute na naman, gwapo na nga siya e!
"Mahirap sabihin sa kanila na girlfriend kita e hindi mo naman ako gusto di ba? Ayaw mo ngang maging boyfriend ako. Ang gwapo ko na nga, ayaw mo pa" Ngumiti siya at nag pose na parang si Bravo ba yun?
"Hindi naman sa ayaw mayabang ka lang kasi, hindi ka gwapo!" Nag pout ulit siya at ako naman ang pumisil sa pisngi niya.
"Hindi ako gwapo?" Tumawa ako dahil naka sad face siya.
"Siguro gwapo ka sa paningin nila pero hindi para sa akin" Naglakad ako at bumitaw sa hawak niya sa akin.
"A ganun!" Binuhat niya ako at sumigaw ako dahil nagulat ako. Tumakbo siya sa dagat at inihagis ako sa tubig.
Nagbasaan kaming dalawa, naghabulan at nagtawanan. Masaya siyang kasama.
Masaya ako sa kanya!
•••
Sorry na. Hahaha. Ito na nga po o!
Vote. Comment. Share
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...