Samantha's POV
Rule # 6: Burn Everything
"Wake up! Kailangan na nating gawin ang Rule number 6!" Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa CR.
"Ano ba ang rule number 6?" Naglagay na ako ng toothpaste sa toothbrush ko at nag-umpisa ng magtoothbrush.
"Rule number 6: Burn everything!" Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng sarili bago lumabas ng CR.
"Anong ibig mong sabihin? Magsusunog ako ng kahit ano?" Ngumiti siya at kinuha ang magical box sa ilalim ng kama ko.
"T-teka! Anong gagawin mo diyan!?" Binuksan niya iyon at nilabas ang teddy bear ko.
"Susunugin na natin si Potchi at lahat ng bagay na ibinigay niya sayo" Lumapit ako sa kanya at inagaw si Potchi yung stuff toy ko.
"Don't do it! Hindi ko susunugin si Potchi dahil lamang galit ako sa Daddy niya! First gift ko 'to galing sa kanya!" Inagaw niya yun sa akin at itinago sa box.
"Paano mo siya lubusang makakalimutan kong yung mga bagay na pwedeng mag-paalala sa kanya ay tinatago mo!? Sam, para kang nagtago ng memories. Kapag patuloy mong tinago lahat ng ito, patuloy ka pa ring masasaktan!" Umupo ako sa kama ko at malungkot na hinawakan ang magical box ko.
"Gumawa ako ng box na ito para sa kanya. Lahat ng memories, gifts, loves, at lahat-lahat dito ko iniipon. Siguro nga tama ka, kapag nakikita ko kasi 'tong box parang mas nasasaktan ako. Lalo ko siyang naaalala" Hinawakan niya ako sa braso at pinisil-pisil iyon.
"Hindi lang siya ang lalaking makakapagbigay sayo ng ganyan. Marami pa diyang iba, siguro hindi nila matatapatan ang isang Kyle Josh pero Sam, malalampasan pa nila yang lalaki na yan. Kaya tara na sa labas at magsusunog pa tayo" Binuhat namin ang magical box ko at dinala iyon sa garden, at naghukay siya ng isang pit para doon kami magsunog.
"Handa ka na?" Tumango na ako at binuksan na ang magical box ko.
Una kung inilabas ang isang box na naglalaman ng isang jar na may lang 365 reasons why he loves me, napakasweet noon dahil araw yun ng birthday ko at sa school ground yun nangyari. Merong 365 person na nakatayo sa harap ko at isa-isang hinulog sa jar yung hawak nilang papel, at binibigyan ako ng roses, masyadong matagal yung pangyayari na yun at hindi ko na mabuhat yung 364 na roses plus yung bouquet na ibinigay sa akin ni Kyle. Romantic di ba?
"Susunugin mo ba yan o aalalahanin kung paano niya iniabot yan sayo with matching pa-cute smile?" She snorted at me.
"Ito na nga!" Itinapon ko lahat ng laman na papel ng jar at unti-unti na iyong nilamon ng apoy.
Sunod ko namang kinuha ang photo album naming dalawa, regalo niya sa akin yun noong first monthsary namin. Hindi ko nga alam kung bakit ang effort ng lalaking yun pagdating sa akin, kilalang kilala pa naman siya sa campus na womanizer. Akala ko nga puro sweet words lang yun, yun pala may sweet action and efforts pa.
"Ang tagal naman. Ilahat mo na lang kasi" Inirapan ko siya bago itapon iyon sa apoy.
"Happy ka na? Ikaw na lang kaya ang gumawa? Mukhang ikaw naman yung sinaktan niya. Mahirap 'tong gawin, kahit iniwan niya ako at ganun din ako, hindi ibig sabihin noon hindi ko na siya mahal, bina-value ko pa rin naman lahat ng ginawa niya para sa akin ano!?" Lumapit siya sa akin at nilagyan ng gas yung apoy para mas lalo itong lumakas.
"Bina-value? Pati yung panloloko niya. Oo, naniniwala ako sa kasabihan na kapag mahal mo okay lang magmukha kang tanga sa harap ng iba, kung mahal mo kahit sinasaktan ka papatawarin mo pero mas naniniwala kasi ako na kapag hindi ka mahal, wag mong pag-aksayahan ng oras at luha, marami naman kasi diyang iba! Samantha kapag hindi ka nagmadali diyan ikaw ang susunugin ko para wala na akong problema!" Tinalikuran na niya ako pagkatapos niyang sabihin ang napaka-ganda niyang speech. Pinalakpakan ko siya bago muling gawin ang dapat kong gawin.
Kinuha ko si Potchi at niyakap muna ito ng mahigpit. Ito ang pinakalast niyang regalo sa akin. Nasa fair kami noon, hindi ko alam kung bakit bigla kong nagustuhan ang mga stuff toys, bata pa lang kasi ako umayaw na agad ako sa mga laruan at mga stuff toys kasi kahit kailan hindi ko naman naranasan yung kasiyahan sa paglalaro noon. So ayun nga, nakipaglaban pa si Kyle para lamang makuha yung stuff toys, paramihan ng shoot sa limang minuto, varsity ata yung boyfriend ko (ex boyfriend) kaya yun siya ang nakakuha kay Potchi ang aming baby.
"Potchi, ba bye na. Mahal na mahal ka ni Mommy, iniwan na kasi tayo ng Daddy mo kaya siguro kailangan na nating magpaalam sa isa't isa. Hindi na kasi ako mahal ng Daddy mo kaya yun naghanap ng ibang babae. Wag kang mag-alala ilalagay lang kita sa katahimikan, hindi kita ipagpapalit at iiwan Potchi. Ikaw lamang ang nag-iisang anak ko. Paalam!" Inihagis ko si Potchi sa apoy at pinanuod ito sa kung paano ito lamunin ng malakas na apoy. Wala ng natirang alaala niya kundi mga bakas na lang.
"Tapos na ako Yumi sa rule number 6! Ano ang rule number 7?" Binitawan niya ang hawak niyang juice at walang ekspresyon na nagsalita.
"Rule number 7: Tie a rope and hang yourself!" Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa siya bigla.
"Joke lang yun. Bakit ba excited ka laging magawa lahat ng Rules? Tandaan proven 'to sa akin pero paano pala pag hindi gumana sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil akala ko makakalimutan ko siya ng madalian.
"What!? Akala ko ba effective!? Mas maigi pa palang hindi ko na lang sinumulan kung wala namang kasiguraduhan!" Nagmamarch akong pumasok sa kwarto. Dahil sa galit ako kay Yumi. Umasa 101 na naman ako!
"Akala mo ba pag natapos mo lahat nakalimutan mo na siya? Matagal pang panahon bago mangyari yun! Samantha, kung hindi mo susubukan e di sana hindi mo malalaman!" Humiga na lang ako sa kama ko at inalala na naman siya.
Everyday is a suffering. Everyday I know that I still love him.
•••••
Sorry sa errors. Wala pa pong edit.
Next update bukas po ata:)
Marami na akong nagagawa, pero baka matagalan yung iba.
Happy Summer 2k16 guys!!!
Vote. Comment. Share.
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...