Rule # 17: Make your own rule

16 0 1
                                    

Samantha's POV

Rule # 17: Make your own rule

Walang rule para sa akin ngayon. Galit si Yumi kaya wala akong alam na gagawin. Kaya naisipan ko na maggawa ng sarili kong rule. Baka naman kasi mag work agad agad kasi ako na ang gumawa!

Bumaba ako sa kusina at nakita ko si Yumi na naghahanda ng pagkain.

"Good morning Yumi" Tumingin siya sa akin pero hindi siya bumati. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay.

"Alam ko ang kapal ng mukha ko dahil nagawa ko pang hawakan ka.  Pinatira mo nanga lang ako sa buhay mo tapos nasaktan pa kita. Kung ayaw mo na akong makita aalis na ako, maraming maraming salamat bestfriend. Mahal na mahal kita. Ikaw ang pinakamabait at pinakamagandang kaibigan sa buong mundo. Sorry kung nasaktan kita. Sorry dahil nasampal kita. Aalis na ako, alam ko naman na ayaw mo na sa akin. Mahal na mahal kita Yumi" Nakatingin lang siya sa akin at parang naghihintay ng sunod kong gagawin, binitawan ko ang kamay niya at naglakad na ako papalapit sa pintuan.

"Hindi mo kailangang gawin yan. Naghanda ako ng breakfast para sayo! Leche kang babae ka! Bestfriend mo ako slash kapatid kaya kahit pa itulak mo ako sa bangin papatawarin kita. Wag mo lang aagawin ang boyfriend ko dahil hindi kita papatawarin pag yun ang ginawa mo! Mahal kita! Hindi ako tomboy! Balik ka dito! Pahug!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at umiiyak na tumatawa kaming dalawa.

"Sorry talaga best!" Sinabunutan niya ako at tumawa na naman kaming dalawa.

"Hindi ko kayang magalit sayo ng matagal!" Nagkabati na kaming dalawa at kumain na ako ng breakfast na ginawa niya.

"Oo nga pala! Bago ko makalimutan si Vince nasa airport siya ngayon!" Hindi ako natuwa sa narinig ko. Tumakbo ako papalapit sa cellphone niya at tinawagan si Vince.

"Unattended! Bakit daw siya pupuntang airport?" Tumingin sa akin si Yumi ng may pang aasar sa mga mata.

"Ewan ko. Basta nagtext siya. Aalis daw siya. Kung gusto mong puntahan handa akong ipag-drive ka. Ngayon na ata ang flight niya" Hinila ko si Yumi at dinala sa kotse niya.

"Magpapabebe pa ba ako! Tara sa airport! Bilisan mo Yumi! Kapag nalate lang ako ng punta doon, hinding hindi kita mapapatawad! Kapag hindi natuloy ang love story ko! Humanda ka sa akin!" Mabilis na pinatakbo niya ang kotse niya. Buti na lang malapit lang kami sa airport.

"Ito ang problema natin! Traffic!" Naiinis na sabi ni Yumi. Hinawakan niya ako sa kamay at sinenyasan na lumabas na.

"Takbuhin mo na! Makakasunod pa ako sayo. Habulin mo na si Vince. Umamin ka na okay!?" Tumango ako at tumakbo ng mabilis. Hindi na nga ata ako babaeng pilipina sa lagay ko para kasi akong tomboy sa bilis kong tumakbo. Wala lahat ng pagiging babae ko, love story ko na ang hinahabol ko!

Lumilipad ang mga eroplano, may mga batang umiiyak, may mga asawang nagpapaalam, at sa dami ng nakita ko, isa lang ang nilapitan ko. Nakatayo si Vince habang dala ang isang bag sa likod niya at may higit higit siyang maleta.

"Bye Mom and Dad" Ginulo ng isang hindi katandaan na lalaki ang buhok ni Vince at nakangiti lang sa kanya yung isang babae na sobrang ganda kahit may edad na.

"V-Vince aalis ka na? Alam ko nasaktan kita sa mga sinabi ko, pinagsisisihan ko na ang lahat ng yun. Wag mo akong iwan, ayokong iwan mo ako. Pinagsisihan ko na lahat ng sinabi ko, wag mo lang akong iwan. Sorry Vince hindi ko kayang wala ka sa buhay ko" Naguguluhan silang tatlo sa mga sinasabi ko, natatawa si Vince at yung mga kasama niya ay nagtataka.

"Vince siya ba si Samantha? I love her attitude. She's adorable" Lumapit sa akin yung Mama niya at hinalikan ako sa pisngi.

"Hija, kapag bumalik kami sa Pilipinas gusto kong makita kita sa house. Vince isasama mo siya okay? Bye. Hindi aalis ang anak ko, mukhang inlove ka sa kanya. Don't worry boto ako sayo" Namula ako sa kahihiyan. Umalis na ang mga magulang ni Vince at hinawakan niya ako sa kamay ko.

"Ayaw mo pala akong mawala? Hindi mo agad sinabi, gusto mo bang tabihan kita lagi sa kama mo?" Napingot ko ang ilong niya habang pinagtatawanan niya ako.

"Joke lang lahat ng yun! Yung acting ko kanina! Itext mo ang parents mo sabihin mo may acting class ako! Project ko yun!" Naglakad ako palayo sa kanya at hinabol niya ako.

"Ang cute mo. Kinikilig ako sa sinabi mo. Isa pa nga babe? Please?" Inaasar niya ako habang papunta kami sa kotse niya. Naiinis ako na natatawa sa sarili ko. Bakit kasi ginawa ko agad yun? Pwede naman kasi akong magtanong di ba!? Leche talaga! Bakit nagkakaganito ako sa isang lalaki lamang!? Bakit!!

"Ayoko ng ipagpatuloy ang kontrata" Napatingin ako sa kanya dahil seryoso ang tono niya. May naramdaman akong lungkot sa sinabi niya, hindi ko alam kung dahil hindi na ako makakapag move on o kundi dahil gusto ko siya laging kasama.

"Naiintindihan kita. Masakit ang ginawa ko sayo, andami kong sinabi aaminin ko sayo, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Nakakaramdam ako ng takot pag wala ka pero pag nandiyan ka pakiramdam ko safe ako, maraming salamat sa lahat ng naitulong mo. Maraming maraming salamat dahil kahit papaano nakalimutan ko lahat ng ginawa sa akin ng ex ko" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin.

"Masaya din ako pag nandiyan ka sa tabi ko. Salamat dahil gusto mong samahan pa kita sa mga gagawin mo. Hayaan mo, simula ngayon, pangako ito, hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo. Ayoko na sa kontrata, ayoko ng may limitasyon tayo, ayokong gumagalaw tayo at sumusunod sa kung ano ang nasa papel, gusto kong gumalaw tayo ng normal, yung wala tayong pag-aalinlangan" Naguguluhan ako sa kanya kaya nakaabang lang ako sa mga susunod na sasabihin niya.

"Samantha Enriquez, hindi ko mapapaltan agad diyan sa buhay mo ang ex mo, hindi ko siya matatapatan pero nangangako ako nahihigitan ko siya. Itigil na natin ang pagkukunwari, gusto kita, ayoko ng kontrata dahil ang gusto ko ay totohanan. Totoong tayo, yung merong ikaw at ako at lalo't higit merong tayo"

Natahimik na lang ako hanggang sa pag-uwi. Ayoko na din sa kontrata, gusto ko ring maging ikaw at ako, yung panghabambuhay.
•••
Para sa nagcomment sa chapter 16😍

Thank you sa support sa aking pinsan. Para din sayo:)

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon