Samantha's POV
Rule # 7: Bye bye lies!
Tao lang tayo. Likas lang sa atin ang magmahal, masaktan at maloko. Likas din sa atin ang maging sinungaling, bakit kasi ang puso hindi pwedeng maging loyal? Bakit pagtumatagal na kayo, may time na nagsasawa na kayo? Bakit hindi permanente ang lahat?
Yung ang tingin niya sa akin ay isang magandang anghel na hinding-hindi na niya papakawalan. Sabi niya ako lang ang babaeng papakasalan niya? Bakit iniwan niya lang ako?
"Rule number 7: Bye, bye lies! Kaya Sam sabihin mo sa akin lahat ng kasinungalingang ginawa at sinabi niya sa sayo, kailangan mong ilabas yun lahat sa akin para mahusgahan ko" Nilalaro ko ang mga daliri ko para mapigilan ang mga luha sa mata ko.
"Y-Yung pumunta kami sa Palawan, sunset yun, nagulat ako dahil lumuhod siya sa harapan ko at niyaya na niya akong magpakasal. I didn't know what to say, masyado pa kaming bata"
Summer noon, niyaya niya ako sa Palawan. Kahit hindi ako pinayagan ni Yumi, tumakas ako. Masaya ang naging pagpunta namin doon. Na-enjoy ko ang white sand, ang dagat, ang paligid namin. Masaya ako dahil magkasama kaming dalawa.
"Someday magpapakasal ako dito sa beach na ito. Dito kinasal si Mom and Dad" Tumingin ako sa kanya mukha, naka suot siya ng shades at naka hawaiian shirt and shorts, nakangiti siya habang nakatingin sa papalubog na araw.
"Bakit parang idol na idol ka ng magulang mo? Wala ka bang sariling desisyon sa buhay?" Tumingin siya sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Gusto kong maging kagaya nila, mabait sa anak, mabait sa kapwa at naiintindihan nila ako sa lahat ng ginagawa ko" Masyado naman ata yun?
"So ibig sabihin ba ayaw mong makatulad ang mga magulang ko? Hiwalay, hindi na mahal ang isa't isa at sinusuportahan lang ako ng pera. Kung papipiliin ako ng magulang gusto ko sila ulit. Proud ako sa kanila, hindi na nila mahal ang isa't isa kaya naghiwalay sila. Tama lang yun, kaya dapat pag nagkasawaan na tayong dalawa, sasabihin natin sa isa't isa para magawan agad natin ng paraan" Hinawakan niya ako sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"Ikaw lang ang mamahalin ko. May forever tayong dalawa. Hindi kita pagsasawaan kasi ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ikaw ang buhay ko. Pag nawala ka hindi ko alam kung paano na ako" Hindi ko alam na lumuluha na pala ang mga mata ko, andram kasi ng lalaking ito.
"I-Ikaw lang ang mamahalin ko Kyle. Wag mo akong iwan ha? Pangako yan!" Kinurot ko ang pisngi niya habang tumatawa kaming parehas. Nagulat na lang akong bigla ng lumuhod siya at may inilabas na box. Isang napakagandang singsing. Kumikinang na diamond.
"Ito na ang pangako hinding-hindi kita iiwan. Ikaw lang ang mahal ko. Samantha Enriquez, will you be my forever and ever?" Maraming nakatingin sa amin at ang iba kumukuha na ng litrato, turning eighteen palang ako that time. Masyado pa siguro kaming bata. Hinigit ko siya at dinala sa malayo upang walang makarinig ng sagot ko.
"Saan ba tayo pupunta?" Nakangiting sabi niya.
"Okay. Dito na lang tayo. Saksi ang mga puno sa sasabihin ko. My answer is Yes!----" Yayakapin niya sana ako pero may kadugtong pa ang sasabihin ko.
"Yes, papakasalan kita sa tamang panahon. Pero hindi pa sa ngayon Kyle. 17 pa lang ako at apat na buwan pa bago ako mag-18. Kyle mahal kita. Sobra kitang mahal pero bata pa tayo. May pangarap pa ako. Kailangan ko pang magtapos at sa oras na makatapos ako ng pag-aaral papakasalan kita. Promise yan!" Pagkatapos kong sabihin lahat ng yun, tumalikod siya at iniwan ako. At doon na nag-umpisa ang panlalamig ng relasyon namin. Feel na feel ko ang December ng mga panahon na yun parang gusto ko siyang alukin ng kape noon para bumalik ang dati naming relasyon, kaso hindi yun ang sagot, hindi kape ang sagot.
Back to the reality.
"Hindi ako naniniwala na kasinungalingan yun Sam. Hindi siya nagsinungaling ng mga panahon na yun, hindi kaya may malalim na dahilan kung bakit siya naging cold sayo?" Ngumiti ako kahit alam ko na tumulo na ang luha ko sa mata ko.
"H-hindi ko alam hahahaha! Basta ang alam ko, naging cold siya dahil hindi niya ako nauunawaan, pang sarili lang niya ang naiisip niya. Basta sinungaling yung lalaki na yun" Pinunasan ko ang luha ko at pati na din ang sipon ko.
"Sam, may nababanggit ba siya sayong kakaiba? Yung bago siya maging cold? Wala ba siyang nasasabi na parang pwede mong maging clue na iiwan ka na niya?" Umiling ako.
"W-wala" Tumango si Yumi at tumayo. Kinuha niya ang notebook niya at hinanap kung ano ang next rule.
"Okay. Kung wala e di wala. Kung pinapaniwalaan mo na kasinungalingan yun wala akong magagawa. Bakit di mo kaya siya kausapin ng last na last na?" Nginitian ko na lang siya at umiling.
"Malay mo may dahilan nga siya? Simula ba noon wala na kayong maayos na communication?" Pang-uusisa niya.
"Wala na. Lagi na lang siyang walang time sa akin. At ang magaling pa doon lagi siyang nag-iinom, meron pa siyang ginawa sa akin noon na hinding-hindi ko makakalimutan. Pinilit ko lang ang sarili ko na wag magalit sa kanya, inisip ko na lang na lasing siya kaya nasabihan niya ako ng ganun"
Gabi noon at itinext ako ng isa sa mga kabarkada niya. Pumunta daw ako sa bar dahil nandun daw si Kyle, nagwawala at sinisigaw ang pangalan ko. Kahit gabi na, pinuntahan ko siya, pero ang nakuha ko lang sa kanya ay masasakit na salita.
"Woah! Look who's here! My lovely girl! Kaya ba ayaw mo akong pakasalan kasi may mahal ka ng iba!? Ganyan ka ba talaga? Pokpok, malandi? Ano pa ba? Whore! Madumi!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. Tumakbo ako habang umiiyak, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko umiyak lang ako ng umiyak magdamag at pag gising ko nasa bahay na ako at wala na akong naalala kung paano ako nakauwi.
"Lasing siya noon pero ambastos niya! Naku patay sa akin yung Kyle na yun pag nakita ko siya!" Galit na galit na sabi ni Yumi ng ikinuwento ko iyon sa kanya.
"A-ano ka ba? Tapos na yun! Wala na yun sa akin! Hindi na ako naapektuhan!" Tumawa ako pero hindi pa rin maitatago sa akin na malungkot ako. Umiiyak tas tumatawa? Ang galing ko di ba?
"Kalimutan mo na talaga yung GG na yun! Walanghiya talaga! Okay Rule number 8!" Natigil ang pag iyak ko.
What!? Anong rule yun!? Joke ba 'to! Seriously!
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...