Rule # 11: Bye bye haggardness!

20 0 0
                                    

Samantha's POV

Rule # 11: Bye bye haggardness!

"Kaloka naman ang trip niyo! Kinikilig ako sa mga sinasabi ni Vince! Hindi ako makapaniwala na romantic siya!" Kinikilig si Yumi habang nagkukwento ako sa kanya ng mga ginawa naming dalawa kahapon ni Vince.

"Mabait pala ang mokong! Kung wala siya baka nakita na ng lahat yung red spot ko!" Tawa siya nang tawa ng mapag usapan namin ang nangyari sa akin kahapon.

"Anyways! Rule number 11 ka na! Humarap ka sa salamin!" Tumayo kaming dalawa at humarap ako sa salamin gaya ng utos niya.

"Ang haba ng buhok mo, puro split ends pa. Yung mata mo anlaki ng eyebags, yung labi mo dry na dry na, ang oily ng mukha mo. Seryoso ka ba na ikaw pa yan? Samantha Enriquez hindi ikaw ang babaeng nasa salamin! Kaya ang rule natin bye bye haggardness! Magbihis ka na at kailangan nating magpaganda ulit!" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya, totoo naman kasi. Napabayaan ko na ang sarili ko dahil sa magaling kong ex. Ito na ata yung sinasabi nilang, pwede mo siyang mahalin pero magtitira ka para sa sarili mo. Pero sa lagay ko na ito wala na akong itinira, pinabayaan ko na ang sarili ko.

"Don't tell me kasama na naman natin si Vince!" Tumingin sa akin si Yumi at kunwaring nag-isip.

"Syempre hindi! Hindi pa siya pwedeng sumingit sa ngayon, bawal masira yung rules no! Kailangan planado lahat at magagawa!" Nag thumbs up ako sa kanya at pumasok na sa cr para maligo. Hindi naman ako nagtagal dahil excited na akong magpaganda.

"Ambilis mo naman! Tara na!" Lumabas kami ng bahay habang suot suot ang naka move on na ako outfit, isang shorts, sando at flat shoes na hindi ko na naisusuot.

Ayaw kasi ni Kyle na magsusuot ako ng ganito.

"Wait. Hindi kaya nakakahiya itong suot ko?" Nagtaas ng kilay sa akin si Yumi at nakapameywang pa.

"Aber bakit? Dahil ba ni Kyle? Hindi na kayo. May karapatan ka ng suotin lahat ng gusto mo. Malaya ka na sa kanya" Mapait akong ngumiti sa kanya at pumunta na kami sa Mall.

Oplan Maglaway ka ex!

"Saan mo ba gustong unang pumunta? Salon or Spa?" Nakangiting sabi ni Yumi.

"Salon" Mabilis kaming pumasok at mabilis kaming nakapagpa haircut. Pinaiklian lang namin hanggang balikat ang buhok namin. Hindi ko nga ineexpect na mas gumanda ako ngayon. Ganito lang talaga ata ang mga babaeng iniiwan mas binibiyayaan ng ganda ni Lord.

"Ang ganda nating dalawa! Infairness sayo blooming ka!" Napalo ko sa balikat si Yumi at sabay kaming tumawa.

"Wag mo nga akong bolahin! Baka mamaya niyan magkagusto ka niyan sa akin. Hindi ako pumapatol sa tomboy hahaha!" Kinurot niya ako at tumawa na naman kami.

"Good afternoon po. Ano pong service ang gusto niyo Ma'am?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Yumi at ngumiti ako sa kanya.

"Funeral service meron?" Naging seryoso ang mukha noong babae habang tinatawanan namin ang corny na joke ko.

"Sorry Ma'am wala po kasi noon dito. Spa po kasi ito" Mahinahon pero parang may galit na sabi niya.

"Face spa. Foot spa. Lahat gawin niyo sa kaibigan ko. Pagandahin niyo" Tumango yung babae at inumpisahan na lahat ng dapat nilang gawin. Masarap lahat ng ginawa nila, nakakarelax. Hindi ko naiisip ang mga pinagdaanan ko these past few days, basta ang alam ko makakamove on din ako.

"Sam ikaw na ba yan?" Tuwang tuwang lumapit sa akin si Yumi at niyakap ako.

"Natotomboy ako sa ganda mo. Pwede ka bang ligawan?" Tinulak ko siya at inirapan.

"Huwag dito darling sa bahay mo ako ligawan!" Malakas kaming tumawa at lumabas ng spa bago pa sila magpatawag ng psychiatrist. Ganito talaga pag kasama ang bestfriend ko lumalabas ang pagkabaliw ko.

"Tara muna kumain, gising na ang mga anaconda ko" Pumunta kami sa isang fast food chain at umorder ng pagkain.

"Ambagal naman ng service nila. Gutom na gutom na ako" Ngumiti ako at itnuro ang couple na nasa kabilang table. Nagkangitian kami at tumayo ako.

Lumapit ako sa couple at parehas pa silang college student. Same school sila. Nabasa ko ang pangalan noong lalaki at ngumiti sa kanya ng tumingin siya sa akin.

"Hi Andrew. Bakit nawala ka sa party kagabi? Hinihintay pa naman kita" Nagtatakang nagkatinginan silang dalawa.

"Sorry Miss pero--" Tumabi ako sa kanya at ngumiti sa girlfriend niya na itinatago ang galit sa mukha niya.

"Andrew, ako yung girl na kiniss mo sa party. Good kisser ka, hi nga pala sayo Amy right? Magkapatid kayo?" Hindi ako nahihiya kahit na awayin ako ni Amy, nakita ko sa ID niya yung pangalan niya kaya feeling close muna dapat kami.

"Andrew! Kaya pala wala ka kahapon. Sabi mo sinamahan mo yung kapatid mo. Break na tayo!" Umalis si Amy at hinabol siya ni Andrew. Mabilis akong bumalik sa table namin at tumawa ako nang tumawa.

"Gaga ka talaga! Paano pag binalikan ka noong lalaki!" Ngumiti ako at uminom sa kakaserve lang na coke.

"Ipagtatanggol naman ako ni Vince" Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nabigla sa mga sinabi ko. Namula ako at tinawanan lang ako ni Yumi habang punong-puno ang bibig niya ng fries.

"Wow! Talagang pinanindigan mo yang pagiging fake girlfriend mo!" Naiilang akong ngumiti sa kanya at kumain na lang.

Natapos kaming kumain at nagshopping na lang kaming dalawa.

"Siguro gawin mo na din yung Rule # 12, kung hindi ka pa pagod sa mga ginawa natin ngayon" Tumingin ako sa kanya at nag-smile.

"Yumi, ano bang magandang isuot kapag nag-beach tayo?" Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong underwear. Ngumiti siya at pinili ang black kesa sa kulay pink.

Kumuha ako ng bra na kulay yellow at black. Ipinakita ko iyon sa kanya.

"Anong magandang isuot kapag siniduce ko si Vince?" Tumawa kaming dalawa at nagbayad na lang ng mga binili naming dalawa.

"Wag si Vince ang i-seduce mo! Mukhang playboy ang lalaki na yun syempre madami na yung experience!" Lumabas kami ng store at pumunta sa ibang boutique.

"Di ba yun ang mas masarap maraming experience" Nag-high five kami at natawa sa mga pinagsasasabi namin.

"GG ka! Hahaha. Dalian mo na at ayun ang rule # 12: Seduce your fake boyfriend!" Sinamaan ko siya ng tingin at umiling.

"Pinaglololoko mo ba ako!? Kahit hindi rules yun gagawin ko yun! Hahaha. Biro lang. Yumi hindi yan kasali sa mga rules! Labag yan sa pagkatao ko!" Tumawa na naman kaming dalawa.

"Hindi ka na mabiro. Rule # 12!" Nakinig ako sa kanya at tumango-tango.

Asan na kaya si Vince? Hindi nagpaparamdam ang lalaki na yun! Sabagay bakit nga ba? Hindi naman kami! Vince!

••••
Wala akong nakikitang comment😂

Sige. Lagi naman. Vote. Comment. Share.

Chache0981

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon