Samantha's POV
Rule # 20: Meet his family
4:00 AM. Gising pa rin ako hanggang ngayon. Ganito pala ang magmahal akala ko sobrang dali lang. Sa buong magdamag, na wish ko na sana bata na lang ako paggising ko, yung pakiramdam na kapag nadapa ka, okay lang pala ang masaktan at magkasugat kasi madaling maghilom at higit sa lahat may gamot pa. Ang pinoproblema mo lamang ay kung ano ang sagot sa 1 + 1, kung 2 ba o 11 dahil walang equals sign. Nahihirapan ako, ganito ba talaga ang pagmamahal? Masyadong magulo at kumplikado.
"Gusto mo bang magpatunog ako ng kanta? Mahal ko o mahal ako? Mukhang makakatulong sayo" Ngumiti ako kay Yumi at lumapit sa kanya.
"Wag mo akong yakapin Tomboy!" Itinutulak niya ako dahil nakayakap ako sa kanya.
"Sorry bestfriend! Sana maunawaan mo ako" Sinabunutan niya ako pero hindi masakit. Pinalo ko siya at sabay kaming tumawa.
"Magbihis ka na Sam! Baka dumating na si Vince" Bumangon ako at pumunta sa closet, black dress at black heels ang choosen outfit ko ngayon.
Mabilis akong naligo at nag-ayos dahil ayoko namang basta na ang maging hitsura ko. Family niya ang makikilala ko, hindi ibang tao.
"Perfect! Ang ganda mo pag curl ang buhok mo" Nag-selfie kaming dalawa bago ako lumabas ng kwarto.
"Good morning babe. Woah! You are so beautiful" Nag blush ako dahil sa sinabi niya. Ikaw na ang masabihan ng maganda!
"Bolero! Hindi ako beautiful" Pinalo ko siya sa braso at tumawa siya.
"The beauty is in the eye of the beholder. Kaya babe lagi kang maganda para sa akin, kahit kagigising mo pa lang, kahit hindi ka pa nakakapag toothbrush, kahit hindi ka pa nakakaligo, kahit wala ka pang deodorant, maganda ka para sa akin" Binatukan ko siya habang tumatawa ako.
"Ang sakit ha!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa bewang papalapit sa kanya.
Isang lapit na lang magtatama na ang labi naming dalawa. Namula ako ng ilapat niya ang ilong niya sa ilong ko, bumibilis ang tibok ng puso ko, gusto na ngang magcollapse ng mga paa ko, pumikit na ako.
"Ang ganda ng make up mo, sinong gumawa niyan?" I pinched him on his back at mabilis akong pumasok sa sasakyan. Akala ko kasi hahalikan niya ako, titingnan lang pala niya yung make up ko!
"Bading! Bilisan mo ang pagpapatakbo ng sasakyan" Maarteng sabi ko noong pumasok siya sa loob ng sasakyan.
"Anong bading!? Hindi ako bading no!? Girlfriend nga kita!" Pinanlakihan ko siya ng mata habang nagda drive na siya.
"Wag ka ng magsalita! Bading ka talaga!" Naka pout akong tumingin sa salamin. Masama na bang mag pacute sa salamin?
"Hindi lang kita nahalikan nagkakaganyan ka na" Humarap ako sa kanya dahil nang aasar ang mokong. Ngiting ngiti pa, parang nanalo sa lotto.
"Parang gusto ko naman yung halik mo!? Sa mukha pa lang halata namang hindi ka good kisser!" Tinigil niya ang sasakyan at humarap sa akin.
"Sinusubukan mo ba ako?" Seryoso niyang tanong. Namumula na ang mukha niya siguro dahil sa inis sa akin.
"Wala akong sinasabi na ganyan" Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Pasalamat ka nirerespeto kita" Bulong niya. Napangiti na lang ako at hindi maitago ang kilog na kanina ko pang nararamdaman. Kung lahat ba naman ng lalaki kagaya niya sino ba namang hindi kikiligin ng sobra? (Ako! Sigaw ng bitter)
Twenty minutes lang siyang nagdrive at nakarating na din kami agad sa kanila. Simple lang ang bahay nila, hindi kasinglaki ng palasyo pero sigurado akong maganda at masaya.
Pumasok kami sa isang gate at pagpasok pa lang namin ang iingay na ng mga tao, may mga matatanda na nagkukwentuhan sa isang tabi, may mga binata at dalagang kumakanta sa karaoke, may mga batang nanliligo sa pool at may mga lalaking nag iihaw ng manok.
"Hija! Ikaw ang girlfriend ni Vince? Yung nagmakaawa sa kanya?" Napakagat ako sa labi dahil nahihiya akong humarap sa nanay ni Vince. Hinila niya ang kamay ko at ipinakilala sa mga kapatid niya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nahihiya ako sa kanila.
"Mom, tama na po. Pagod na ata itong babe ko" Inabutan niya ako ng juice at hinila papalapit sa kanya.
"You're over reacting Vince! Hindi siya pagod, hindi halata sa mukha niya. Ang gandang bata" Ngumiti na lang ako kay Tita at sumunod kay Vince papunta sa isang table.
"Sorry sa pamilya ko masyado silang magulo" Tiningnan ko silang lahat habang nagkakasiyahan.
"Naiinggit nga ako sa pamilya mo. Mukhang masaya silang lahat. Parang walang mga problema" Hinawakan niya ako sa kamay at yumakap sa akin.
"Wag ka ng malungkot. Bakit ka umiiyak?" Napahawak ako sa pisngi ko at agad na pinunasan ko ang mga luha ko sa mukha ko.
"Nakakainggit kasi talaga! Ako kasi wala ng pag asa ang mga magulang ko. Hindi na sila magbabati, hindi na nila mahal ang isa't isa" Hinigpitan niya ang hawak sa mga kamay ko.
"Ako, pwede akong maging pamilya mo. Andiyan si Yumi at ang mga magulang ko, kahit sino pwedeng maging pamilya mo dito" Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you"
Lumapit sa amin si Tita at tinanong kung okay lang kaming dalawa. Tumango ako at kinulit niya kami ng kinulit.
"Hindi talaga ako makapaniwala na sobrang ganda ng girlfriend ng anak ko. Last time na nagsama siya dito ng babae maganda pero iba naman ang ugali. Kaya para malaman mo ang buong family ay boto sayo" Nagsigawan silang lahat at nagpalakpakan. Pumila silang lahat at binigyan ako ng tig iisang flowers at binabati ng Welcome to the family, Wag niyo pong paglalaruan si Kuya Vince, Mahalin niyo po siya, Sana po lagi kayong nasa tabi niya.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanilang lahat. Andami ng pamilya ni Vince, lahat sila may sinabi. Pero ang hindi ko mamakalimutan ay ang sinabi ng lola niya. Sabi niya sa akin last time daw na nagmahal si Vince kitang-kita niya dito ang sobrang pagkalungkot ng iwan siya ng girlfriend niya. Wag ko daw gagawin yun sa kanya dahil pag ginawa ko daw yun, baka daw ikamatay na niya.
Paano ko ba sasabihin sa kanilang lahat na nagpunta po ako sa party na ito na hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, nagpunta po ako dito na mahal ko pa rin ang ex ko.
Pwede ko bang sabihin yun? Pwede ko bang aminin ang katotohanan?
•••
Hi. Hello. Haha. Sorry antagal. Waley pa haha
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...