Rule # 3: Kiss a guy!

29 1 0
                                    

Samantha's POV

Rule # 3: Kiss a guy!

"So what's next Yumi? Pupunta na naman ba tayo sa bar para sa next tip at rule mo?" Napatawa siya sinabi ko.

"No more breaking glasses okay? Pero tapos na ang rule number 3. I clearly saw it last night. You kissed the bar owner's son!" I don't know what to say? I give my second kiss to a bar owner!?

"What? Is he old? Gwapo ba? Ano?" Kinuha niya ang cellphone niya at ipinakita sa akin ang picture ko habang may kahalikan na lalaki, napapikit na lang ako at napasampal sa pisngi ko.

"Why didn't you stop me? Nakakahiya!" Natatawa niyang inagaw ang cellphone niya at bumalik sa kama niya.

"You know Sam, he's so handsome, mas gwapo siya sa ex mo. Alam mo ba na hindi lang paninira ng bar ang ginawa mo? Pagkatapos mo siyang halikan, sinukahan mo lang siya sa damit niya tapos sinampal mo siya at sinipa mo siya sa tuhod niya, kaya pasalamat ka buhay ka pa. Tsaka 18 lang yun! Ang pangalan niya ay Darryl Vince Cortez!" Hindi ko kinaya ang mga impormasyon na narinig ko sa kanya, kung pwede nga lang akong lamunin ng lupa dito, pumayag na ako.

"Ikaw kasi ang may kasalanan! Bakit kasi kasama pa sa rules mo yung bar! Nakakahiya tuloy ako!? Mukha na tuloy akong babaeng bayaran dahil sa ginawa ko!" Nanlaki ang mga mata niya at ibinato sa akin ang unan niya.

"Kung hindi ka nag iinarte diyan na gusto mo siyang makalimutan, hindi ko naman gagawin yun! Kaso ikaw itong desperada na makalimot tsaka anong babaeng bayaran? May iba nga sa tabi-tabi diyan na konting lambing lang sinusuko na agad ang bataan! Pasalamat ka rule # 4 na tayo! Malapit na tayong matapos!" Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung mga rules na tinuturo niya sa akin, para namang rules yun patungo sa kalandian.

"Bakit ilang rules ba yan?" Ngumiti siya at kinuha ang notebook niya.

"3/40 pa lang ang nagagawa mo. Malapit na di ba? Konting push pa at mararating mo din yung rule # 40" Nanlaki ang mga mata ko. 40? Seriously sino bang nakaimbento ng mga bagay na ganito? Antagal ha? Di ba pwedeng 5 lang?

"Effective yan Sam. Kasi kahit ano pang gawin ng ex mo kung maiisipan niyang bumalik sayo, hindi ka na muling magpapauto pa. How to move on completely yan! As in, effective yan at proven by me na!" Binasa ko ang 40 rules na yun at nahilo lang ako dahil natakot ako na parang hindi ko mararating ang dulo. Baka nga hanggang rule # 10 lang ako e! Tadhana na talaga ang makakagawa ng iba pang paraan para magawa ko ang rules 11 - 40

"Ayoko na! Suko na ako!" Kinuha niya ang notebook niya at humiga ulit sa kama niya.

"Ikaw ang bahala, kung gusto mong umiyak na lang lagi diyan, nasa sayo yun basta pag nagbago ang isip mo gisingin mo lamang ako! Promise sasabihin ko kaagad sayo ang rule # 4!" Pumikit na siya at naiwan akong nag-iisip, paano pag hindi nag work yung iba pang rules?

Hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Lagi ko pa ring naaalala ang mga ginagawa naming dalawa, sa pagpikit ng mga mata ko, siya pa rin ang nakikita ko, sa bawat pagtibok ng puso ko. Siya pa rin ang laman nito.

"Saan ba tayo pupunta Kyle?" Masaya kaming tumatakbo sa isang lumang farm, walang tao, kaya enjoy na enjoy kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kyle, sabi niya surprise daw kaya nanahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa gusto niyang puntahan.

"Isang puno?" Nakatayo sa harapan ko ang isang mataba at matayog na puno. Nakaukit dito ang isang malaking heart at may nakasulat na pangalan: Vicente Love Kylie

"Dito nagsumpaan ang mga magulang ko. Dito sila nangako na magmamahalan sila habambuhay. Kaya kita dinala dito para ipangako sayo ang ginawa nilang sumpaan" Corny yun alam ko pero somehow I find it so romantic. Saan ka ba naman nakakita ng isang gwapo at mayamang lalaki na dadalhin ka sa isang walang malay na puno at susumpa na mamahalin niya ako habambuhay, hindi ko alam kung parte ito ng isang pelikula pero para kaming artista na umaarte sa harap ng camera pero ang kaibahan lang, walang direktor, walang televiewers, walang script writer at yun ang gusto ko puso ang nagdidikta.

"Promise ko sayo Samantha na forever na tayo. Ikaw lamang ang babaeng mamahalin ko at ikaw lamang ang babaeng gusto kong makasama sa habambuhay!" Kung pwede ko nga lang siraan ang linya niya, gusto ko sanang sabihin sa kanya na walang forever! Ngayon mahal mo ako pero bukas pwedeng magbago!

"Ang swerte ko naman sa boyfriend ko! Mahal na mahal kita!" At pagkatapos noon isinulat namin sa baba ng pangalan ng magulang niya ang mga pangalan namin, Samantha Love Kyle.

Then bigla na lang niya akong hinalikan sa labi ko. It was so nice experience, it was so adorable.

"Itutuloy mo pa ba o hindi?" Nakalimutan ko tuloy ang rule number 4 dahil sa kung anu-ano na naman ang iniisip ko.

"Itutuloy ko pa!" Nginitian ako ni Yumi at pinaliwanag sa akin ang Rule # 4.

"You mean?" Tumango si Yumi at napahawak ako sa ulo ko. Ito ba yung sinasabi nilang hung over?

"Syempre kasama yun sa Rules! Unti-unti mo na bang nararamdaman?" Pumunta ako sa Cr at sumuka.  Lumabas ako at nag-umpisa na naman siyang tumawa.

"Wait lang. Ikaw ba ang gumawa ng mga rules na yan?" Tumango lang siya habang nakangiti sa akin.

"Seriously? Why? When? And How?" Tumayo siya sa kama at kinuha ang isang photo album.

"Bago tayo mag-meet 2 years ako, I was 16 that time. Syempre sabi nga nila yung love daw walang piniling edad, kapag tinamaan ka ng pagmamahal kahit 7 years old magmamahal ka daw. Then kaya niloko niya lang din ako. Pinagpalit niya ako sa isang pangit, bad breathe at flat chested na babae. Nasaktan ako ng sobra, kaya naisipan ko na sa murang edad, someday may matutulungan ako na isang babae na niloko lang din ng isang lalaki! And this is the right time!" Lumapit ako sa kanya at kinuwento niya lahat ng buong pangyayari at naka-relate naman ako sa kanya.

After that, gusto kong matapos ang rules na yun dahil alam ko na pag natapos ko iyon magiging kagaya na din ako ni Yumi, magiging matapang at mas matalino.

••••
Vote. Spread the love. Comment.

Property of Chache0981

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon