Rule # 14: Smile because the guy you kissed is so hot

21 0 0
                                    

Samantha's POV

Rule # 14: Smile because the guy you kissed is so hot

"Yumi saan na naman tayo pupunta?" Nakangiti sa akin si Yumi habang nagsusuklay ng buhok.

Ang aga-aga kasi ginising na agad ako.

"Ambilis ng panahon girl! Bakasyon na! Nagyayakag si Vince sa resort nila sa Batangas" Tumayo ako at nagpunta sa cr para mag-toothbrush.

"Paano pag ayokong sumama?" Tumawa siya at lumabas ng kwarto.

Sumunod ako sa kanya para ihanda ang breakfast namin.

"Nasa kotse na ang gamit mo. Wala ka ng magagawa" Lumabas siya ng bahay dahil may dinala sa kotse niya.

"Alam ko naman na hindi ka papayag. Sa bahay kasi na ito wala akong choice kung hindi ang sumunod. Submissive mo kasi ako" Tumatawa si Yumi habang papalapit sa akin.

"Hindi ko alam kung anong naisipan ko at pumayag akong tumira ka sa bahay ko. Mayaman naman kayo? Pero naiintindihan ko naman na galit ka sa pamilya mo" Ayokong pag usapan ang pamilya ko kaya umiwas na lang ako ng tingin ko sa kanya.

"Malapit na si Vince. Nagtext siya sa akin. Kung ready na daw ang babe niya?" Tumakbo ako sa kwarto at naligo na. Nakakahiya naman kasi kung hihintayin pa ako.

Nahihiya ba ako o excited akong makita siya? Ang gulo ko naman. Napahampas na lang ako sa ulo, iba talaga pag nagtatalo ang puso at isip parang may laban sa loob ng katawan mo, ang unfair talaga ng buhay, lagi ka na lang binibigyan ng mga options.

"Babe tapos ka na?" Nagpanic na ang buong mundo, sumabog ang bulkan, nagkalindol, may tsunami at may kagutuman, OA ako, nagpapanic ako mgayon dahil nandiyan na siya.

"Wait lang lalabas na" One hour akong nag ayos ng sarili, hindi ko kasi alam kung anong isusuot ko, shorts, sando and vans na shoes ang napili ko sa damitan ko.

"One hour kang nagbihis tapos yung hindi pa maganda sa mata ko ang suot mo. Palitan mo yan. Bawal ang naka-shorts" Seryosong sabi ni Vince habang nakaupo sa sofa.

"Bakit ikaw pwede kang magshorts?!" Inirapan ko si Yumi dahil nakangiti siya ng nakakaloko sa tabi ni Vince.

"Lalaki ako! Atsaka sinabi ko naman na ayaw ko nga yang suot mo di ba? Magpalit ka kung ayaw mong hindi matuloy ang lakad natin!" Dinilaan ako ni Yumi at pinipilit ko ang sarili ko na wag magalit sa kanilang dalawa. Ako na naman kasi ang trip ng dalawa!

"Bakit si Yumi!? Naka shorts din naman siya a!" Tumingin si Vince kay Yumi at sabay tumingin agad sa akin.

"Iba si Yumi. Hindi ako ang boyfriend niya. Ikaw, akin ka kaya lahat ng ayoko para sayo susundin mo" Hindi na ako umimik dahil bigla na lamang uminit ang pakiramdam ko. Namumula nga ako! Tumakbo ako sa kwarto at nagpalit ng ripped jeans. Siguro naman hindi na siya magagalit!

"Masaya ka na!?" Inirapan ko siya habang papalapit sa akin.

"Let's go babe" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila papunta sa kotse niya. Wala talagang kwenta ang lalaking ito.

"Mahaba ang byahe natin kaya sana hindi kayo mabore, kung may dalaw kayo maging handa kayo para iwas red spot. Let's go!" Pinatakbo na niya ang sasakyan. Namula ako sa sinabi niya swear. Alam ko naman na ako ang sinasabihan niya, hampasin ko to ng modess with wings sa mukha!

"Nasusuka ka ba? Gusto mo ba ng candy? Ititigil ko yung car gusto mo?" Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang free hand niya.

"Okay lang ako. Wag mo akong alalahanin, malaki na ako" Nakatulog na ako sa byahe dahil sa sobrang haba. Nagising na lang ako nandito na kami sa isang maganda, malamig, at malaking resort.

"Kumain muna tayo bago ko kayo igala sa buong resort" Pumunta kami sa pavilion at hinintay ang foods na ipinahanda niya.

"Kain na kayo. Baka mamaya pupunta sina Mommy dito, gusto daw kasi nilang makilala si Sam" Napatingin ako sa kanya ng namumula.

"What!? Bakit!? Wag mong sabihin na pinakilala mo akong girlfriend sa kanila!?" Tumawa si Vince at lumapit sa akin para bumulong.

"Friend lang ang alam nila. Bakit gusto mo bang maging girlfriend na kita?" May naramdaman akong lungkot sa unang sinabi niya, friend, atleast hindi fake friend.

"G-good!" Kumain na kami at nagpunta na sa room na inassign sa amin ng crew niya, simpleng kwarto lang naman, may aircon, tv, ref at kama.

"Swimming na tayo?" Naghubad si Yumi sa harap ko at ready na pala talaga ang bruha! Akala niya siya lang! Naghubad din ako at ang suot ko na lang ay cycling at bra.

"Tara na!" Lumabas kami at pumunta kami sa swimming pool.

"Hindi ako natutuwa sa suot mo" Tatalon na sana ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Ano na naman ba!? Tayo lang naman ang mga tao dito di ba!? Ba't kasi lagi ka ng may problema sa suot ko!" Hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa isang upuan na may nakalagay na tuwalya.

"Ito na lang ang isuot mo, white shirt" Nanlaki ang mata ko at gusto ko iyong itapon sa malapit na basurahan. Aanhin ko pa ang kagandahan ng katawan ko kung hindi ko naman pwedeng i-model.

"Wala na bang iba? Ito na lang kaya!" Umiling siya at iniabot sa akin ang t-shirt.

"Hangga't hindi ka nagpapalit bawal kang mag swimming!" May authority niyang sabi.

Tumingin ako kay Yumi habang tumatawa siya. Gusto ko siyang lunurin dahil asar na asar na ako sa kanya!

"Ayoko!" Tumakbo ako papalapit sa pool atsaka tumalon doon.

Umahon din ako agad dahil nawawalan na ako ng hininga. Nakita ko si Vince na tumalon at lumangoy papalapit sa akin.

"Ang kulit mo. Hindi mo ba alam na baka pag-fiestahan yang katawan mo ng mga staff ko dito!" Niyakap niya ako at natulala na lang ako.

"Umahon na tayo" Humarap ako sa kanya na parang kissing position ang dating.

"Ang OA mo! Hindi naman nila makukuha ang katawan ko" Inirapan ko siya at ngumiti siya sa akin. Nakahawak ako sa dibdib niya na matigas pa sa bato, may abs pa ata ang loko!

"Wag mong himasin ang abs ko. Mamaya ko na lang ipapakita yan sayo babe. Kahit halikan mo pa" Kumindat siya sa akin bago niya ako binuhat. Namula ako syempre! Gusto ko siyang barahin pero hindi ko na nagawa. Ambilis na naman kasi ng tibok ng puso ko.

Napatingin sa akin si Yumi habang naka-thumbs up.

Tama siya, smile because the guy you kissed is hot. Nakangiti ako habang buhat-buhat niya. Ang gwapo pala talaga niya tapos may abs pa!!!

•••

Sorry late na:)
Update ko na lang bukas ulit:)
Thanks po😘

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon