Samantha's POV
Rule # 9: Date with your Fake Boyfriend
"What? Date with him?! No way!" Galit na sabi ko kay Yumi.
"Yes way! Gusto mo ba talagang mag move on or what!?" Inirapan ko na lang siya.
"Seriously! Gusto ko pero hindi sa ganitong paraan! Para namang pinaglalaruan mo lamang ako!" Inihagis niya sa akin ang isusuot ko. Isang purple dress na binili niya noong mag-birthday ako.
"As in!? Ayokong makipagdate sa kanya!" Iniabot niya sa akin ang fake contract at itinuro ang number 2.
Halos mabaliw na ako mg makita ko ang mga rules!
1.) Yes to kiss and hugs
2.) Yes to date
3.) Yes to everything"Antamad mo kasing magbasa! Hindi mo tuloy nabasa na yes to everything tayo!" Alam mo ba yung pakiramdam na gusto mong manakal dahil sa galit? Yun, ayun na ayun ang nararamdaman ko.
"Pati sex pwede? Ano to lokuhan!? Virgin pa ako! Ayoko namang ibigay to sa taong hindi ko naman mahal!" Lumapit sa akin si Yumi at binatukan ako.
"May tama ba yung utak mo!? Syempre hindi yun kasali! Kilala ko yang si Vince hinding-hindi niya yun magagawa sayo!" Inirapan ko na lang siya at naligo na ako. Gabi na pala, parang hindi ako nagugutom, ang mga pangyayari kasi sa buhay ko puro unexpected! Bakit kasi nakinig pa ako sa mga rules na yan!? Sa halip na makamove on ako! Nagkakaproblema pa lalo ako!
"Malapit na daw siya. Mag-ayos ka na!" Sinaraduhan niya ang pinto at iniwan ako. Wala na akong magagawa kaya nagbihis na lang ako at nag-ayos ng mukha ko. Mabilis lang naman akong natapos kaya bumaba na ako ng hagdan.
"Ang ganda naman ng Babe ko. First date natin kaya sigurado akong hinding-hindi mo ito makakalimutan" Sinimangutan ko amg nakangiti niyang mukha.
"Smile Sam! Pasalubong ha?" Tiningnan ko siya ng masama at tumawa lang siya sa akin.
"Suntok sa mukha gusto mo?" Tumawa sila parehas at lumabas na ako ng bahay.
"Alagaan mo yang si Sam! Ingat kayo! Bye!" Sinabayan ako ni Vince maglakad at bigla niyang hinawakan ang kamay ko
"Bitawan mo nga ako! Akala mo makakalimutan ko ang ginawa mo sa akin kanina!? Planado nga lahat ng ito!" Nag-puppy eyes siya sa akin na kinainis ko.
"Makikipagdate ako sa isang bading na kagaya mo ngayon lang! Okay!? Hindi na 'to mauulit at kung mauulit man ito, magpapakasal na ako sayo! Pero hindi yun mangyayari kahit sa panaginip mo!" Tumawa lang siya at pumasok na sa kotse niya.
"Saan mo ako dadalhin?" Walang ekspresyon na sabi ko.
"Sa lugar kung saan marami ang masaya"
Hindi na siya muling nagsalita pa at nagbyahe na lang kami ng ilang oras bago makarating sa dapat naming puntahan.
"Bumaba ka na" Tiningnan ko siya at hindi ako makapaniwala, hindi na nga niya ako pinagbuksan ng pinto, pati ba naman ngayon, hindi niya ako pagbubuksan? Seryoso, lalaki ba to?
"Hindi mo ako pagbubuksan ng pinto!?" Ngumiti lang siya sa akin.
"Tsaka ko na gagawin yun kapag naputol na ang mga kamay mo. Kaya marami ang hindi naasenso sa Pilipinas kagaya mo lahat ang mga tao dito sa atin puro katamaran, asa na lang sa iba. Yung mga bagay na kaya naman nilang gawin kailangan iba pa yung gagawa para sa kanila" Sa sobrang inis ko binuksan ko ang pinto ng kotse at padabog na lumabas doon.
"Galit ka ba?" Nakangiting sabi niya.
"Bakit kailangan ba Sir!?" Tumango na lang siya sa akin at may kinuhang box sa likod ng kotse niya.
"Pumunta ka dito, tulungan mo ako. Dalhin mo 'tong isang box na ito, sumunod ka sa akin sa loob" Lumapit ako sa kanya ng may inis sa mukha at tiningnan ang isang box, maliit lang naman kaso mabigat.
"Date ba 'to!? Ganito ka makipagdate!? Pagbubuhatin mo ako ng box!? Pagpapahirap 'to hindi ito date!" Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Ganyan ka ba ng klase ng babae? Ang ingay mo! Lagi kang sumisigaw. Magkalapit lang tayo, kaya pwede ba? Manihimik ka bago ko lagyan ng shoe glue yang bibig mo" Naglakad na siya ulit at binuhat ko na lang ang box na pinadala niya.
Pumasok kami sa isang gate at pumasok sa isang malaking building. Isa ata itong hospital. Pagpasok namin may kumuha ng box sa akin at nakngiti ko itong iniabot sa kanya.
"Sir, maraming salamat po at napabalik kayo dito. Punta na lang po kayo sa event hall para ma-start na ang program" Tinawag ako ni Vince at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi na lang ako nagsalita at pinabayaan na siya sa gusto niya. Tsaka ko na lang siya kakasuhan ng harassment tsk!
"Dito tayo magde-date, hindi lang tayo ang magiging masaya, pati yung mga bata" Pumasok kami sa event hall at nakita ko ang mga batang masayang bumabati sa amin, yung iba naka face mask, yung iba naka-wheel chair, at yung iba nakangiti kahit halatang may pinagdadaanan sila.
"Cancer patients silang lahat. Tumutulong ako dito dahil naaawa ako sa kanila. Mahigit 4 years na namin itong ginagawa kaya kahit bata palang ako sinasanay ko na ang sarili ko na tumulong sa iba. Iba kasi ang naidudulot nitong saya" Tumingin ako sa kanya at parang bigla na lang nawala ang galit ko sa kanya, mabait naman pala ang GG na ito.
"Sir ready na po ba kayo sa story telling?" Tumingin si Vince sa akin at itinuro ako.
"A-ako?" Tumango si Vince at tumayo upang hilahin ako papunta sa gitna.
Umupo ako sa isang upuan at nagsimula ng magbasa habang nagbabasa ako napapansin ko na lahat sila nakatingin at nakikinig sa akin kaya medyo kinakabahan ako, mabilis lang naman ang story kaya natapos agad ako.
"Natuwa silang lahat sayo" Nakangiting sabi sa akin ni Vince.
"Maniwala sayo! Nahihiya pa nga ako" Tumawa lang siya at pumunta kami sa mga bata. Kahit hindi nila kami kilala yumayakap sila sa amin. Natutuwa ako sa kanila at parang nawala lahat ng problema ko. Kung sila nga na sobrang bata pa lamang ay sinubok na ng diyos ay nagagawa pang kayanin lahat ng problema. Ako pa naman kaya?
Mabilis natapos ang date namin. At isa lang ang nasabi ko kay Vince.
"Thank you"
••••
Vote. Comment. Share
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...