Rule # 4: Face The Hung over

26 1 0
                                    

Samantha's POV

Rule # 4: Face the hung over

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang sakit ng tiyan ko. Andami ko atang nainom kaya kahit anong kainin ko sinusuka ko lang. Sobra pa akong nahihilo kaya meron akong yelo sa ulo ko.

"Nakakatuwa ka talaga, hindi mo man lang naramdaman ang hilo pagkagising mo?" Umiling lang ako.

Manhid ako!

"Kasalanan mo talaga to!? Tapos tatawanan mo lang ako! Ansakit din tuloy ng tiyan ko!" Tumayo siya at kumuha ng hot compress.

"Baka ito makatulong, kumain ka din ng noodles. Lalabas lang ako saglit, alam mo naman ang boyfriend ko, kailangan din ng paglalambing. Bye!" Iniwan ako ng bruha na yun ditong nag-iisa, sanay na naman kasi akong maiwan! Sanay na sanay na akong mag-isa!

Ngayon ko lang narealize na mahirap pa lang mag-move-on, hindi pala madali. Akala ko kasi noon sobrang dali, yung tipong pagkagising mo ng umaga wala na yung sakit na mararamdaman mo, wala ka ng taong kaiinisan kapag hindi agad maka-reply sa text mo, wala ng taong mag dedemand ng kung anu-ano sayo at nakakalungkot dahil kahit hindi madali ang makipag-relasyon, namimiss ko lahat ng yun! Gusto kong makipag-away sa kanya sa walang kwentang bagay at aantayin ko siyang suyuin ako, gusto ko siyang pagbawalan na bawal na siyang makipag-usap sa iba, gusto ko siyang sabihan ng I love you ng paulit ulit hanggang sa sumagot siya ng  I love you too! Gusto kong mahawakan ang kamay niya. Gusto kong makita ang ngiti niya araw-araw, gusto ko lahat ng ginagawa niya dahil mahal na mahal ko siya!

Ganito pala talaga ang mag move-on! Halos lahat ng ginagawa mo naaalala mo ang ginagawa niyo. Kahit anong bagay naaalala ko siya.

Kring! Kring! Kring!

Mabilis akong tumayo at parang nawala lahat ng nararamdaman ko. Mabilis kong hinanap ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong natawag, Calling Yumi.

Umasa na naman ako!

"Bakit na naman!?" Inis na sigaw ko sa kanya. Akala ko kasi si Kyle na yung tumawag! 3 days na ang nakakalipas hindi pa rin siya nagpaparamdam!

"Chill lang. Nasa labas ng bahay si Kyle, ikaw ang bahal kung kakausapin mo siya o hindi. Para atleast alam mo na pinuntahan ka niya, baka sabihin mo naman napaka-walang kwenta kong kaibigan!" Hindi ko alam kung anong dapat ko pang maramdaman, bumilis ang tibok ng puso ko, ang nasa isip ko ngayon, babalikan niya kaya ako? Paano pag humingi ng sorry? Sasabihin niya kaya na mahal niya pa rin ako? Ano kaya ang dapat kong sabihin? Hindi na kita mahal? Iiyak ba ako sa harap niya? Nakangiti ba ako pag nagbukas ng pinto? Mahal ko pa rin ba siya? Oo mahal ko pa siya! Naguguluhan ako! Bakit puro posibilidad ang nasa isip ko!? Paano pag sinabi niya na ayaw niya na talaga? Iiyak ba ako mismo sa harap niya?

Kahit naka-isip na ako ng isasagot sa bawat posibilidad na sasabihin niya o itatanong niya, kinakabahan pa rin ako. Kabadong-kabado ako!

Tumingin muna ako sa salamin at nagsuklay, three days ko na palang kinalimutan yun! Sayang ang beauty ko!

Bumaba ako ng hagdan at pumunta muna sa kusina para uminom ng tubig. Naji-jingle pa ako kaya umihi muna ako. Ambilis pa rin ng tibok ng puso ko habang papalapit ako sa pinto. Binuksan ko iyon at ang sumalubong sa akin ay ang malamig na hangin ng isang normal na linggo ng umaga. Wala siya!

Lumabas ako sa daan para makita kung nandiyan ang sasakyan niya pero wala din. Naghanap ako ng bakas niya pero wala talaga! Hindi niya ako pinuntahan!

Umasa na naman ako! Parang yung inasahan ko lahat ng sinabi niya!

"Yumi! Sabi mo nandito siya! Wala siya dito! Hindi niya ako pinuntahan! Akala na naman niya apektado pa ako sa kanya! Ano siya?! Marami pang ibang lalaki sa mundo at hindi lamang siya!? Maganda ako Yumi at wag na siyang babalik kasi wala na siyang babalikan! Makakahanap din ako ng mas gwapo sa kanya! Yung hindi supot! Kung hindi ko nga lang siya mahal! Hindi ko naman matitiis ang kabahuan ng hininga niya! Yumi pag nakita mo siya! Sabihin mo I hate him! Hindi ko na siya mahal! Pangit na siya!" Halos habulin ko ang hininga ko dahil sa kawalan ng hininga.

"The number that you have dial is either unattended or out of coverage area. Thank you" Naihagis ko pa ang cellphone ko dahil sa inis! Andami kong sinabi hindi ko pa pala nako-contact si Yumi! Pati ba naman yung cellphone ko paasa! Wala talagang kwenta.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Lahat ng pagmamahal napaltan ng galit, sana ganito na lang ang maramdaman ko araw-araw, iisipin ko na lang lahat ng ginawa niya sa akin at araw-araw kong sasabihin sa sarili ko na isa iyong malaking kalokuhan! Kasinungalingan lang lahat ng iyon.

Nag-ring ulit ang cellphone ko at sinagot iyon.

"Hello Yumi! Wala siya! Hindi niya naman pala ako pinuntahan. Umasa na naman ako! Bakit kasi lagi na lang akong nasasaktan?" Ilang minuto akong naghe-hello dahil hindi nasagot yung nasa kabilang linya.

"Mahal pa rin kita Sam" Halos lumuwa na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba! Hindi si Yumi ang nasa kabilang linya, si Kyle.

Sa ganitong sitwasyon, ano ang dapat kong gawin?
A. Kyle, mahal na mahal pa rin kita. Bumalik ka na sa akin! Hindi ko kayang wala ka (with sweet voice)
B. Wow! Pakiulit ng kasinungalingan mo!? Mahal mo na naman ako dahil wala na siya! Ano ako gulong?! Pang reserba mo? Pag nawala yung isa ako ang ipapalit mo!? (With angry tone)
C. Let's talk about it personally (With malunay tone)

The answer is C!

"Okay. Mamaya sa dati nating pinupuntahan, sa park. 7:30 PM" Pinatay ko ang tawag niya at pabalik balik naman ako sa kinakatayuan ko.

Chill lang Samantha!

Hindi ako mapakali. Hindi ko kasi alam kung tama pa ba na makipagkita ako. Hindi ko alam kung tama pa ba na makita niya ako!? Alam ko na iiyak lang ako at magmamakaawa na bumalik siya,

Pero hindi na ako ang dating Samantha!

•••
Vote. Comment. Share

Property of Chache0981

Dear Ex, Move on na ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon