Samantha's POV
Rule #19: Say that you love him
"Relasyon? Tayo na ba?" Tumingin muna ako kay Yumi dahil kanina pa akong naasar sa ginagawa niya.
"Yumi tumalikod ka muna!" Nagtataka siya kung bakit ko siya pinapatalikod pero sumunod din naman.
"Sam bakit hahalikan mo ba siya?" Inirapan ko siya dahil naiinis na ako sa kanya.
"Hindi Yumi! Ibibigay ko na talaga ang virginity ko! Gusto kong nakatalikod ka lang para kahit papaano hindi mo nakikita ang ginagawa namin!" Humarap siya at lumapit sa akin.
"Ikaw ang bogli mo! Gusto ko kasi nakaharap ako para makapanuod ako ng live sex!" Nagtawanan kaming dalawa dahil parehas talaga kaming baliw.
"So ano ano? Tatawa na lang ba kayong dalawa?" Tumingin ako aa nakasimangot na Vince. Ang gwapo ng boyfriend ko!
"Ikaw naman. Tampo ka kaagad! I love you Vince" Hinalikan ko siya sa pisngi niya at ngumiti na lang siya bigla.
"Tayo na nga?" Nakangiti niyang sabi. Tumango ako at lalo ko siyang napangiti. Niyakap niya ako ng mahigpit habang paulit ulit niyang sinasabi ang 'I love you Sam'.
"Okay tama na muna yan! Payakap muna ako sa bestfriend ko!" Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Vince at humarap kay Yumi. Nagtatampo din ang baliw!
"Best!" Nagkayakapan kaming dalawa. Naluluha ako dahil sa mga nangyayari. Tears of joy na nga ata 'to pag pumatak sa mga mata ko.
"Move on na ako best! Thank you!" Natapos ang madramang eksena.
Aalis na si Vince at hawak hawak niya ang kamay ko papuntang kotse.
"Sam, bukas pupunta ako dito. Gusto ka daw ma-meet ng parents ko. Mali pala. Family. May reunion kami bukas at gusto ka nilang lahat makilala" Napabitaw ako sa kanya.
"Nakakatakot naman yun Vince! Kinakabahan tuloy ako! Baka hindi ako makatulog niyan. Wala pa akong susuotin, hindi ako handa" Tumawa si Vince at hinawakan ang mga kamay ko.
"Hindi mo kailangang kabahan. Kasama mo ako. Hahawakan ko ang kamay mo hanggang sa ihatid kita pauwi sa bahay mo" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan ako sa noo.
"Tanda ng respeto ko sayo" Hinalikan niya ako sa ilong.
"Tanda ng pagsunod ko sa lahat ng utos at gusto mo" Hahalikan niya na ako sa labi ko pero talagang ayaw ni Author. Bitter talaga!
"Bago mo magawa ang tanda ng pagmamahal, umuwi ka muna sa inyo Vince. Masyado ng malalim ang gabi. Bye Vince" Inirapan ko si Yumi. Nagpaalam na si Vince sa akin.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Syempre chance ko na kaya binatukan ko sa ulo si Yumi.
"Aray ko naman Sam! Wala kang utang na loob!" Inirapan ko siya at kumuha na lang ng juice sa ref.
"Hindi talaga ako makapaniwala na may boyfriend ka na! Instant boyfriend!" Ibinaba ko ang baso na hawak ko at umupo muna sa sofa.
"Hindi ko rin alam kung paano ko kaagad nakalimutan si Kyle. Imagine! Parang kahapon lang, umiiyak pa ako tapos gusto ko ng magpakamatay, ngayon masaya na ulit ako" Lumapit si Yumi sa akin dala-dala ang isang basket ng pagkain.
"Para sayo ata 'to galing kay Vince" Tiningnan ko ang laman. Naubos lahat ng laway ko dahil nalunok ko na ata.
"Chocolates!!!!" Sabay naming sigaw ni Yumi. Kumuha kami at mabilis na kinain iyon.
"Kung araw-araw tayong may chocolates galing kay Vince baka mainlove ako lalo sa lalaking yun!" Naghigh five kaming dalawa at inupakan ng inupakan ang laman ng basket.
"Wait! Busog na ako" Binitiwan ni Yumi ang hawak niya at nahiga sa sofa.
"Ganyan talaga pag ahas, pag nabubusog natutulog na!" Tumawa kami parehas, may nahagip ang mga mata ko. Kinuha ko iyon.
Letter
Hindi ko binuksan iyon at itinago sa bulsa ng shorts ko. Kinabahan ako ng konti. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi galing kay Vince ang basket.
"Sam, paano kapag nalaman mo ang dahilan ni Kyle? Paano pag reasonable naman pala? Babalikan mo pa ba siya?" Namumutla akong tumingin sa kanya.
"Hindi ako pwedeng magsalita ng tapos Yumi, sa totoo lang natatakot ako dahil baka mamaya infatuation lang ang nararamdaman ko para kay Vince. Pakiramdam ko may mali na sinabi ko na kami na agad" Ang tanga-tanga ko di ba? Ngayon lang ako nakapag-isip ng ayos, masyado akong nadala ng nararamdaman ko, hindi ako nakaramdam ng pagtatalo ng isip at puso ko. Hindi ko alam kung tunay ko siyang mahal.
"Magulo talaga ang pagmamahal Sam. Akala mo mahal mo na yung tao, akala mo masaya ka sa kanya. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag one day nakasalubong mo si Kyle at mag explain sayo. Alam ko na mahal mo pa rin yun, alam ko na may nararamdaman ka pa para sa kanya. Sam, habang maaga pa sana makapili ka na" Ngumiti ako sa kanya kahit lumulutang yung isipan ko.
"Yumi, tama na nga ang drama! Nakapili na ako at si Vince yun. Kami na nga di ba!?" Tumatawa ako ng pilit. Gusto ko lang panindigan ang naging desisyon ko!
"Sam, seryoso sayo si Vince. Sana totoo yang sinasabi mo" Nawala ang pilit kong ngiti at parang may karayom na tumusok sa puso ko.
"Okay. Seryoso ako na naguguluhan pa rin ako bestfriend! Hindi ko nga talaga alam kung mahal ko na si Vince. Masyado lang mabilis ang lahat, malungkot ako at dumating siya para pasayahin ako! Yumi, anong gagawin ko?" Babae ako kaya unawain niyo na lang ako! Magulo talaga ang isipan ko sa ngayon.
"Nauunawaan kita. Pabago bago ng isip ang mga babae pero Sam, isipin mo naman kung sino ang nag-eeffort sayo ngayon" Nakaramdam ako ng pagkainis.
"Yumi wait, si Vince ang itinitulak mo papalapit sa akin, naguguluhan ako lalo. Alam mo gusto kong magalit sa sarili ko kasi hindi ko alam kung sinong dapat kung piliin. Ikaw yung magulo Yumi! Inopen mo yung topic about kay Kyle! Naguluhan ako doon, paano nga kung reasonable yung explanation niya? Anong gagawin ko?" Tumayo si Yumi at pinigilan ako sa pagsasalita.
"Possibility lang yun! Paano pag hindi?" Tumawa ako sa kanya. Nag aaway na pala kaming dalawa.
"Magpasalamat tayo kung hindi! Dahil kung reasonable, hindi ko alam kung paano o bakit, pero ang sinasabi ng puso ko ay balikan siya!" Tumayo ako sa sofa at tumakbo sa kwarto. Gusto ko na lang munang magpahinga, nahihirapan ako bigla sa sitwasyon ko.
Akala ko mahal ko na si Vince. Pero bakit naguluhan ako sa tanong ni Yumi?
••••
Hi! Late na ang update!!!!!
Sorry na:) The wait is over:) Ito na:)
Enjoy😊👍🏼
BINABASA MO ANG
Dear Ex, Move on na ako!
RomanceNakakatuwa lang yung mundo natin, Madaling magsabi ng I love you at I love you too, pero hindi mo agad agad masasabi na, Finally move on na ako! Dalawang salita, MOVE. ON! Pero nakapaloob sa salitang yan ang luha, sakit, paghihirap, kabaliwan, kata...