*ACE's P.O.V*
"Waaahhh!!! Ate bangon na!!!" Nagising ako sa isang malakas na sigaw sabay kalabog ng malakas ng pintuan ng aking kwarto. "Ate first day ng class ngayon! Hindi ka daw ba papasok sabi ni mama?" "Eto na, babangon na ako. Sige, punta na 'don!" Umalis na ang aking magaling na kapatid at nagdiretso na ako sa aking banyo. Pagkatapos ng aking seremonyas bumaba na ako at nagdiretso sa kusina. "Ma, hindi na po ako kakain, male late na po ako eh." "Sige anak mag-iingat ka." Pagkalabas ko, nakita ko naman na ang service namin at sumakay na ako para makapasok na.
*SCHOOL*
Dali-dali kong hinanap ang section ko at nagdiretso nang umupo sa nakita kong vacant seat. Di din nagtagal, Dumating na ang isa kong kaklase noong nakaraang taon. Second year highschool na nga pala ako at nasa second section lang last school year at dahil sa aking angking katalinuhan (AHEM!!! Lumakas ang hangin...XD) nalipat ako ngayong second year sa first section. "UY!" siya si Airies, siya ung isa sa classmate ko nang first year na nalipat sa first sectiion. Actually apat kaming nalipat sa first section. Umupo na siya sa tabi ko. Madami ng kakilala dito sa section na to si Airies dahil siya ung governor namin last school year at classmate niya din nung elementary yung iba sa kanila. Dumating na ung mga magiging classmates namin for this school year at dumating na din ung magiging adviser namin. Naunang magpakilala si Ma'am, then turn naman naming mga students. Isa-isa nang nagpakilala at ako na ang susunod. "Good morning, my name is Alliah Criztell Elaijah Ferguson, Section 1-Diamond last year." After ilang minutes, natapos na din at wala na kaming ginawa since first day palang naman. Mabilis na lumipas ang oras at nag uwian na. Wala namang masyadong nangyari kaya nung pag-uwi ko natulog na ako. HAHA! :D