*Monica's P.O.V.*
Ilang linggo na ang nakalipas at nagsimula na ang pasukan. Magkaklase parin kmi. Wala na si ACE dito at tanging ako nalang ang may contact sa kaniya, nag-iba na rin ksi siya ng number at nagmakaawa siya na wag na wag ibibigay khit sa barkada lalo na kay Seph. Nuong unang pasok sama-sama pa din kmi pero di nagtagal nagkaroon na ng sari-sariling kaibigan. Si May-May naiba ng section at naging kaibigan sina Mary Jane at Stephanie. Si Leian naging Bestfriend si Gab(hay salamat at nabanggit narin ang pangalan ko...hihhi!). Si Shaira naman kay Charlene at Rona May. Si Jessa naiba na rin ng section at ako, ang lagi ko nang ksama ay sina Ronalyn at Flor. Pamaya-maya lumapit sa akin si Seph.
"Psst! Monica!"--- Tawag niya sa akin.
"Anu nanaman ba?"--- Iritang tanong ko sa kaniya.
"Number nga ni ACE"-- Siya.
"Wala akong number ni ACE. Nung umalis siya, nagiba na siya ng number at hindi ko alam kung ano na ang bagong number niya. Kaya Seph tantanan mo na ako sa katatanong mo."--- Sabi ko sa kaniya.
Napaka kulit kasi. Nakakairita na.
"Alam kong may number ka niya kaya sige na. I'm begging you. PLEASE? Please?"--- Sabi niya.
"Hayyst! Khit anung please pa ang gawin mo sakin, khit lumuhod ka pa at magmakaawa diyan, hindi ko ibibigay sayo, dahil wala akong maibibigay. Intsendes?! Kaya wag ka ng magsayang ng oras at panahon sa pangugulit. Nag move-on na ang Bestfriend ko, kaya wag mo na siyang guluhin."--- Ako sabay walk out.
Napaka kulit-kulit kasi, ganiyan nalang araw-araw. Bakit niya kukunin ung number ni ACE? Para paasahin nanaman? Wala na siyang ginawa kundi paasahin ang kaibigan ko. Bahala na siya sa buhay niya...HMMMP!!!
*Seph's P.O.V.*
Nag walk-out nanaman si Monica. Lagi nalang, tuwing hihingin ko ung number ni Allizah, laging sasabihing wala khit alam naman ng lahat na lagi niyang nakakausap si Allizah.
"Oh... anu Seph? Nakuha mo na?"--- Tanung ni Gab.
"Ayaw tlga ehh."-- tugon ko sa kaniya.
"Kasi ikaw ehh. HAHA! Kasalanan mo din Bro."-- Sabi naman ni Gave.
"TSK! Ewan ko sa inyo, namomroblema na nga ung tao ehh."--- Ako at umalis na.
HAYYST! Panu ko kaya makakusap si Allizah. Ginamit ko na nga kay Monica ang MAHIWAGA KONG PLEASE, ayaw parin maawa. Sino kaya ang may number ni Allizah? Hmmmm.... AHA! Alam ko na, sana meron siya........
*May-May's P.O.V.*
Papunta ako sa C.R. kasama sina Stephanie at Mary Jane, nalipat kasi ako ng section kaya madalang ko nang makasama sina Monica. Nabuwag narin ang barkada namin but were still good friends.
"May-May!"--- sabi nung nasa likod ko, tinignan ko at nakita ko si Seph.
"Anu yon?"--- tanong ko sa kaniya.
"Ahh... May, una na kmi ahh, para kasing importante ang pag-uusapan niyo."---- paalam nina Mary Jane.
"Ahh, anu, may number ka ba ni Allizah?"--- Tanong ni Seph.
"Allizah.....? Ahhh, si ACE. Wala ehh, bakit ba?"-- sabi ko.
"Ahh, sino ba may number ni Allizah? Tell me, PLEASE?"--- Sabi niya.
"Ikaw ba yan Seph? Nagplease ka? WOW HUH! Pero wala talaga akong alam kung sino ang may number niya ehh. Baka si Monica, pero malamang pa sa alamang hindi niya ibibigay sayo un."--- Sabi ko.
"Sige hah, una na ako"-- dugtong ko.