{ TBUP –14: Crying Shoulder }
Putek na luha ‘to! Ayaw magtigil! Parang gusto pa ata nilang lumikha ng dam na kasing laki ng San Roque dam ah? Hanep!
Pero ang sakit kasi eh! Bakit niya kailangang itago?
Nyeta! Tanong ako ng tanong eh alam ko sa sarili ko ang sagot. Syempre kasi takot siya sa akin! Ayaw niya sa akin. Grabe lang dahil ang tagal ko na siyang bespren. Lahat ng kaabnormalan ko sinasakyan niya. Magkasundo kami sa lahat ng bagay kahit puro barahan at katangahan ang halos alam namin.
Ayan! Mas lalo tuloy akong naiyak. Di ko kasi maiwasang isipin si Carmeen. Gusto kong makipagbati. Gusto kong lumapit sa kanya tapos yakapin siya ng mahigpit tapos ibulong sa kanya na okay na ang lahat. Mukhang madali pero, mukha lang!
Nakakahiya eh. Takot siya sa akin, ayaw niya sa akin tapos lalapitan ko pa siya? Para ko naman atang pinagsisiksikan ang sarili ko sa kanya nun? Psh =____=
Akala ko pumupunta lang ako rito sa roof top ‘pag naaalala ko si Chron ‘yun pala pupunta rin ako rito dahil kay Carmeen. Hayup na roof top ‘to. Nagiging makasaysayan na sa buhay ko, pucha.
Sige Ericka! Iyak lang ng iyak! Okay lang ‘yan ke—“You okay?”
Familiar ‘yung boses nung nagtanong sa akin. Pero syempre lilingonin ko pa rin siya para makita ko ‘yung mukha niya. Malay niyo magkaparehas lang sila ng boses. Malay niyo gwaping ‘to! Eh ‘di tiba-tiba pa ako! Ahihi :””>
Putek, nilapitan lang ng lalake nakalimutan ng umiiyak? Sht. Sandali nga at matignan ang mukha…
O____________________O
“I know you didn’t expect me to be here.” Nakatingin siya sa malayo. Tinatanaw niya ‘yung ibang mga buildings.
“Chron…” Oo! Siya nga! Ang gwapong-gwapo kong ex na mukhang hindi nakatulog, namumutla at naluluha? Anyareeee?
Tumayo naman ang gagang si ako at pinahid ang mga luha at uhog sa mukha ko (kahiya eh). Pinagpag ko ‘yung pwetan ko. In short, inayos ko ang sarili ko.
He showed me a bitter or should I call it fake smile, “Sabi ko naman sa’yo ‘di ba? Huwag kang umiyak dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin ka.” Then he hugged me.
Chron? Srsly, wala ako sa mood landiin ka at kiligin. Langya, iniisip ko bespren ko! Pero ‘yung yakap niya, nakakagaan ng pakiramdam. Feeling ko safe ako –Gaga! Umiiyak ka Ericka ‘di ba?? Niyakap ka lang eh =____= Landi!
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Fiksi Remaja"Break na 'yan sa Sabado!"