{ TBUP –74: Yanna }
--Ericka’s Pov--
Para lang akong tanga habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Pucha enjoy na enjoy nga ako eh. May paikot-ikot pa akong nalalaman. Sarap pa lang maligo sa ulan lalo na ‘pag wasak ang puso ‘nu? Ay taena! Absent pala ako sa University! Pakshet! May quiz pa naman kami? Yae na, bukas ko na lang iintindihin. Nanamnamin ko muna ‘tong ulan. Sayang eh :3
Naglakad-lakad lang ako, ewan ko kung saan ako pupunta? Nagiging hobby ko na ‘to ngay! Naglalakad kung saan-saan pero hindi alam kung san pupunta. Nako, delikado! Baka mamaya sa mental na ‘ko mapunta. Huhuhu T^T
Lakad-lakad lang—ay takte! Sino ba ‘tong humigit sa akin ng bonggang-bongga at sobrang sakit?!
Lumingon ako—uyy! Si Psyche ulit? Knight in shining armor talaga ang peg niya eh ‘nu? Haaaay… isa rin ‘to eh. Akala ko siya na rin ‘yung the one kaso ayun nga, anak ng pating ginago ako. Pero ayus na, napatawad ko na siya sa ginawa niya pero wala ng second chance. May natutunan kasi ako, kapag binigyan mo ang isang tao ng second chance, binibigyan mo lang ulit siya ng pagkakataong saktan ka, i-disappoint ka at gumawa ng mali. Hindi uso sa akin ‘yung kasabihang lahat ng tao may karapatang mabigyan ng second chance—para sa akin, ‘yang second chance na ‘yan, la kwents eh. Basta!
“Hi.” Bati ko sabay ngiti.
“Hindi ka naman lasing? Bakit ka ba pagewang-gewang maglakad dito? Halika ka run sa silong!”
Hinila niya ako sa isang waiting shed at pinunasan ako ng panyo niya. Ako? Nakamasid lang sa bawat pagpatak ng ulan. Ganyan ba ako umiyak? Hehehe. Ang dami naman. Halos mabaha na ‘tong lugar eh.
Hindi ko alam bigla na pa lang tumulo ‘yung mga luha ko. Hala! Visible na kasi wala na ako sa ulan! Anlaaaa~! Pigilan mo Ericka gaga ka!
“Umiiyak ka?” Tanong ni Psyche sa akin.
“Ah? Di ah. Ano… ulan lang!” Pinunasan ko ‘yung mata ko syempre.
“I know you Ericka. Kahit naman limang buwan lang tayo sapat na ‘yun sa akin para makilala ‘yang side mong hindi marunong magsinungaling.” Tapos natawa siya ng unti.
Ano raw?! Di ako marunong magsinungaling?! UWAAAA?! Ako?! Tengene! Ako kaya valedictorian ‘dun! Marunong ako oy mga tsong! Itong Psyche na ‘to kung anu-anong sinasabi! Amfff >_________<
“Tell me…” Tapos ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Teen Fiction"Break na 'yan sa Sabado!"