{ TBUP -32: Don't Let Me Go + Enchanted }

467K 8.8K 3K
                                    

{ TBUP –32: Don’t Let Me Go + Enchanted }

--Ericka’s Pov--

 

Well, tuloy pa rin ang buhay. Pumapasok pa rin naman ako at nakikihalubilo sa mga kaklase ko pagkatapos ng break-up namin ni Psyche –wow, ang sakit lang pakinggan. Kung noon natutuwa ako kapag binabanggit ko ‘yang’break-up’ lalo na sa mga hinuhulaan ko, ngayon eh iba. Masakit, sobra. Ngayon ko lang nalaman –mas masakit pala kapag sa’yo na nangyari.

Pero wala, tuloy pa rin ang buhay kahit ganun. Ano pa bang magagawa ko? Alangan namang lumuhod ako sa harapan niya at magmakaawang balikan niya ako? Tsss… asa. Minsan ko ng nilunok ‘yung pride ko pero nauwi lang sa wala tapos gagawin ko ulit? Para ano? Para masayang lang ulit? Taena, wag na.

Hindi lang naman siya ang lalake sa buong planeta ‘di ba? Tyaka hindi ko na rin masyadong nakikita si Psyche sa school… buti naman.

Napangisi ako. Naalala ko kasi si Chron. Si Chron na akala ko eh susuklian din ‘yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya –oo nga, Epiales ‘din siya. Taray lang dahil pareho silang Epiales –parehong manloloko. Chos! Ang bitter ko! Yaan na lang, ganun talaga eh. Pero in fairness ha! Nung kay Chron sobrang ampalaya ko talaga pero ngayon? Wow improving ka na Ericka! Congrats! Tsss…

Pero aaminin ko… masakit pa rin. Syempre. Iniiyak ko na lang ‘to ‘pag gabi tapos naglalagay na lang ako ng eyeliner at mascara para hindi naman masyadong halata ‘tong mata kong maga. Pasalamat na lang ako sa mga umimbento ng cosmetics na ‘yun.

Aish, prom na nga pala mamaya. Ang bilis eh nu? Syempre pupunta ako, kahit wala akong date, so what? Kailan nga ba ng date sa prom? Requirement ba ‘yun para makapagsayaw ka? Tyaka gusto ko ring ipakita run sa mga Anti-Athena Fans Club na wala silang nasira sa akin, na buong-buo pa rin ako, na kahit kunin nila sa akin si Psyche –ako pa rin si Ericka.

Lumapit ako kay Mama habang nanunood ng TV, umupo sa tabi niya sa sofa.

Sumandal ako sa balikat niya, “Mama, epic fail na naman.

Yaan mo na anak. Makakahanap ka rin ng the one mo.” Sabi ni Mama.

Unexpected nga eh. Kasi nung araw na nag-break kami ni Psyche kay Mama agad ako tumakbo. Umiyak ako habang yakap-yakap niya. Kahit alam niyang may pasok siya kinabukasan eh nagpuyat siya para lang i-comfort ako. Huli na nga nung mapagtanto kong hindi pala kami masyadong close ng Mama ko tapos bigla na lang akong magkwe-kwento at magsusumbong sa kanya. Pero bilang Mama ko, wala ‘yun sa kanya. Inalagaan niya ako, pinayuhan. Kaya gagawin ko talaga ang lahat para makabawi kay Mama ngayon.

May date ka sa prom?” Tanong ni Mama.

Date? Seryoso ba kayo? Kaka-break nga lang tapos date? Eh sinong ide-date ko run? Anino ko?” Sarkastiko kong sagot kay Mama.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon