{ TBUP –13: My Girlfriend }
--Chron’s POV--
Kasama ko si Selene ngayon sa bahay nila. Nung nalaman ko kasi na nagkasakit siya, umuwi ako kaagad kahit na gusto ko pang mag-stay sa Davao kasi maganda ‘yung lugar. Mas pinili ko si Selene kesa sa Davao. Malamang, sino bang girlfriend ko?
“Sinabi ko na sa’yong alagaan mo ‘yung sarili mo habang wala ako ‘di ba? Nawala lang ako saglit tapos ito na! Selene naman, mamatay ako sa takot sa’yo eh.” Sermon ko kay Selene na kanina pa ngiti ng ngiti kahit kanina pa ako nagagalit sa kanya. Haay, oo na! Hindi ko na ma-resist ang charms mo. Ginagamit na naman kasi niya ‘yung charms niya para patigilin ako sa kakasalita.
“Hindi ko naman pinabayaan ang sarili ko. Nagkataon lang na nadali ako ng sakit. Tyaka, lagnat lang naman ‘yun.” Tapos ngumiti ulit siya.
Napabuntong hininga na lang ako, “Sa susunod, please. Mag-dobleng ingat ka naman.”
“Yes Sir!” She attentively answered. Tapos bigla na lang niya akong hinalikan sa pisngi at sinabing, “I love you!”
Napangiti na lang ako. Nakaka-alis kasi ng pagod ‘tong si Selene eh, “I love you too.”
“Chron!! Quality time, please?” Nag-puppy eyes siya. Nagpapaawa. Ang cute cute niya ngang tignan eh. By the way, pinalitan na namin ‘yung salitang ‘date’ ng quality time. Hahaha! Para raw unique.
“Sure. Saan?”
“Sa labas.” Maiksi niyang sagot.
Nag-oo na lang kahit hindi ko alam kung saang labas. Kaya ito kami, naglalakad sa high way. Ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Sinundan ko lang si Selene.
“San ba tayo magqua-quality time?” Tanong ko sa kanya.
“Quality time na nga ‘tong paglalakad natin eh.” Sagot niya sabay ngiti.
Ah so sa daan kami magqua-quality time? Okay. Gets. Ibang klase talaga si Selene kahit kailan. Napaka-kakaiba. One of a kind ika nga.
She broke the silence, “Naalala ko tuloy nung first year tayo. Totoy ka pa lang nun eh.” Tumawa siya ng mahina, “Hindi ka pa madaldal tapos mukha ka pang nerdy.”
“Pero hindi ako nerd ha!” Depensa ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Fiksi Remaja"Break na 'yan sa Sabado!"