{ TBUP –69: Long Lost Sister }
--Ericka’s Pov--
Halos isang oras na akong nakatayo sa tapat ng pinto ni Colosseus. Eff naman eh! Alam niyo bang kagabi pa hindi kumakain ‘yan?! Hindi pa nga raw siya lumalabas ng kwarto niya eh! Taena nga baka kung ano nang nangyari sa kanya! Nakakainis! Nakakakonsensya! Nakakalungkot! Nakakamiss siya :3
Kanina pa ako katok ng katok dito. Dala-dala ko kasi ‘yung breakfast niya pero hindi naman niya binubuksan ‘yung pinto! Aish! Malamang galit ‘yun sa akin nang dahil sa ginawa ko. Kung hindi naman kasi ako tanga. O ayan ha? Inamin ko ng tanga ako! Isa akong malaking T-A-N-G-A! Pakawalan daw ba si Colosseus? Huhuhu T^T Sorry naman! Naging impulsive ako! Sorry kung hindi ako nag-isip kaagad. Nakakainis!
Kumatok ulit ako sa kwarto ni Colosseus.
“Uyyy~ ” Tawag ko.
Tapos biglang bumukas ‘yung pinto niya! OYES! Tagumpay! Nyehehehe :3 Shit ang pogi pa rin niya!
Gustong-gusto ko siyang yakapin pero alam niyo naman, may away pa kami =__________=
“Colo—”
Bigla niya akong hinila sa loob ng kwarto niya tapos ni-lock ‘yung pinto! Shit, namimiss ko talaga ‘tong mga ganitong kaganapan sa pagitan naming dalawa! Huhuhu T^T Sana mapatawad na niya ako!
Nakatingin lang siya sa akin. Yung mata niya kasing lamig pa rin ng ice. Aish! Nakakamiss kaya ‘yung mga sweet lines niya! Nakakainis!
“Sorry…” Sambit ko sabay yuko.
Napangisi siya.
“It’s easy to say you’re sorry, but you know what’s the hardest?” Cold niyang tanong, “The fact that you can’t repair the damage that you’ve left.”
Oo nga naman. Tama naman si Colosseus. Pero maayos pa naman namin ‘to ‘di ba? Mahal ko pa rin naman siya, ganun din siya sa akin. Pwede pa rin naman kami… kahit patago <///3
Hindi ko makatingin sa mga mata niya –bumalik ata ‘yung takot ko sa mga matang ‘yan. Yung mga matang kasing lamig ng yelo. Yung mga matang nagsasabi sa aking, “ayoko sa’yo.”
“Sorry. Sorry kung… hindi ako nag-isip bago ako nag-desisyon. Sorr—”
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Fiksi Remaja"Break na 'yan sa Sabado!"