{ TBUP -10: Flashbacks }

675K 13.5K 4.4K
                                    

{ TBUP –10: Flashbacks }

 

 

 

--Chron’s Pov--

 

 

 

Grabe talaga ‘yung kapatid kong iyon. Pati ex-girlfriend ko pinapatos pa ata niya. Haay! Psyche will always be Psyche!  Pero hanggang ngayon, shock pa rin ako! Alam mo ‘yung feeling na hinalikan ng kapatid mo ‘yung ex-girlfriend mo sa mismong harapan mo?!

Alam mo ‘yun? Gusto kong ibalibag sa lamesa si Psyche? Aish! Ewan ko! Siguro naiinis lang ako kasi feeling ko pinaglalaruan ni Psyche si Ericka =_________=

Palagi namang ganun si Psyche eh. Mahilig paglaruan ang iba, lalo na ang feelings nila. ‘Yun nga ang dahilan kung bakit kami nag-away.

Okay, let me take you to the old days…

//Flashback//

 

Si Selene, first year kami nung makilala ko siya. Kaklase ko kasi siya sa Zxcvbnm High School [ZHS] dati. Parehas kaming section one. Naging magka-seatmate kami dahilan para mas maging close kami sa isa’t isa. Palagi kaming nagtatanungan about sa subjects namin. Nagsha-share din kami sa isa’t isa ng secrets at problems namin. Parang best friends kumbaga, pero wala kaming tawagan na ganun.

Palagi rin kaming sabay kumain every lunch tapos palagi ko rin siyang kasama kapag nagme-meryenda. Talagang as in close na close kami. It’s like we only know each other here in ZHS. Wala kaming pakialam sa iba though nagkakaroon na ng mga chismis about us na nagda-date daw kami, hindi namin pinansin ‘yun. Because we’re enjoying each other’s company.

Isang araw nagising na lang ako na mahal ko na siya. Sinubukan kong pigilan ‘yung nararamdaman ko para kay Selene dahil ayokong magbago kung ano man ‘yung meron sa amin ngayon. Ayokong lumayo siya sa akin kapag sinabi ko sa kanyang mahal ko siya.

Kaya minabuti kong manahimik. Hanggang sa isang araw, mag-confess sa akin si Psyche na gusto niya si Selene. Section 3 kasi si Psyche noon kaya hindi niya kami kaklase.

I really like Selene dude! Di ba section 1 ka? Eh ‘di ibig sabihin kaklase mo siya?! Please Chron! Help me to get her! Please!” Pagmamakaawa sa akin ni Psyche habang gumagawa ako noon ng assignment.

Natakot ako sa sinabi ni Psyche. Kilala ko kasi siya eh. Alam kong kung ano ang gusto niya, nakukuha niya and eventually, he’ll get Selene. Pero paano na ako? Mahal ko si Selene pero kapatid ko si Psyche?

Please? Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa’yo! Chron naman!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon