{ TBUP –38: Colosseus & Athena }
--Ericka’s Pov--
“Anong ibig sabihin nito?!” Sabay na tanong nila Mama at Tito Sev.
Waw sabayang pagbigkas ba itey? Choric speech? Chos! Nung una eh nagtaka ako kung bakit ‘yun ang tinanong sa akin mudrakels at ni pyutyur pudrakels pero nang tumingin ako kay Colosseus eh doon ko na na-realize na nasa masagwa pala kaming posisyon.
Ang aking walang kamuwang-muwang at inosenteng mukha ay lumabas na manyakis at uhaw sa laman. Taena ako pa kasi ang nag-uunbotton! Parang… err? Yuck lang talaga kung makitid ang pag-iisip mo. Baka nga isipin pa nila Mama na hinahalay ko ‘tong pyutyur kafated ko. Kahit naman mukha siyang kahalay-halay eh hindi ko ‘yun gagawin.
Hindi masarap ang pini-pwersa, dapat dahan-dahan :””>
Putrages kung ano-anong lumalabas sa bibig ko! Paki-tape nga! Bullsht lang.
Ay teka, I need to explain pa pala *sigh*
“Hi!” Sabi ko with matching kaway pa.
“B-Bakit—” Pinutol ko kaagad ‘yung itatanong ni Mama.
“Ops!” Sabi ko sabay pwesto ng palad ko sa harap nila, ‘yung parang nagsasabi ng “stop” ngay? “Wala po kaming ginagawang masama! Tinutulungan ko lang siyang magbihis kasi nga po,” Itinaas ko ‘yung kamay ni Colosseus na naka-benda, “dahil sa katangahan niya eh pinagtripan niya po ‘yung pader, ginawang punching bag.” Ngumisi ako at tumingin sa nanlilisik na mga mata ni pyutyur kafated, “At ito po,” Sunod kong itinaas ‘yung kamay niyang may pilay, “dahil ulit sa katangahan niya eh naitukod niya nang maitulak ko siya kasi—” Napatigil ako.
“Kasi?” Tanong ni Tito Sev.
Sasabihin ko bang ang lapit-lapit niya sa akin kanina? Sasabihin ko bang may free taste si Colosseus kanina? Free taste mismo ng katawan niya? Sasabihin ko ba ‘yun?! Eh ‘di baka mas lalo silang mag-isip ng masama! Tyaka baka isipin nila na sinungaling ako at talagang may plano nga akong halayin siya bago pa sila dumating! Omegesh! Kailangan mong mag-isip Ericka! Ito ang tamang panahon para magpaka-Jimmy Neutron ka!
Isip! Isip! Isip! Isiiiiiiiiiiiiiiip!
BRAIN BLAST! –lol xD
“Eh kasi po, tinulak ko po siya kasi nagtatago po siya sa likod ko kasi takot siya sa horror! Kanina po kasi eh hinahanggan ko ang kagandahan ni Shomba tapos bigla siyang natakot. Hindi naman nakakatakot ang kagandahan ni Shomba ‘di ba po?” Sabi ko sabay ngiti ng sobrang lawak. Hehe, sana maniwala sila. *cross-finger*
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Подростковая литература"Break na 'yan sa Sabado!"