{ TBUP -56: Owe }

431K 7.9K 2.1K
                                    

{ TBUP –56: Owe }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

POV ko na naman? Baka magsawa ‘yung mga tao nyan! Hala! Pero sa bagay, ako nga naman ang bida. Mwehehehe :3

By the way, high way, tawa pa rin ako ng tawa rito sa loob ng kotse ni pyutyur kafated. Hindi ko mapigilan eh. Hindi ako pinapansin ni Colosseus pero alam ko sa loob-loob niya eh ilang beses na niya akong tinawag na ‘baliw’. Napaka-epic fail kasi nung mukha ni Psyche eh! Sht! Ang galing mo talaga Ericka! Kaya ka gumaganda lalo eh! xD –Anong konek? :)))))

Ang ingay mo.” Komento ni Colosseus.

Yun lang naman ang hinihintay ko eh! Eh ‘di sinaway niya rin ako! Hihihi!

Wala lang. Masama bang matuwa? Hahahahaha!

Tsss… mukha kang tanga.

Alam ko! At least masaya! Mwhahahaha!

Kung pwede lang akong magpa-party sa buong Pilipinas dahil sa tuwa eh kanina ko pa ginawa. Tangina! Panalo eh! Panalo ako!

Ay teka! Naalala kong late pala si Colosseus ng pagsundo sa akin! Hayuup din ‘to eh! Kung maaga lang sana siya eh ‘di sana ‘di na ako nakausap nung gago! Bwisit lang =_____=

Bakit ba ang tagal mo kanina?” Tanong ko.

Mukhang nage-enjoy ka eh.” Nage-enjoy?!

Ibig sabihin… nandun na siya kanina pa?! At talagang nanuod pa ang loko?! Pucha! Ilang beses kong pinagdasal na dumating na siya ‘yun pala pinapanood niya ako habang hinihila-hila nung Psyche na ‘yun?! Watdapak! I HATE YOUUUUUUUUUUUUU~!!

Sht! Nakakainis ka, alam mo ba ‘yun?!

Hindi.

Aish! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko naging kras ‘to! Kung bakit… arggh! Akala ko okay na kami eh! Yun pala hindi ko siya maaasahan sa oras ng pangangailangan?! Paano na lang kung kinidnap ako nung Psyche na ‘yun? Hindi pa rin siya darating?

Pero on the second thought…

Dumating siya. Dumating siya nung hinila ulit ako nung gago. At least dumating pa rin siya ‘di ba? Pero naman eh! Sana naman inagahan niya! At sana naman hindi na siya nanuod pa! Anong akala niya sa amin teleserye?! Nakakaasar lang! >___________<

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon