{ TBUP -62: Design }

411K 9.2K 5.5K
                                    

{ TBUP –62: Design }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

May gusto ka  ba kay Zico?” Tanong ni Mama sa akin.

Ano raw? Ako? May gusto? Kay Zico? Kay Colosseus? Talaga bang dinibdib ni Mama ‘yung tanong ko?! Waw lang ha! Tanong nga lang ‘yun eh! Ang linaw ng pagkakasabi ko!! Tanong lang  ‘yun! Buti sana kung sinabi kong, ‘Uy Mama inlab ako kay Colosseus.’ Pero hindi eh! TANONG LANG KASI ‘YUN!!

Bakit ba hindi maka-get over si Mama at talagang itinanong pa niya sa akin ‘yan! Kagaguhan naman eh!

WALA AH!!” Sagot ko.

Alangan naman na sabihin kong meron eh wala naman talaga?

Weh? Wala nga ba talaga?

Ay sht. Ano ‘yun? Konsensya ko ba ‘yun?! Tangina ha! Pero ewan ko! Ang alam ko, wala talaga! Atyaka magiging magkapatid na kami! Paano ko kaya magugustuhan ang isang taong alam kong magiging kapamilya ko na?! Like duuh! MAMA NAMAN EH! Hindi makaintindi ng tanong >______<

Sigurado?

Aish!! Napupuno na ako! Sinabi ko na ngang wala eh! Ano pa bang kailangan kong gawin para maniwala si Mama na wala talaga akong gusto kay Colosseus?! Mag-boypren ako ng iba?! Well then, fine with me! Pero syempre hahanap muna ako ng matino ‘nu! Langya nemen eh!

Mama kasi huwag mong dibdibin ‘yung tinanong ko sa’yo! Tanong lang ‘yun at hindi ko sinabing totoo!” Sabi ko.

Tyaka kung totoo man, kung sakali na may gusto nga ako kay Colosseus, hay nako, sa tingin niyo sasabihin ko kay Mama?! Ano ako epal? Tanga? Psh! Ayokong saktan si Mama! Ayokong umepal sa labtim nila ni Tito Sev! Ayokong kapag sinabi kong meron nga (kung sakali) eh magparaya siya para sa akin. Ayokong isakripisyo niya ‘yung sarili niyang kaligayahan para lang sa akin! Kasi kung meron mang mas deserve sumaya rito, si Mama ‘yun at wala ng iba!

Okay,” napabuntong-hininga si Mama, “akala ko kasi…

Tumayo na ako at lumapit sa kanya. Hinagod ko ‘yung likuran niya.

Mama, alam mo kasi, mataas ang standards ko sa mga lalake! Si Colosseus?! Ayna! Hindi ata pasado ‘yun sa akin eh! Bukod sa masungit na ang bipolar pa! Mama naman! Sa tingin niyo ba gugustuhin kong magkagusto sa mga ganung klase ng tao?” Sabi ko kay Mama.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon