{ TBUP –53: Long Night }
--Psyche’s Pov--
“…strangers, Psyche.”
“…strangers”
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko ‘yung sinabi ni Ericka. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin ‘yun sa utak ko, sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.
Sabi ko sa sarili ko dati hindi ko na siya hahabulin pero nang makita ko siya noon sa mall? Nung nakita ko ‘yung ngiti niya –alam ko kaagad na peke ‘yun. Alam ko kaagad na nagpapanggap siya… na nasasaktan pa rin siya… na mahal pa rin niya ako.
Akala ko rin dati sumuko na ako pero iba talaga ‘pag gusto ng puso mong sundan siya. Iba talaga kapag inutusan ka ng puso mong bawiin siya ulit. –Ah teka mali, ‘bawiin’? Kanino naman? May nagmamay-ari na ba sa kanya? Wala pa naman ‘di ba? Ako pa rin naman… ‘di ba?
Sana…
Hindi ko rin kasi makalimutan ‘yung lalakeng nakita ko sa sakayan nung bus nung isang gabi. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong may mali –may mali sa pagitan nilang dalawa. Oo, aamin kong nagseselos ako. Sino ba namang hindi magseselos kapag nakita mo ‘yung babaeng mahal mo habang may kasamang iba ‘di ba? Kahit sabihin niyang ‘wala lang’ ‘yung lalakeng ‘yun, ayokong maniwala. Mamaya nililigawan na pala siya nung lalakeng ‘yun?
Taena gwapo pa naman! Pero syempre… mas gwapo ako!
Alam ko namang naging gago ako eh, alam kong nasaktan ko si Ericka, alam kong tarantado ako pero pinagsisihan ko ‘yun. Pinagsisisihan kong humanap ako ng iba, pinagsisisihan kong binaliwala ko si Ericka, pinagsisisihan kong nakipaghiwalay ako sa kanya at pinagsisisihan kong hindi ko siya kaagad hinabol pabalik sa akin.
Pero hindi pa naman huli ang lahat ‘di ba?
Hindi pa naman huli ang lahat para sa akin… para sa amin…
Kaya eto na nga, napagpasiyahan ko na liligawan ko ulit si Ericka. Babalikan ko siya. Paiibigin ko ulit siya. Babalik kami sa dati, babalik kami sa mga panahong masaya kami –kaming dalawa lang. At ipinapangako kong kapag binigyan niya ulit ako ng isa pang chance –magbabago na ako, hindi na ako magpapakagago. Mamahalin ko na lang siya ng mamahalin, tama, ganun na lang.
Babawiin ko siya sa kung sino mang may ari sa kanya ngayon.
--Ericka’s Pov--
Aish! Bakit ba ako nagbabasa ng libro?! Di ko naman hilig ‘to ah! Tangina itatapon ko ‘to! Pucha, sino ba kasing nagsabing magbasa ako ‘di ba? Eh kasi naman, tanginang boredom ‘yan! Bakit kasi wala na naman si Mama?! Palagi na lang eh! Date, date, date! Puro date! Di ba sila nagsasawa ni Tito Sev sa pagdi-date?!
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Teen Fiction"Break na 'yan sa Sabado!"