{ TBUP -55: If you ever come back }

413K 8.1K 2K
                                    

{ TBUP –55: If you ever come back }

 

--Ericka’s Pov--

 

Tae! Akala ko ba sa UP mag-aaral ang dalawang Epiales? Well, wala namang kaso sa akin kung dito mag-aaral si Chron pero si Psyche! –Tangina naman, bakit pati si Psyche?! Hindi dahil sa hindi pa ako naka-move on kaya ayaw ko siyang mag-aral dito, ang sa akin lang –EX KO SIYA! At napaka-akward naman kung  nasa iisa kaming University ‘di ba?

Oo, si Chron ex ko rin at magkaklase pa kami pero iba si Psyche eh! Iba siya dahil oo, minahal ko siya ng sobra. Iba siya dahil mas gwapo siya kaysa sa kuya niya (chos!). Iba siya dahil NILOKO NIYA AKO! And for that? Well, putangina mong Psyche Epiales ka!

Nung una nakatingin lang kami sa kanila. Nakatingin ako kay Psyche habang papalapit sila. Though hindi nila kami makita kasi nasa sulok kami eh bigla na lang tumama sa akin ‘yung tingin ni Psyche. Pucha!

RUN DEVIL RUN!

Teka, ‘di ako kumakanta ng Run Devil Run ng SNSD dahil literal na tumatakbo ako talaga ako! Pakshet! Bakit kailangan niyang dito mag-aral?! Tahimik na ang buhay ko, naka-move on na ako! I repeat, NAKA-MOVE ON NA AKO! At ayaw ko siyang makita hindi dahil affected pa rin ako sa kanya kundi dahil ayokong guluhin niya ulit ako. Ayoko nang magkaron pa ng kahit anong koneksyon sa kanya kasi sawang-sawa na ako. Ayoko nang makausap siya kasi ‘yung pagtataksil niya lang ang naaalala ko!

Ayoko nang ligawan niya ulit ako –dahil baka mahulog na naman ako sa kanya.

At anong kasunod? Lolokohin lang din niya ako.

Hindi kasi ako naniniwala run sa second chance eklabu. Oo dati naniniwala ako pero simula nang lokohin ako ni Psyche, ayoko na.

Kapag binigyan mo kasi ng second chance ang isang tao parang binibigyan mo rin siya ng isa pang pagkakataon para saktan ka ulit. Oo, aayusin niya ‘yung gulong iniwan niya pero gagawa at gagawa ulit siya ng isa pang bagay na ikasasakit ng damdamin mo. Bakit? Nagawa niya na nung una ang saktan ka, hindi malabong gawin niya ulit. Sometimes, people do bad things towards the person who loves them just to prove that they’re very special to be forgiven. In tagalog, gumagawa ng kasalanan ang mga tao sa mga taong nagmamahal sa kanila, para lang mapatunayan at para lang maipagmayabang na masyado silang espesyal sa taong ‘yun para makamit ‘yung kapatawaran.

Kaya ayoko na. Ayoko na kay Psyche.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ang gaga ko ba? Bakit ako tumatakbo?! Zombie ba si Psyche? Lels, gwapong zombie? Teka nga kasi! Bakit ako tatakbo? Hindi ako takot kay Psyche ha! Kaya aish! Bakit ako tatakbo?

Back to normal! Hayaan mo siyang magsawang habulin ka Ericka! Hayaan mo siyang maramdaman ‘yung sakit na pinaramdam niya sa’yo. Hayaan mo siyang masaktan nang hindi dahil sa kagagawan mo, kundi dahil sa sarili niyang kapabayaan. Hindi ako maghihiganti, bakit pa? Baby karma will take care of it! ;)

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon