{ TBUP -30: Doubts }

446K 8.4K 2K
                                    

{ TBUP –30: Doubts }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Nakalipas ang ilang weeks simula nung ibalita sa akin ni Psyche ‘yung pagsali niya sa isang dance troup dun sa school namin. Nung mga unang weeks and days okay naman, palagi niya akong iniimbitahang manood pero nang dahil na siguro sa wala akong kasamang manood kasi busy si Carmeen sa boyfriend niya eh hindi ako natutuloy. Mga tatlong beses nga lang ata ako nakapanood ng practice nila. Well, Psyche is good in dancing and you can see how dedicated he is. Passion niya siguro ang pagsayaw noon pa lang. Parang ako lang, passion ang pagiging break-up planner. Mwhahaha!

And weeks passed, we’re in the last week of January nang tumigil na si Psyche sa pag-imbita sa akin sa mga practice nila. Noon kasi kahit alam niyang hindi ako pupunta tinetext niya pa rin ako, pero ngayon wala na. At oo, sa text na lang kami nag-uusap. Ewan ko ba dahil nagiging busy na talaga siya dyan sa dance troup niya. He even ditched his classes para sa mga practices nila. Ako naman, walang panahon para makausap siya. Palagi siyang nasa gym or kung hindi naman sa gym sa place ng mga kabarkada niya. Kaya sobrang madalang –I mean, hindi na talaga kami nag-uusap. Hindi niya na rin ako hinahatid-sundo sa bahay namin. Siguro last na hinatid niya ako eh nagmamadali pa siya nun. Sht lang.

Palagi ko siyang tinetext pero walang reply, pati sa tawag wala rin. Well… busy na talaga siguro siya.

But what the hell?! I’m his girlfriend for Pete’s sake! Kailangan niya akong bigyan ng oras! Kahit 10 minutes man lang! Pero wala eh! Wala talaga! Two weeks without communication? I can really smell something fishy!

Tinanong ko rin si Chron tungkol sa kapatid niya pero hindi naman daw niya alam kung anong nangyayari kay Psyche. Late na raw kasi siyang dumadating sa bahay nila at hindi na rin sila nag-uusap.

What’s happening to him?!

Ngayon, lunch break. Usually sabay kaming kumakain sa canteen pero ngayon? Wow ha, parang hindi niya ako girlfriend! Nasa kabilang table lang siya kasama na naman ‘yung mga ka-group niya at kumakain. As in katabing-katabi lang ng table namin ni Carmeen ‘yung table nila but he didn’t dare to look at me! What the fudge!

Gusto ko na sanang puntahan siya sa lamesa nila para makausap kung ano na ba talagang nangyayari sa amin pero pinigilan ako ni Carmeen.

Let go of my hand Carmeen!

Calm down ATHENA. Huwag ka na ulit gumawa ng gulo rito!” Sabi ni Carmeen habang hawak ang kamay ko ng sobrang higpit para hindi ako makalapit sa table nila Psyche.

Sht naman! Hindi ako manggugulo! Kakausapin ko lang siya! Di ba ang isang relasyon dapat may communication? Communication is the most important in a relationship at ikaw na rin mismo ang nagsabi nun, but look at us now Carmeen! Look at us now! Parang wala na kami eh!” I said.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon