{ TBUP –17: Into the New World }
Nakakainis ‘yung jeep na sinakyan ko!! Bwisit! Ang poorita ko na nga tapos hindi pa ibabalik ‘yung sukli ko? Akala niya siya lang ang naghihirap?! Putangina!
“Bat lukot-lukot ‘yang mukha mo?” Tanong agad ni Psyche sa akin na nakatayo sa harap ng pintuan ng classroom namin.
“Bwisit kasi ‘yung jeep na sinakyan ko. Hindi man lang binigay ‘yung sukli.”
“Bat kasi hindi mo kinuha?” Sabi niya sabay akbay sa akin habang naglalakad ako papasok ng room.
“Eh kasi late na ako! Atyaka responsibilidad niyang ibalik ‘yung sukli ko kahit hindi ko sabihin! Ano nang pinagkaiba niya sa magnanakaw?” OA na kung OA! Naiinis lang talaga ako ngayon!
“Easy lang…”
Paano ako magiging easy eh saying ‘yun! Pera ‘din ‘yun nu! Pwede ko ‘yung pangkaen! Tae talaga! Atyaka napuyat pa ako kagabi para lang magawa ‘yung homework namin sa Math ‘yun pala bukas pa ipa-pass! Bwisit talaga! Palagi na lang akong malas sa buhay ko!
“Psyche, kayo na?” Tanong nung isang chismosa naming kaklase.
Kami ni Psyche? Seriously? Mukha bang kami?
Tinignan ko ng masama ‘yung babaeng nagtanong tapos inalis ‘yung pagkakaakbay sa akin ni Psyche.
“Ha?” Kinamot ni Psyche ‘yung batok niya, “Hehe. Hindi pa naman.”
Ano?!
Ibinaling ko ang death glare ko kay Psyche, “Anong ‘PA’?!”
“Ah –I mean, hindi. Hehe. Sige ha, upo na ako.” Sabi niya run sa babae tapos pumunta na siya sa proper seat niya.
Masyadong assuming? Porket nakakuha ng pagkakataong lamugin ang labi ko kami na agad? Hindi ba pwedeng manligaw muna?!
Shit! Nakakainis namang epekto ni Psyche >_____<
Umupo na ako sa proper seat ko, tapos biglang pumasok si Chron at dali-daling umupo sa proper seat niya na katabi ko.
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Jugendliteratur"Break na 'yan sa Sabado!"