{ TBUP –44: Selfish }
--Zico’s Pov--
“Mommy…”
Nakaramdam ako nang tuwa sa pagtawag ni Mommy sa akin. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakapag-usap at walang komunikasyon. Kahit alam kong tumatawag lang siya kapag may kailangan siya –still, masaya pa rin ako.
(“How are you, son?”)
Napangiti ako. Si Mommy, si Mommy na lang ang nakakapagpasaya at nakakpagpangiti sa akin ng ganito.
“Doing great. Kayo Mommy? Kamusta?” I asked.
(“Well, I miss you. But… how about our plan, Zico?”)
As expected from my Mother. Alam kong itatanong niya ‘to. Oo, matagal na naming plinano ni Mama ‘to. Napagkasunduan naming tutulungan namin ang isa’t isa para hindi makapagpakasal si Daddy sa iba. Para maayos pa ni Mommy kung anong meron sa kanila ni Daddy. Mahal na mahal ni Mommy si Daddy pero wala lang pakialam si Daddy dun. Ang iniisip niya, mahal lang siya ni Mommy dahil sa pera niya.
Pero mali siya. Maling-mali siya. Mahal siya ng Mommy ko. Higit pa sa buhay niya.
“Ginagawa ko ang lahat Mommy.” I answered.
(“I’m sorry. I’m sorry if you’re facing that alone. Alam mo namang ayaw akong makita ng Daddy mo ‘di ba? Alam mo naman ‘yung nangyari nung huli akong nagpakita sa kanya.”)
Yeah. Muntik nang mapatay ni Daddy si Mommy. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Daddy sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sukdulan na lang ang pagkamuhi niya sa Mommy ko. Kahit minsan ba, hindi niya ito minahal? Kahit… para lang sa akin?
“Okay lang Mommy, I understand. Just take care.”
(“Thank you, Zico. So, ano nang nangyayari kay Athena?”)
Napakagat ako sa lower lip ko. Athena… Athena is a girl. A girl that reminds me of her. How can I accomplish the plan? Mabuti sana kung lalake ‘yung anak nung bagong mapapangasawa ni Daddy. Mas magiging madali sana kung lalake dahil anytime pwede ko siyang takutin, bugbugin or whatever.
But no… she’s a girl.
And when It’s a girl… I have to make her believe that I love her. And that’s a sht.
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Novela Juvenil"Break na 'yan sa Sabado!"