{ TBUP -50: Sushi }

430K 8.2K 2K
                                    

{ TBUP –50: Sushi }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Party?

Magpapa-party kasi si Tito Sev. Bakit? Celebration daw ng paglipat namin tapos engagement party nila ni Mama. Odiba bonggacious? Kaya pala nagmamaasim na naman ‘tong si pyutyur kafated eh. Walanghiya sinusumpong ng mood swings? But I don’t care. Basta masaya si Mama, wala akong pakialam sa kanya.

Pero nalulungkot kaya siya? Kasi nga ‘di ba, gusto niyang mabuo ‘yung pamilya niya tapos ngayon… wala na… ngayon… baka hindi na matuloy. Kasi ikakasal na talaga sila ni Mama at Tito Sev.

Pero bakit ko naman ipagpapalit ‘yung kasiyahan ng Mama ko para lang sa kasiyahan niya?

Minsan, kailangan mong maging selfish, hindi para sa sarili mo pero para sa taong mahal mo.

Teka nga’t makapag-ready na lang. Kailangan ko pang pagandahin ‘yung sarili ko. Kahit naman dyosa na ako eh dapat mas maging dyosa pa ako. Malay niyo makahanap ako ng papables :””>

--Zico’s Pov--

 

Psh. Hindi ako sanay manahimik na lang sa isang tabi. Nasanay na akong may ginagawa para hindi matuloy ‘yung kasal ni Daddy kaya labis akong naninibago ngayon. Nakakainis! Hindi ko maiwasang isipin si Mommy. Hindi ko maiwasang isipin na habang nagsasaya si Daddy kasama ang iba si Mommy… nahihirapan… nasasaktan.

Bakit kasi bigla na lang sumuko si Mommy. Pwede pa naman kaming mag-isip ng iba pang paraan para hindi matuloy ‘yung kasal ah! Nang dahil lang ba sa hindi ko kayang gawin ‘yung dati susuko na siya?

Hindi. Kailangan kong makausap si Mommy.

Naka-ilang rings ang phone ni Mommy tyaka niya ‘yun sinagot. Nakalimutan ko, umagang-umaga sa America malamang eh naistorbo ko ang tulog ni Mommy.

(“Zico?”) Si Mommy.

Mommy… you sure? Susuko ka na ba talaga?” Agad kong tanong sa kanya.

(“Yes. Susuko na tayo. Ang dami ko nang nagawa anak, and I think it’s about time to give up. Ayoko nang habulin ang Daddy mo. Hindi nga matutuloy ang kasal, pero hindi na siya babalik sa akin. Hindi niya pa rin ako mamahalin.”)

Bakas ang lungkot sa boses ni Mommy. Napapaisip tuloy ako kung ilang beses siyang umiiyak sa isang araw. Kung gaano siya nasasaktan. Kung gaano siya nalulungkot. Naiinis ako. Ayokong nasasaktan si Mommy. Gusto ko, masaya siya.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon