{ TBUP –70: Selene }
--Ericka’s Pov--
T-Teka! Si Selene ba ‘yun?! Weh?! Di nga?! Seryoso?! Tangina anong nangyari run sa anghel?! O________________O Bakit naging… bakit biglang naging mukhang demonyita! Tignan niyo nga o! Dati sobrang inosente, ang simple-simple, sobrang hinhin, hindi makabasag pinggan! Pero bakit ngayon parang nag-evolve na siya?! Gaash! Ano bang nangyayari sa mundong Earth?!
Kahit manghang-mangha pa ako lumapit na ako sa table kung nasaan si Selene habang umiinom ng iced tea. Grabe talaga! Para na siyang ibang tao! In fairness, gumanda siya! Pero syempre mas maganda ako! DYOSA KAYA AKO!
“Hello there!” Bati niya sa akin habang nakangiti ng… teka? Bakit parang pati ‘yung ngiti niya iba na? Alam niyo ‘yung parang ngiti na may balak na masama? Oo masamang mag-judge pero… iba talaga eh!
“H-Hello?” Bati ko naman pabalik.
“Upo ka.” Tapos ngumiti ulit siya. “Ano bang gusto mong—”
“Ano bang sinasabi mong long lost sister, ha?” Eh ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa eh. Tyaka kating-kati na akong malaman! Pag eto talaga tino-troll lang ako sisipain ko ‘to pabalik ng Japan!
Nag-smirk siya, which is nakakagulat para sa akin. “Excited much?”
“Hah! Niloloko mo ba ako?! Sasabihin mo ba o hindi?!”
“Relax! Yan ka na naman eh. Ang init na naman ng ulo mo…” Tapos uminom ulit siya ng iced tea, “Hindi ka ba, nacu-curious sa Ama mo?”
Ama ko? Psh. Curious? Alam niyo bang sa kanya lang ako hindi na-curious? Wala namang kwenta ‘yun eh! Bakit pa ako macu-curious? Tengene. Ano pang dapat kong malaman sa kanya eh wala naman siyang kwenta? Di naman ako magkakaron ng interes dun eh! Ipinganak ako ng wala siya kaya ililibing din ako ng wala siya!
“Paki ko ‘run?” Mataray kong sagot.
“Sigurado ka? Ayaw mo ba siyang makita man lang? Makasama?” Ang taray talaga nito ngayon! Nakakapanibago. “Buuin ang pamilya ninyo?”
Putangina. Buuin ang pamilya?! Anong pamilya?! Anong niyo?! Di naman siya kasama run ah! Simula’t sapul pa lang hindi na siya kasama sa pamilya NAMIN ni Mama! Iniwan niya kami nung nasa tyan pa lang ako ni Mama! Oo, nagplano siya ng pamilya kasama si Mama –siya nga nagbigay ng pangalan ko kahit hindi pa nila ako nagagawa nun eh pero nung nabuntis niya si Mama? Anong ginawa niya?! Tinakbuhan niya! Gagawa-gawa ng tao ‘di naman kayang panindigan! Putanginang ‘yan walang kwentang tao!
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Novela Juvenil"Break na 'yan sa Sabado!"