{ TBUP –60: DOTA }
--Psyche’s Pov--
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gusto kong pumatay ng tao sa nakikita ko? Si Ericka? Namumula? Sa harapan nung Zico? Tangina ha! Ano bang nangyayari sa pagitan nilang dalawa?! Gusto kong malaman… may dapat ba talaga akong ipagselos sa kanilang dalawa? Huli na ba ako? Si Zico na ba ang pumalit sa pwesto ko sa puso ni Ericka? Siya na ba?
Saktong papunta sa building kung nasaan ako si Zico. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinarap ko siya sa corridor. Kailangan sa kanya mismo manggaling. Ayaw sabihin ni Ericka kung anong meron sa kanila eh, ‘di sa kanya ko na lang itatanong. Hindi naman siguro itatanggi ni Zico kung mahal niya nga talaga si Ericka ‘di ba?
Hinarangan ko siya,
“Colosseus Zico Zarte, pwede ba kitang makausap?” Tanong ko rito.
Ngumisi siya. Tangina, hindi ko talaga alam kung bakit ang init ng ulo ko sa gagong ‘to! Siguro nga kasi nakikita ko silang dalawa ni Zico palaging magkasama. Minsan nga sabay pa sila eh. Ayun sa mga chismis, tangina ang bading ko na! Naniniwala na ako sa chismis eh! Pero nevermind, ayun sa mga naririnig ko sa tabi-tabi, eh magiging magkapatid daw silang dalawa ni Ericka. So ayun, medyo nabawasan ‘yung pangamba ko na magiging sila. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na palagi silang magkasama. Tapos pag minsan sweet pa sila. Di kaya magka-develop-an ‘yung dalawa lalo na’t hindi sila blood related?
Aish! Nakakaselos lang talaga! Bad trip!
“Stalker ka ba? Di kita kilala.” Tapos nilagpasan niya lang ako.
Tangina! Stalker daw ako?! Ang gago lang! Sino naman siya para i-stalk ko?! Anong akala niya sa akin bading na may gusto sa kanya?! Tangina mas gwapo kaya ako sa kanya! Pucha ‘to! >_____<
Bubugbugin ko ‘to eh!
Pinigilan ko siya sa paglalakad. Hinawakan ko ‘yung balikat niya at agad naman siyang napatingin sa akin.
“Mag-usap tayo.” Sabi ko sa kanya.
“Ayoko. Hindi kita kilala.” At nagpatuloy na siya sa paglalakad papalayo.
Punyeta! Napupuno na ako ah! Bakit ba ayaw niyang makipag-usap sa akin?! Susubukan ko lang naman siya eh! Naisip ko kasi, na kapag diretsahan kong tinanong kung anong papel niya sa buhay ni Ericka eh baka iba lang ‘yung sabihin niya. Kaya nakaisip ako ng technique para ‘mahuli’ siya.
BINABASA MO ANG
The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)
Novela Juvenil"Break na 'yan sa Sabado!"