10. Unwanted Rumors
PSALM JANE'S POV
*beep beep*
One message received.
From Ate My:
Ang tunay na kaibigan, hindi pumapatol sa boy friend nang kaibigan.
~
Matamaan guilty.
~
#BitchsiExBFF
~
GM
Haay! Four months na ang nakalilipas pero hanggang ngayon puro ganyan ang mga nare-receive kong messages galing kay ate Mylene.
At sa four months na yun, marami na ding yun, madami nang mga nangyari na ayaw ko na sanang balikan pero paulit-ulit lang bumabalik sa sutil na isip ko...
Haay! Bakit ba ako nagkakaganito?
Ganito kasi yun...
*flashback*
Yehey! Tapos na din ang second sem.. bakasyon na.. hihi.
Naka-smile pa kong pumasok sa gate ng boarding nang may narinig akong nag-uusap. Huminto muna ako nang marinig ko yung boses ni Mira at ni ate My.
"Talaga ate My? Hindi ako makapaniwalang ganoon pala si Jane. Akala ko mahinhin. Mahinhin-dutin pala. Eeww!"- Mira. Boardmate ko din.
Narinig kong tumawa nang pagak si ate My bago nagsalita. "I know, right? Napakalandi niya. Biruin mo, pinatos pa ang magkapatid. Akala naman niya sa sarili niya ang ganda ganda niya. Eh, mas maganda naman ako sa kaniya. Like duh? ?"
Tumawa din si Mira ng malakas. "True, ate. Mas maganda ka kay ate Bitch. Like eeew? Nakakadiri talaga siya!!"
*Blaaag!!*
Napasigaw silang parehas pagkarinig nang kalabog nung screen door.
Sinadya ko yun, ui!
Namutla silang dalawa pagkakita nila saakin.
"Oh, bakit kayo namumutla? Hindi naman ako multo." Nagkunwari akong hindi ko narinig yung sinasabi nila saakin kanina. Tinawanan ko pa sila na parang walang nangyari.
"Plastic ni ate Bitch... tss." Bulong ni Mira na nakaabot sa pandinig ko. Siniko ni ate My si Mira
.
Nginitian ko silang pareho bago ako pumuntang kwarto.
"Bitch..." sigaw nilang dalawa sakin.
Paglingon ko sa kanila...
Haay! Halos lahat na pala ng boardmates ko nasa sala na...
And as I looked at their faces, priceless...
Their priceless mocking faces...
*end of flashback*
Simula nang araw na yun, wala na akong kinausap na tao sa boarding.
Dahil sa pagkarinig nang mga boardmates ko sa pinaugsapan nila ate
My, doon na din nagsimula yung hindi matapos-tapos na usapan tungkol sa akin tulad nang hindi na daw ako malinis, ilang lalaki na daw ang nakagalaw sa akin at iba't ibang uri nang maduduming salita..
Hinahayaan ko nalang sila kasi hindi naman totoo
ang mga binibintang nila.
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
General Fiction"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.
