28. ?

115 5 0
                                        

28. ?

DARREN'S POV

"Psalm---"

Napangiti ako ng mapait ng hindi nya ko pinansin at nagderetsong naglakad lang papuntang kwarto nya.

Ilang araw na bang hindi nya ko pibapansin?

Nagmula nung nangyari sa terrace.

Haay!

Gusto ko tuloy magsisi na sinabi ko ang nararamdaman ko sakanya

Kahit na alam kong alam nya na mahal ko sya.

Hindi naman ako manhid para sabihin na hindi nya ko gusto dahil sa kalahating taon na niligiwan ko sya, alam kong may nararamdaman na din sya sakin...

Ayaw nga lang nyang aminin...

Ayaw nga lang nyang tanggapin...


Gusto kong sisihin si kuya Terrence dahil kung hindi sana nya sinaktan si Psalm.

Sana hindi ganito ang pakikitungo nya sakin...


Lupaypay akong pumasok sa kwarto namin ng mga kapatid ko.


Bigo na naman ako sa balak kong pagkausap sana sa taong mahal ko.


Nakita ko syang nakaupo sa may kama nya at tutok na tutok na naman sya sa phone nya.

I smirked. COC na naman inaatupag.

Basta yata vacant nya, wala na syang pinagkaabalahan maliban sa maglaro bg COC.

Naweweirduhan ako sa mga taong adik sa COC pero...



Sabagay, nasa kung anong trip naman nila.

"O, bakit ganyan itsura mo? Problema mo," tanong nya sakin pero ang buong attention nasa COC parin.

I just shrugged. Alangan naman na sabihin kong sya ang problema ko, e baka sapakin ako netu!

Humiga ako sa upper deck ng double deck na higaan at nilabas ko ang phone ko

I decided to text her.

Psalm? We need to talk. Please, beep me up. thanks :)

Urgh! Kinse minuto na ata ang nakalipas, hindi parin sya nagrereply!

Nagtype ulit ako...

Ba't ndi ka nagre-reply?

*ten minutes after*

Ui, busy ka ba, Psalm?

*ten minutes after*

Hey, PSALM? :-(

*15 minutes after*

Hmp! What the h-ell happened, PSALM? Have I done something wrong?

Binagsak ko yung phone ko sa kama. Buti nalang, five inch- foam tong higaan ko kundi wasak na ang iphone ko.

*5 minutes after*

*beep beep*

Dali dali kong kinuha ang phone ko ng bigla itong nagring.

Tinignan ko syempre agad kasi baka si Psalm na ang nagtext...



Pero...








From MYLENE GALINDEZ




Oh, come on? Hindi ko na inabalang basahin pa yung text message ni Mylene at binato ko ulit pero doon na sa bed ni Queenie.

At buti nalang ulit, five inches din yung foam nya kaya...




Sayang. Hindi tuloy nasira!

De joke lang, mahal na mahal ko kaya ang phone ko!

Ay! Ang bading, ah! NEVERMIND!


ang bading parin, tss!


"Hoy! Kung makapagbato ka nang phone parang hindi iPHONE ha?"

I just shrugged when I heard my brother complaining.

"Sino ba kasi yang tinetext mo? Isang oras ka ng hindi mapakali," seryoso na tanong sakin ni Terence.
Binitawan na din nya ang pinakakamamahal nyang phone.

I smirked. "Ang babaeng pinaglaruan mo," I mumbled.

"What?"


"Wala,"



TERRENCE FERNANDEZ'S POV

Tss! Mas gwapo naman ako sa kapatid ko pero bakit ngayon lang ako nagkaPOV?

Hello, Ms. Otor, chapter 28 na ang #UnansweredWishes ?

Ito namang kapatid kong si Darren, kanina ko pa gustong batukan. Kanina pa hindi mapakali eh.

Ng tinanong ko naman kung anong problema, bumulong lang na parang galit sakin?

"Babae noh?" Hula ko sa problema ni Darren.

"Tss," sabi ko nga.

"Ikaw naman kasi, tol. Masyado kang seryoso sa pakikipagrelasyon, ayan namomroblema ka tuloy,"

Napailing lang si Darren.

"Payong kapatid lang, tutal kuya mo naman ako," I smirked when he frowned.


"Kuya your ass," he cussed.


"Hui, seryosong usapan kasi,"


Umiling iling ulit si Darren. "Kailan ka ba nagseryoso pagdating sa ganitong usapan?"

Halatang ayaw makinig si Darren sakin.


Aminado naman akong palikero ako, pero...

Palay na ang lumalapit sa sisiw.


Sino ba naman ako para tanggihan ang mga naggagandahang babae na inaakit ako?


I'm just a man who has needs...

Tatanungin nyo sakin kung minahal ko ba si Psalm?


Hindi ko alam.


Ang alam ko lang, espesyal sya sakin.

"I'm serious, bro,"

He then again, shrugged.

"Alam mo, kuya?" Seryosong tanong nya sakin.

"Hindi ko pa alam," nakakalokong sagot sa nakakainis na tanong na yan.

Bumaba sya sa kama nya at lumapit sa door.

"Tss, kain na nga lang tayo, wala lang kwentang kausap,"

"Aba---" bastusan?


Unanswered Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon