21. Queenie
PSALM'S POV
"Ui panget, kamusta ka na?" tanong sakin ni Mr. Chinito.(ko)
Tinignan ko lang sya saglit at binalik ko na yung tingin ko sa harap nang laptop ko.
Umupo sya sa tabi ko at pinatong yung kanang kamay nya sa balikat ko.
Sh*t! Bakit ba dikit nang dikit sakin to...
Buti nalang Friday ngayon at national holiday kundi baka kanina pa ko namatay dito...
Kung nakamamatay lang ang irap, nagbabagang tingin at nangungutyang titig baka naranasan na nila mama magcelebrate nang 1st death anniv. Dahil nga kahit na isang taon na ang nakalilipas matapos yung "kiss" encounter naming ni Darren... Hanggang ngayon, hindi parin humuhupa yung sama nang loob nang mga tao dito...
Haay!
"Alisin mo nga yang kamay mo dyan, panget..." Tss. Nasanay na ko sa katatawag nya sakin na panget kaya pati ako natatawag ko na din sya nang panget at ang loko, tuwang tuwa pa...He even pinched my nose, again.
"Kunwari ka pa, panget eh! Kinikilig ka naman," biro nya sakin kaya tinulak ko sya.
"Why would I feel 'kilig?' You're not even my bf." Kontra ko sakanya.
Biglang lumungkot yung mukha nya. Pero saglit lang yun dahil ngumiti sya agad. "E di gawin mo kong bf,"
Haay! Etu na naman ang banat ni Mr. Chinito. "Alam mo, bakit mo ba ko niligawan ha? I don't deserve you." Bigla ko nalang nasabi sakanya na hindi ko man lang inisip kung anong magiging reaksyon nya.
"Bakit kita niligawan? Alam mo, nakakasakit ka nang damdamin, Psalm. Bakit nga ba nanliligaw ang lalake sa isang babae?"
Nag-isip ako. Ay tanga! Bakit kailangan bang pag-isipan yun, eh andali dali. Tss. Stupid, Psalm.
"Kasi... gusto nya yung girl. Kasi..." naghesitate ako kung itutuloy ko yung sasabihin ko.
"Kasi..." ulit nya sa huling sinabi ko.
"Alam mo na nga ang sagot, pinapahirapan mo pa kong magsalita. Nakakainis ka!" nakasimangot pa ko habang sinasabi yun...
"Tss. Alam mo din naman ang sagot diba? Bakit ka mahihirapan magsalita?" Haay! Kailan ba ko mananalo sa isang taong mas makulit pa sa lasing.
"Tss ka rin..." sabi ko at pinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pag-e-encode. Nagpagawa kasi si Ma'am Matet nang ten-pages na essay tungkol sa kahalagahan nang pagmamahal. Hay, may kacornihan kasi si Ma'am eh... Kaya pati Love, ginagawan nya nang topic...
"There are many types of love, love to a family, love to a friend, love to your neighbour and especially love to a partner... Naks naman panget, alam mo naman pala ang meaning nang love eh!"
"Bakit ka nagbabasa nang essay nang may essay huh? Tigilan mo nga yan..."
"Eh sa maganda eh... Wait lang. Love is to let go. True love is to be happy and be contented of what he can give you. Love isn't boastful. Love isn't selfish. You truly love someone when you aren't waiting to love back...
"We tend to love someone even if we know at the end, they will just leave us with a crushed heart."
Pabalibag kong sinara yung laptop ko. Pero nagsisi din ako kasi nga ang mahal mahal noon, pero gumagawa ako nang reason para masira. Aiish! Ang kulit kulit kasi netu eh!
"Aissh!" binusisi ko yung laptop ko at dahil sa pagkakasara ko nang harsh. NagkaLCD tuloy. Huhu.XD
Pagagalitan ako netu pag nakita... "Bakit ba kasi bigla mo nalang sinasara? Nasira tuloy..." pagsisisi sakin nang katabi ko.
"KASALANAN MO TO EH, BAKIT BA KASI NANDITO KA NA NAMAN SA TABI KO? AYAN TULOY NASIRA YUNG PINAKAMAHALAGANG BAGAY SAKIN NGAYON..." Nagulat ako sa sarili ko nang bigla ko syang sinigawan.
Alam ko naman na kasalanan ko eh. Naghahanap lang ako nang masisisi and I'm really brat for that.
"Wow naman Psalm. Sige, kasalanan ko na nasira yung laptop mo dahil sa pagsasara mo nang hindi maayos. Kasalanan ko dahil nilapitan kita... Kasalanan na palang makasama ang taong mahal mo... Then... I'm sorry for loving you..." I can see the pain in his eyes.
"I'm-" napatigil ako sa pagsasalita.
"Psalm, I know it's wrong to tell you something like this but ginagawa ko naman lahat eh, ginagawa ko ang lahat para mahalin mo din ako. Pero maybe, it's not yet enough to love me back." Pinunasan nya yung luha sa mga mata nya.
"Darren-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko sakanya dahil bigla nalang syang nagwalk-out.
"I already love you... Mas nauna pa nga kong mahalin ka bago mo ko minahal but my love for you should've have remain untold..." bulong ko sa sarili ko.
Haay! Naiinis ako... Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako sa buong mundo, at lalong lalo na na naiinis ako sa sarili ko dahil natatakot ako. Natatakot akong mag-risk.
Mahal na mahal ko na sya, pero natatakot ako. Natatakot akong magmahal muli. Baka kasi kapag hinayaan ko ang sarili ko na mahalin sya. Baka saktan ulit nya ko... Baka katulad nang ex ko, iiwan din nya ko.
Ayoko nang masaktan ulit. Pero totoo nga ang sabi nang ilan, kapag nagmahal ka, hinding hindi mo maiiwasang masaktan.
Gustong gusto ko syang mahalin pero natatakot ako, natatakot ako sa consequences.
Kasi nga pag naging kami na... Mas lalo lang akong masasaktan. Yung panghuhusga nga nang ibang tao ngayon na hindi pa kami, halos hindi ko na kayanin... Paano pa kaya kapag naging kami na?
Mas iisipin mo pa ba ang sasabihin nang iba kung alam mo naman na magiging masaya ka sakanya? I heard my heart whispering me.
Magiging masaya ba talaga ako?
But my mind whispered something for me. Yes, magiging masaya ka ngayon. Pero magtatagal ba yung saya na yun? You were so happy with your ex then but he just broke your heart. Masisigurado mo bang hindi ka sasaktan ni Darren to think na kapatid pa sya nang ex mo?
But...
*booogsh*
Natigil ako sa pagiisip nang may biglang nahulog. Tinignan ko kung saan nanggaling...
Sa may kusina pala...
Nagulat ako nang makita ko yung basag na basag na baso. At lalo pa kong nagulat nang makita ko kung sino ang nakabasag nang baso...
Si Queenie...
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
Ficción General"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.