19. Courting Her
PSALM'S POV
"Huh? Mali ata pagkakarinig ko eh... mahal daw nya ko?" bulong ko at kausap yung saril ko pero...
"No, you heard it right. I love you. And falling in love with you is the best thing that had happened to me," madamdaming pagsabi ni Darren sa nararamdaman nya sakin.
Natulala ako sa pag-amin nya sakin.
So I really heard it right? Mahal daw nya ko?
*Tug tug tug *
Nabibingi ako sa sobrang lakas nang tibok nang puso ko kaya ginawa ko yung isang bagay na alam kong katangahan at kadugawan...
I ran away from him.
Tumigil lang ako sa pagtakbo nang nalingon kong wala na sya sa paningin ko. Hingal na hingal ako sa sobrang pagod pero aaminin kong napangiti nya ko sa pagamin nya nang nararamdaman nya.
Kinikilig ako at para pa kong nakaapaw sa lupa dahil sa sayang nararamdaman ko pero bigla din itong nawala...
Masaya ako kasi inamin nyang may nararamdaman sya sakin pero bigla akong nahiya sa sarili ko...
Kung sakaling magiging kami ni Darren para na ding pinatunayan ko sa ibang tao lalong lalo na sa mga taong hinuhusgahan ako na totoo talaga ang binibintang nila sakin...
Bumagsak yung balikat ko sa sobrang lungkot at inis na nararamdaman.
Sa mali na namang tao ako nagmahal at ang pinakamasaklap sa lahat, kung kailan naamin ko na sarili kong mahal ko na sya sa maling tao pa.
----
"Ui, Psalm..." may sumigaw sa harapan ko habang naglalakad ako papuntang school.
Deadma lang ako kahit kating kati na yung bunganga kong bumati sa kanya at ngitian sya nang pagkatamis-tamis.
Apat na araw na bago sya umamin sa nararamdaman nya at hindi ko pa sya nakakausap. Rather, iniiwasan ko syang makausap!
Hindi ko alam if coincidence lang matatawag yun o blessing in disguise na Friday yung time na yun at weekend. Imbes na hindi sana ako uuwi sa bahay dahil ang gusto ko lang namang gawin ay magpahinga pero naisip kong umuwi nalang sa bahay para maiwasan ko sya.
One hour lang naman kasi ang byahe UOL hanggang sa town namin kaya kung hindi ako tinatamad, palagi akong nauwi nang weekend.
Binilisan ko yung paglalakad at pumara nang tricycle malapit sa gate. Buti nalang 2 hours pa bago ang klase ko at inagahan lang na umalis sa boarding para makaiwas sa mga boardmates ko particularly sa taong nakatingin sakin ngayon habang humaharurot yung tricycle para lang matakbuhan sya.
"Saan ka miss?" tanong sakin ni mamang driver kaya napalingon ako at napaiwas sa pagkakatingin kay Darren
"Kuya sa BesTopping's Ice cream shop po," magalang na sagot ko kay mamang driver na sa tingin ko nasa early forties ang taon.
"Wag kang magagalit sakin ineng ha? Nagtataka lang kasi ako kung bakit mo tinatakbuhan yung kagwapong bata kanina?" may pagkaususero din si mamang driver ah.
Nginitian ko parin sya pero hindi hindi na abot sa mata. "Takot lang po kasi akong masaktan," that should be just in my mind but I told it loud, haay!
Nag-create sya nang tsk sound na parang may biglang naalala. "Naku ineng, sa pag-ibig hindi mo naman maiiwasang masaktan. Ang mahalaga naman sa pagmamahal, magmahal ka nang hindi natatakot masaktan kesa baka sa bandang huli magsisi ka kasi hindi mo man lang naiparamdam sa taong mahal mo kung gaano mo sya kamahal." May dumaang lungkot sa mga mata nya.
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
Художественная проза"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.