23. Threesome Date
QUEENIE FERNANDEZ'S POV
"Sama ako, I haven't eaten my dinner yet,"
Tss. Pasimple pa tong si Kuya Darren mag-damoves, hindi lang nya matiis si Ate Psalm na hindi kausapin eh...
"Sige kuya, kakain kami sa Macdo. Libre mo kami huh?" Biro ko kay Kuya.
He nodded but his eyes focused on ate Psalm.
"Let's go," hinigpitan ko yung pagkapit ko sa braso ni ate Psal. Haha.XD alam ko naman kasing aalis to kapag hindi ko hinigpitan.
Iwas mode ang peg ni new friend ko.
Naglakad kami papuntang Mcdo kasi walking distance lang.
Nang makahanap kami ng table nakaisip ako nang plano.
"Kuya, kaw nalang mag-order," utos ko kay Kuya Darren. Buti nalang mahal ako netu kundi hindi yan papayag. Ahaha.XD
"Sure, anong gusto nyong kainin?" tanong nya pero nakatitig ulit kay ate Psalm. Haha.XD pinapahalata kasi eh!
"I want two piece chicken with rice, large macoke, macfloat monster, large fries and apple pie." Sabi ko kay Kuya.
"Ang takaw mo talaga kahit kailan," pang-iinis nya sakin.
"Ikaw, Psalm. Anong kakainin mo?" Tss, namumula yung tenga ni kuya. Ahaha.XD halatang inlababu sa kausap.
"Kuya, samahan ka na daw ni ate Psalm sa counter," inunahan ko si Ate Psalm magsalita. Haha.XD
Kahit hindi ko tignan si Ate Psalm alam kong pinapatay na nya ko sa sama nang tingin nya pero sorry nalang sya dahil hindi nakakamatay ang tingin. Hihi.XD
"Okay lang, Psalm?" tanong ni kuya kay ate pero...
"Okay lang yan kay ate Psalm, diba ate?" natatawa kong sagot kahit hindi ako tinatanong. Tinulak ko pa si ate Psalm nang mahina kaya napilitan syang tumayo.
Naglakad na sila Kuya at ate papuntang counter na five meters apart yata. De joke lang.
Masabihan nga mamaya tong mga to.
Si Kuya Darren kasi hindi gumagawa nang moves para magustuhan na siya ni ate Psalm which is I think gusto na din ni ate Psalm si kuya kaso nga lang...
Napapansin kong stiff si ate Psalm sa lahat nang taong nakapaligid sakanya.
Ako nga, kundi ko lang pinilit-pilit yun maging kaibigan baka hindi pa pumayag pero dahil makulit ang lahi namin, tinanggap nya ang friendship ko.
MUAHAHAHA. XD
"Bakit nakangiti ka dyan nang malapad, Queenie?" hindi ko namalayan na dumating na pala si mamang waiter, de joke lang. Haha.XD dumating na sila kuya Darren at ate Psalm, bitbit yung dalawang tray nang pagkain.
"Wala lang, masaya lang ako." Kinuha ko yung bitbit ni Kuya Darren na tray kasi nandoon lahat nang order ko.
Nandoon kay ate Psalm yung pagkain nilang dalawa.
"Ui, dahan dahan sa paglamon, Queenie, baka mabulunan ka sa katakawan mo jan," pangaasar sakin ni Kuya nang naiayos ko lahat sa harapan ko yung pinabili ko sakanila.
Ngumuya muna ako sa kinakain kong friedchicken (wa poise dahil nga kinamay ko pa yun, wahaha.XD) bago ako magsalita.
"Tss, kung ako matakaw anong tawag sayo?" hindi papatalong sabi ko bago sinubo ulit yung chicken na hawak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/68460687-288-k154234.jpg)
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
Fiction générale"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.