2. Darren's Elder Brother
PSALM JANE'S POV
Hindi ko alam pero hindi talaga ako makatulog kahit ala una na ng madaling araw. Hindi ko parin naiwasan ang pagkaalala ko nang nakaraan...
(A/N: Pssssssttt.. continuation po ito ng chapter 1 :D please bear with those flashbacks thingy pero I think mga ilang chapters po na ganito ito. ENJOY READING!)
Pagkauwi ko nang boarding nakita ko si Arlyn na nakaupo sa sala kasama noong kuya niyang isa... si kuya Terrence na nanonood nang TV (kapatid po nila si Darren.) nginitian ako ni kuya.. tumango ako bago ako pumunta ng kuwarto ko.
Habang naglalakad ako papunta ng room hindi ko sinasadyang marinig ko silang nag-uusap about kay Dan na sobrang kinatuwa ko..
UWAAAAH!!!!!!!!
Lilipat daw ito next sem sa boarding nila.
Iniisip ko parin ang narinig ko habang nagbibihis ako. EXCITED NA KONG MAG-NEXT SEM.. AHIHIHI!!!
Pumunta ako nang sala pagkatapos kong magbihis. Wala na si Arlyn at si kuya nalang ang nandoon.
Deadma lang ako noong umupo ako sa single na upuan at si kuya nakaupo sa mahabang sofa.
Nakatitig lang ako sa TV pero hindi ko talaga maintindihan ang pinapanood naming. Hindi ko alam kung bakit pero naiilang ako kay kuya...
"Ui..."
O_O
Napaigtad ako nang kinausap niya ko. naramdaman ko ang pag-iinit nang mukha ko pero lumingon ako sa banda niya though hindi ako dumeretso ng titig sa mata niya kasi sobra talaga akong naiilang!
"Bakit po?" tanong ko kasi alam ko namang fourth year na siya sa course na Electric and Computer Engineering kaya hindi ko maiwasang mag-po sa kanya!
Aaminin ko kulang ang salitang guwapo kung ide-describe ko siya. Mas matangkad siya kay Darren ng dalawang inches. Alam ko kasi minsan nagkatabi sila habang nandito si Dan. Medyo maputi ito at alam kong mas maputi siya saken. Mas guwapo si kuya kesa kay Dan para sa iba though mas gusto ko si Dan.
Si kuya kasi may pagka-playboy ang dating. Mali. naririnig ko pala kila Arlyn na marami na itong naging grilfriends. Si Darren naman kabe-break lang nila ng second girlfriend nito at inpeyrnes three years daw sila mahigit.
Narinig kong tumawa si kuya. "Anong pangalan mo?"
"PSALM po kuya," sinagot ko yung tanong niya na hindi na nakatingin sa kaniya pero noong narinig ko siyang nang utter ng 'huh?' tinignan ko ulit siya.
Sanay na kong ganoon ang reaksiyon nang mga tao kahit alam ko naman na madali lang i-pronounce ang name ko. "Jane na lang po."
"Ah... okay..pwede kong kunin ang number mo?"
Tinignan ko siya nang may pagtataka. "Huh?"
Tumawa na naman ito. Pansin niyo, hilig nitong tumawa. "Para textmate tayo." Tapos tumawa siya ulit.
Lalo akong nagtaka sa sinabi niya pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko o dahil nahihiya lang ako sa kaniya kaya siguro naisipan kong ibigay.
"Akin na phone mo kuya, i-type ko."
Binigay naman niya yung phone at nilagay ko na yung number ko. "I-save mo nalang po." Tapos binalik ko na yung tingin ko sa pinapanood ko.
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
Ficción General"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.
