18. Falling inlove with her

156 4 0
                                    


18. Falling in love with Her

PSALM'S POV

Patang pata ako at humihikab pa sa sobrang pagod. Palabas na ko sa classroom kung saan ako nag-exam nang last subject ko.

This is a hell week. Yung apat na araw, martes hanggang byernes yung exam days namin.

Ikaw ba naman mag-exam nang syam na subjects at yung lima doon major, yung apat na minor ko at dalawa doon pafeeling major pa sa sobrang hirap nang pinapagawa. Lalo na yung trigo na halos sumabog lahat nang brain cells ko sa sobrang hirap!

Pati din yung Nat Sci ko na multiple choice nga lahat yung 80 items pero yung choices naman akala mo nag-speech sa sobrang haba tapos ang choices mantakin mo, a to f? Saan ka pa? Meron ngang True or False pero parang ganoon din sa multiple choice yung babasahin. Pito hanggang walong pangungusap ba naman yung statements? Haay, dumudugo tong ilong ko!!

Buti nalang may PE pa na pambalubag loob at hindi ako nahirapan sa pagsagot at yung isa namang minor ko buti nalang at Music 101. Doon talaga ako confident na makakapasa ako.

"Naku! Sa wakas natapos na din ang impyernong exam week na to! Makakapagpahinga na din sa requirements at kakareview." Parang ang saya saya pa ni Imee na lumabas nang room habang kausap nya din yung isang kaklase ko, si Eya!

"Oo nga fren!! I can finally sleep! Para na kong zombie sa itsura ko ngayon kasi dalawa o tatlong oras tulog ko sa isang gabi." Reklamo naman ni Eya.

Napangiti ako sa sinabi nya. Sino ba ang estudyante ngayon UOL ang nakakumpleto nang tulog? Wala siguro, grabe kasi mga prof dito makapagexam parang ang tingin samin lahat na estudyante puro nasa superior ang IQ.

Naglakad na ko pababa nang Arts and Sciences Building pagkatapos kong isuot ung headset sa tenga ko.

This is life.

Naburyong ako nang matapos yung una kong niplay bigla ba namang Halaga ang nagplay haay!

"Sa libo libong pagkakataon na tayo'y magkasama iilang ulit palang kitang nakitang masaya... siguro ay hindi nya lang alam ang yong tunay na halaga!" para pang nang-iinis yung vocalist nang Parokya ni Edgar sa kinakanta nya. Oo na! ako na malungkot ako na hindi pinahalagahan nang ex ko!!! pero nagmahal lang naman ako!

Hmm...emo lang ang peg! Katatapos nang exam puso ko naman ngaun ang pinapahirapan ako!!

Pagkapak na pagkaapak ko sa hallway ng 1st floor, may biglang nag-alis ba naman nang earphones ko.

Sisigawan ko sana pero... "Oh anong kailangan mo?" malamig na malamig na sabi ko kay Darren at pasimple kong pinunasan yung luha kong kumawala kanina.

Tinitigan nya ko na seryoso ang mukha. "Diba sabi ko naman sayo, Psalm, ayokong nakikita kitang umiiyak?" pagalit pa nya kong sinigawan.

"Bakit ba nakikialam ka? Buhay ko to kaya kahit kelan kung gusto kong umiyak, iiyak ako!" bakit ba sa tuwing nakikita ako nang lalaking to palagi nalang akong naiyak?

"Bakit nga ba ko nakikialam sa taong walang ibang ginawa kundi umiyak at hindi kayang magmove-on? Bakit? Diba nga sabi ko sayo, ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak kasi nasasaktan ako."

Tinitigan ko sya. "At bakit ka masasaktan kung iiyak man ako, ha?"

Natulala sya sa tanong ko. "Kasi..."

"Kasi... mahal kita at ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil sa kanya!"

--

DARREN'S POV

"Kasi... mahal kita at ayaw kitang nakikitang nasasaktan dahil sa kanya!"

WHAT THE?

Bakit ko nasabi yun?

Tinitigan ko yung mukha ni Psalm na nakatulala.

Bakit kaya kahit na bakas sa mukha nyang ang pagiyak, bakit pakiramdam ko sya parin ang pinakamagandang babae na nasilayan ko sa buong buhay ko?

Baka kahit itabi pa sya sa pinakamagandang artista sa buong mundo, bakit iniisip ko paring para lang silang basahan kumpara sa babaeng kaharap ko?

Hindi ko naman kailangang hagilapin ang sagot sa puso ko kasi iniisip kong sya ang pinakamandang babae sa buong mundo kasi...

Mahal ko sya eh! Naiisip kong sya ang pinakamaganda kasi mahal na mahal ko sya.

"Anong sabi mo?" tanong sakin ni Psalm nang makahuma sya sa pagkagulat.

Nandito na to eh! Nasabi ko nang mahal ko sya. Panindigan na kahit na yung taong napili kong mahalin ang pinakadense na nakilala ko.

"Sabi ko ayaw kitang nakikitang nasasaktan kasi mahal kita!" ulit ko sakanya.

Napangiti ako nang makita ko yung mukha nyang sobrang pula. May tao pa palang nag-e-exist na marunong magblush?

"Huh? Mali ata pagkakarinig ko eh... mahal daw nya ko?" bulong ni Psalm habang kausap yung sarili nya pero rinig na rinig ko naman!

"No, you heard it right. I love you. And falling in love with you is the best thing that had happened to me." madamdamin kong pagsabi ko sa nararamdaman ko sakanya.

Pero nagmahal yata talaga ako nang taong pinaka sa lahat nang bagay. Pinakadense, pinakaweird at pinakakakaiba kasi pagkatapos kong sabihin yung nararamdaman ko sakanya. Tinakbuhan nya ko. napakamot ako sa ulo.

Haay! I just need to accept the fact that I fell in love with a strange, weird girl!

Unanswered Wishes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon