4. # Twenty Four
PSALM JANE'S POV
Nginitian ko si kuya Terrence noong nakasalubong ko siya galing school at papasok naman ako.
Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako nang hindi niya ko pinansin.
Okay lang yan Psalm, baka hindi ka lang niya nakita.
Nga pala. Three weeks na kaming textmate kahit magkaboarding kami. Hindi kami masyadong nag-uusap kasi nahihiya parin ako sakanya.
Hindi ko rin alam kung bakit kapag nakikita ko siya sumasaya ako. At pag katext ko siya, kinikilig ako.
Naranasan niyo na bang main-love sa isang taong hindi niyo naman masyadong nakakausap pero palagi niyong ka-text?
TAMA kayo nang pagkabasa. Mahal ko na siya! Baka iniisip niyo spur of the moment lang yun o kaya infatuation lang kasi ang bata ko pa at masiyadong mabilis para ma-inlove ako sa taong hindi naman nanliligaw saken.
Anyway, sixteen isn't not that young. Right?
Sino naman ang hindi ma-i-in love sa isang taong guwapo na. sobrang sweet pa. though sabi ko nga, sa text at tawag lang. yap! Tumatawag siya minsan saken.
Few hours after
Yes! Natapos na din ang tatlong klase ko sa hapon and pauwe na ko ng boarding.
Excited na ko umuwi. Hihi. Masisilayan ko na ang mahal kong kuya. :D
Behlat :P
Walang basagan nang trip. Malandi na kung malandi hahaha basta alam ko, masaya ako.
Papasok na kong kwarto nang tinawag ako ni Chelloe. Yung pamangkin nila Darren.
"Ui, Jane. Lika dito may sasabihin ako."
Napakunot ako ng noo pero lumapit ako sa kaniya kahit sobrang nagtataka ako. Hindi kasi kami close kaya medyo nagtaka ako.
"Bakit?"
Ngumiti ito nang makahulugan. "Di ba palagi kayong magkatext ni kuya Terrence?"
( A/N: pamangkin nila si Chelloe pero kuya ang tawag niya kila kuya Terrence at Darren kasi nahihiya daw siyang i-tito ang mga ito.)
Lalo pa kong nagtaka kasi hindi naman ugali ni kuya ang magkweno .
"Huh? Paano mo nalaman?"
"Sabi ko na nga ba eh!"
Napataas yung isang kilay ko sa sinabi niya.
"Ha?"
Tumawa si Chelloe. "Mag-ingat kay kuya ah."
"Bakit naman?"
"Ayaw ko sanang sabihin sayo to pero meron kasi siyang nililigawan na iba. At friend ko yung nililigawan niya..."
Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata at hindi nalang ako nagsalita. Pumasok ako sa kwarto na naguguluhan.
Tinext ko si kuya Abel kasi tapos na din naman yung klase niya.
To Mahal kong kuya :D
Ui... may sinabi sakin si Chelloe.
After siguro nang ten minutes bago siya nagreply.
From Mahal kong kuya :D
Ano yun?
To Mahal kong kuya :D
May nililigawan ka daw na iba. Si Roxanne. Ung friend niya?
From Mahal kong kuya :D
Ngek. Hindi ah. Pinsan ko kaya si Roxanne.
To Mahal kong kuya :D
Totoo?
From Mahal kong kuya :D
Oo naman. Bakit nagseselos ka, mahal ko?
To Mahal kong kuya :D
Bakit may karapatan ba kong magselos?
From Mahal kong kuya :D
Meron kung gugustuhin mo.
To Mahal kong kuya :D
Ha?
From Mahal kong kuya :D
Sagutin mo na kasi ako
Tamo tong lalaking to.
To Mahal kong kuya :D
Bakit nanliligaw kaba?
From Mahal kong kuya :D
Kailangan pa ba un? Diba mahal mo na ko?
To Mahal kong kuya :D
Paano si ROXANNE?
From Mahal kong kuya :D
Ayusin ko lang yun bago mo ko sagutin huh?
To mahal kong kuya :D
Kelan mo ba gusto na maging tayo?
From Mahal kong kuya :D
Sa September 24.
To Mahal kong kuya :D
Haha sige. 24 pa talaga ha?
From Mahal kong kuya :D
Yep! Para destiny talaga.
Hindi ko na siya ni-reply-an. Curious kayo kung bakit 24? Ganito kasi yun...
Katext ko si kuya nang naisipan kong tanungin ang birthday niya.
To M. k. k :D
Kuya kelan birthday mo?
From M. k. k :D
February 24, 1991. Ikaw?
To M. k. k :D
January 24, 1994. Hehe. Parehas tayo na 24.
From M. k. k :D
Oo nga noh. Haha. Ambata mo pa pala.
To M. k. k :D
Hindi naman. Three years lang kaya age gap naten.
From M. k. k :D
Two years and 11 months, kaya.
<End of conversation>
Ayan! Kaya siguro gusto niya nang 24. Diba? Soulmate kami noh? Haha. Asyumera ako.
(A/N: M. k. k :D means mahal kong kuya :D. nakakatamad mag-type kaya acronym nalang.)
----
Hahaha! Meant to be, soulmate, destiny, etc.
D you believe in that three terms?
BINABASA MO ANG
Unanswered Wishes (Completed)
General Fiction"Ang pag-mo-move on ay parang traffic, minsan ang hirap makausad... makakausad ka man pero sobrang bagal..." -Psalm Jane Sarrosa. Book 1: Story of Psalm, Darren and Terrence.
