6. Heartache is Headache

250 7 0
                                        

6. Heartache is Headache

PSALM JANE'S POV

Napabalikwas ako nang may kumakatok sa kuwarto. Nakatulog pala ako dito sa sahig. Siguro napagod ako sa kakaiyak.

"Jane, si Mylene to."

Binuksan ko yung ilaw noong kuwarto kasi sobrang dilim na. binuksan ko a yung pinto.

"Sorry, ate. Nakatulog kasi ako eh!"

Nginitian niya ko. "Okay lang."

Umupo na ko sa kama ko at humiga ulit. Hindi ko napansin na tinitigan pala ako ni ate.

"Nakita mo na?"

Umiwas ako nang tingin. "Oo."

Umupo ito sa gilid ng kama ko at humarap sakin. "Magiging okay din ang lahat."

Hindi ko namalayan na pumapatak na naman yung mga luha sa mga mata. Napahagulgol ako nang sinabi niya yun. " Ansakit sakit pala ate. Hindi nga siya ang first love ko pero mas masakit ngaun eh!"

Binigyan niya ko nang panyo. "Hindi yan nababase sa kung pang-ilang beses kang nagmahal. Kasi once you have fallen in love, kahit pang-ilang beses na yan. Masasaktan ka parin. kasi minahal mo siya, eh."

Umiyak parin ako nang umiyak hanggang sa napagod ako. Nandoon lang siya sa gilid nang kama ko. hindi siya nagsalita.

"Salamat ate, ah? Kasi nakinig ka."

"Okay lang yun. palagi mo naman akong kino-comfort. First time mo kayang umiyak sakin. Eh ako lagi-lagi."

Natawa ako sa sinabi niya. "Salamat parin."

Nag-ayos na ko nang makaramdam ako nang gutom. "Ate, kumain kana?" tanong ko kay ate Mylene.

"Oo. Kasabay ko kanina yung kaklase ko na nag-early dinner."

"Ahh.. sige. Kain lang ako sa labas."

"Sige. Ingat."

"Thanks. Labas na ko."

"Okay! Sorry di kita masamahan."

"Okay lang ate. Nu ka ba? Sige."

Tapos lumabas na ko nang boarding at pumunta sa isang karinderya at kumain.

Pauwi na ko nang makasalubong ko si Darren. Oo nga pala. Natuloy yung paglipat niya sa boarding namin noong start ng semester na to. Sa sobrang busy ko sa ehem pagpapacute sa kuya niya. Hindi ko na napagtuunan nang pansin yung paglipat. Nakalimutan ko na din yung nararamdaman ko sakaniya siguro dahil na rin kay ehem... kay blah blah blah.

Tumigil na ko sa pag-memention kay blah blah blah!

Sumasakit lang ang ulo sa pag-iisip nang kung ano ano kaya kinalmutan ko muna ang heartache ko. grabe! Nakaka-stress maging broken hearted!

Hindi niya ko napansin rather hindi pinansin kaya nagkibit balikat nalang ako tapos deretso lakad.

Tignan nyo. Sakit lang sa ulo ang love...

Haay! Bakit kasi palaging palpak ang love life ko.

You read it right. First boyfriend ko when I was fifteen and we just lasted for one month and nineteen days. Until now, hindi ko parin alam kung bakit ako nakipag-break sakaniya. Siguro because I was too young then and I don't even know what is the meaning of COMMITMENT.

Second boyfriend ko naman two months and sixteen days. Sixteen naman ako noon at fourth year high school pa lang ako! The reason why we broke-up was the same reason, COMMITMENT. Pero hindi ako ang reason kundi siya kasi nga wala siyang time sakin at nafall-out ako noon kaya nakipag-break ako sakaniya!

And now, I'm wishing that maybe this relationship will work. Pero hindi natupad yung wish ko.

Two months lang din kami. Hahaha! Gustong kong tumawa pero alam kong may halong pait yun. :"<

Alam niyo yung pakiramdam na sobrang nag-e-expect ka sa isang bagay pero in the end, wala. Masasaktan ka lang ulit kasi hindi natupad yung ine-expect mo. Kasi nga umasa ka. Kasi punong puno ka nang expectations. Pero hanggang false hopes ka nalang!

Hindi lang yung puso ko ang masakit kundi parang yung buong pagkatao ko sobrang nasaktan. Pati dignidad ko bumaba nang dahil lang sa salitang PAGMAMAHAL. Yung ginagawa mo ang lahat para hindi magmukhang mang-aagaw pero sa bandang huli. Hindi ka aware, third party ka lang pala. Yung pakiramdam na, you don't deserve to be the number one and your worth is just a number two.

Nakakainis! Sana kasi hindi nalang ako nainggit sa mga kaibigan ko kasi yung love life nila, super na nag-wo-work. Pero ako, sa pangatlong attempt ko. take note, tatlong beses akong sumubok sa relasyon pero ni isa. Ni isa, walang nag-work! Siguro nga, I don't deserve na seryosohin.

Nakayuko ako habang pauwe nang boarding at may napansin ako. May pumapatak na namang luha sa mga mata ko. Bakit ganoon? Hindi ko naman intention na umiyak pero kusa itong lumalabas. Sana kasi, hindi nalang ako nagmahal. Sana kasi, hindi ko nalang siya minahal at sana kasi, hindi nalang sana siya ang minahal ko!

Pero sabi nang nabasa kong text quote na f-i-n-orward nila sakin na kapag nagmahal ka nang paulit ulit at paulit ulit ka din nasasaktan hindi ibig sabihin noon ayaw mo nang magmahal. Kasi darating din yung taong mamahalin mo at mamahalin ka din nang totoo, maghintay kalang dahil once na dumating yung taong yun, masaktan ka man ulit atleast alam mong kapag sinaktan ka niya parang sinasaktan na din nya yung sarili niya kasi nga mahal kaniya at ikaw ang buhay niya!

I hope time will come that I would be able to meet that person that I've been longing for.

WH7pii2�f�v~�K

Unanswered Wishes (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon